CHAPTER 9.1

147 15 0
                                    

Continuation....

SHAIRYLLE'S POV

Mariin kong kinuyom ang palad ko nang madatnan kong nakikipag-landian si Bekay sa maraming babae. He's sitting on the table while there's a lot of girls around him including Pixel. They are all touching him at siya naman ay parang walang pake.

“I told you huwag kang magagalit sa makikita mo,” bulong sa akin ni Colleen.

Nanlisik lalo ang mata ko nang tumayo si Pixel at umupo sa hita ni Bekay. She touched his face flirtatious. Ano bang mali sa lalaking 'to ngayon?! Akala ko ba ayaw niya kay Pixel pero bakit niya hinahayaang hawakan siya nang hawakan kung saan-saan. Pinigilan ko ang katawan ko na sugurin sila. Party ito, normal ang gano'n.

Sa loob ko nasasaktan ako. Hindi ko rin alam ang dahilan pero nasasaktan ako habang nakikita na lumalapit sa kaniya ang ibang babae. Iba ang trato niya sa akin at sa mga babaeng na sa tabi niya. Kapag ako ang kasama niya nakikita niya lang ako bilang kaibigan pero kapag... ibang babae na magaganda nag-iiba siya. Tila buhay na buhay siya.

“Ayo! The ugly duckling is here!” Bati ni Pixel na naka-upo sa hita ni Bekay.

Siniringan ko lang siya. Hindi naman siya ang pakay ko kaya lumapit ako.

“What are you doing here, beast? Your friend and I are having fun kaya kung pumunta ka lang dito para hatakin siya, I'm sorry pero hindi siya pupunta dahil may pupuntahan kaming mas exciting mamaya.” Ngumisi siya sabay hinaplos ang pisngi ni Bekay.

Bekay naman, ih! Umangal ka naman!

“You need anything, Shai?” Tanong niya lang sa akin. Nakahawak ang kaniyang isang kamay sa baywang ni Pixel.

Nasasaktan talaga ako kahit hindi naman dapat.

I nodded. “Ang kaso nakalimutan ko na kaya huwag na lang pala. I will ask Jacob na lang baka mas makatulong siya.” Makipaglandian ka na lang muna diyan sa mga babae mo!

“Sure! I will enjoy this night with beauty around me first.”

Padabog akong napatalikod. Talagang namimikon pa ng husto. Kainis talaga ang baklang 'yon! Simula nang maging lalaki siya ang laki na ng pinagbago niya!

Hinanap ko na lang si Jacob. Pinuntahan ko ang kaninang puwesto niya ngunit wala na siya roon. Nawala rin bigla si Colleen. Nagpaikot-ikot ako sa pagbabakasali na matatagpuan ko ang isa sa kanila ngunit hindi ko talaga sila nakita. Sa kahit saang sulok ng pool area wala ang dalawa. Saan naman nagpunta ang mga iyon? Ang sabi ni Colleen binabantayan niya ako tapos umalis naman siya. Kakaibang bantay 'yon, ha hindi ako sinasamahan. Nahinto ako sa paghahanap dahil sa pagod. Na sa gilid na ako ng pool nagbabakasali na makikita ko ang isa sa kanila rito ngunit wala pa rin.

Namewang ako habang naniningkit ang aking mata upang maaninag ang mga taong naliligo. Baka lang naman isa sa kanila ang mga nandoon. Napailing na lang ako dahil wala pa rin. Aalis na nga ako rito baka mabangga pa ako, mahulog ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Saktong paghakbang ko paharap sa likod bumungad ang nakangising mukha ni Karen sa akin. Sa isang kisap-mata, bigla niya akong tinulak at nawalan ako ng balanse. Huli kong naramdaman ay na sa ilalim na ako ng pool. Agad akong nagkakawag paakyat. Hindi ako marunong lumangoy! Naka-inom na ako ng tubig.

“T-Tulong!” Pilit sigaw ko habang patuloy ang paglubog ng katawan ko sa tubig. Lalo pang nagpabugat sa katawan ko ang heels na suot ko.

“T-Tulungan n-niyo 'ko!”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon