CHAPTER 3.2

223 11 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Magsisimula ako ngayong araw humanap ng target ko. Syempre gusto ko pogi rin para naman may panglaban ako. Hindi ako naniniwalang konti lang ang pogi sa school na 'to. Kung hindi man pogi ano na lang... masipag na lang gano'n. O kaya naman... maporma! Ang hirap naman humanap ng bagong crush. Wala na kasi si Adren lumipat na kaya wala akong mapagbalingan.

"Look who's here the ugly duckling na feeling swan dahil may dalawang lalaking umaaligid sa kaniya." Tapos mamalasin ka pa.

Napaikot ang mata ko. "Ano bang kailangan mo, Karen?" Stress ako ngayon sa paghahanap ng crush kaya huwag na sana siyang dumagdag sa Sa stress ko.

"Dalawa lang naman ang kailangan ko, bruha. Una, layuan mo si Jacob. Pangalawa, umalis ka na sa school na 'to." Inuutusan ba niya ako?

"Teka, inuutusan mo ba ako? Kasi kung oo, huwag ka ng umasa na susunod ako. Ang school na 'to ay ginawa para sa lahat hindi para sa inyong dalawa lang ni Jacob. Kung gusto mong umalis ako rito, bakit hindi mo unahan baka sumunod ako?" Mataray na sagot ko sa kaniya. Wala pa akong tulog kaya huwag niya akong hinahamon.

Matalim siyang tumitig sa akin. Akmang sasampalin niya ako ngunit mabilis itong nasalag ng kamay ko. Syempre wala akong kakampi ngayon kaya ako na lang. Hindi totoo ang chismis na kapag may sasampal sa'yo na kontrabida, may bidang lalaki na haharang sa kamay niya.

"Bawal mo akong saktan, Karen. That's against the school rules. Wala akong pake kung gaano ka ka-desperada na makuha si Jacob. Kung ayaw mo siyang dumidikit sa akin then tell him. Hindi ko hawak ang buhay niya. Alam niya naman ang ginagawa niya. It's your fault na sinaktan mo siya kaya ayaw ka na niyang lapitan ngayon." Matapang ang sagutan ko ngayon kasi alam kong mamaya manginginig na ako.

Gumalaw ang panga niya sa sobrang galit. Kitang-kita sa mata niya ang apoy na nagliliyab.

She smiled sarcastically. "Since you sadi that, you can't blame me kung ano ang mga gagawin ko sa'yo sa susunod na magkita tayo, bruha!" May halong pagbabanta na sabi niya. Inagaw niya ang kamay niyang hawak ko at nagdadabog na umalis.

Nang hindi na siya matanaw ng mata ko at saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Tangina, akala ko magsasabunutan na kaming dalawa. Grabe 'yon, ah! Kung hindi ko lang naalala na kaibigan ko si Jacob kaya kailangan ko siyang ipagtanggol hindi ko gagawin ang bagay na 'yon. Napahawak ako sa dibdib kong napakabilis ng tibok ng puso sa sobrang kaba. Ang pangit ng mga tao sa paligid ko ngayon ang hilig magpabilis ng heartbeat. Baka kinabukasan gumising na lang ako na may sakit na ako sa puso.

Isang malakas na pagbuga muna ang pinakawlaan ko bago maglakad. Nakalimutan ko na kung ano ang iniisip ko kanina. Mamaya ko na lang siguro iisipin. Baka ma-late na ako sa first subject ko ngayon. Kaklase ko rin pala si Karen at ang malas dahil hindi ko kaklase si Bekay at Jacob. Minsan talaga minamalas na ako. Kung gaano kadalas ang minsan? Palagi na. Palagi na talaga akong minamalas at hindi ko gusto ang bagay na 'yon.

Umupo ako sa pinakang-dulo kung saan hindi ako mapapansin ng kahit na sino. Mas mabuti sigurong umiwas ako sa paningin ni Karen lara hindi kami magpang-abot. Kasi kapag nagpapakita ako sa kaniya palagi, lalo lang siyang magagalit sa akin. Wala naman sa lahi namin ang mang-inis.

"Bakit hindi mo 'ko hinintay?" Nanlaki ang mata ko ng biglang umupo sa tabi ko sa Bekay. Heto na naman ang puso ko, heto na naman siya!

"H-Huh? A-Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko.

Kulubot ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Matutulog, Shai. Siguro matutulog ako rito!" Pilosopong sagot niya sa akin.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon