SHAIRYLLE'S POV
Hinila niya ako palayo sa mga taong gustong manakit sa akin. Habang hawak niya ang kamay ko, pakiramdam ko safe ako. Sa paningin ko isa siyang knight and shining armor na dumarating kapag kailangan ko palagi. Ang pagpapakita niya ngayon ay hindi ko inaasahan. Umalis na siya. Nakita ng dalawang mata ko ang pag-alis niya. Talaga bang bumalik siya para sa akin? Binalikan niya ba ako dahil alam niyang mangyayari ang bagay na 'to? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya ngunit mas gusto kong sulitin ang oras na hawak niya ang kamay ko. Alam kong kapag binitawan na niya ito, mahihirapan na ulit akong hawakan ang kamay niya.
“Aray!” Malakas na daing ko nang matanggal ang heels ng suot kong sandals. Napatigil siya sa paglalakad.
“Okay ka lang? Hindi ba masakit?” Nag-aalalang tanong niya habang nakatingin sa paa ko.
“Hindi naman kaso... natanggal 'yong heels niya.” Pinahiram lang sa akin ni Colleen ang heels na 'to mukhang magbabayad pa ako.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko sabay hinubad ang dalawang sandals ko. Nang mahubad ko na ito, tinanggal naman niya ang suot niyang sapatos.
“Ayan na lang isuot mo,” sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa ga-barko kalaking sapatos niya. Higante siguro talaga ang lahi nila.
Noong una nag-aaalangan pa akong suotin ito ngunit nang maramdaman ko ang init ng semento, sinuot ko na rin. Ngayon ko lang naranasan 'yong may nag-offer sa akin ng ganito. Nang i-angat ko ang tingin ko nakita ko siyang naghuhubad ng polo niyang suot. Napatalikod ako sabay lagok ng sarili kong laway. Anong binabalak ng lalaking 'to? Na sa kalagitnaan kami ng hallway ngayon.
“Wear this.” Abot niya sa akin ng hinubad niyang polo.
“H-Huh?” Tinignan ko lang iyon.
“Isuot mo 'to. Gusto mo bang maglakad tayo ng ganiyan ang hitsura mo?” Napatingin ako sa kabuohan ko.
Isang sampal ng kahihiyan ang nagawa ko nang makitang naka-two-piece nga lang pala ako. Muntik ko ng makalimutan na galing pala ako sa pageant ngayon. Dali-dali kong kinuha ang inabot niyang polo sa akin at mabilis na sinuot iyon sa katawan ko. Sakto lang ang haba para matakpan ang hita ko.
“Okay na!” Mukha akong gangster na hindi ko mawari sa hitsura ko ngayon.
He looked at me from head to toe. “Much better. You look hotter when you're wearing my things.” He winked at me that make me blushed.
Na-una siyang maglakad kaya naman mabilis ko siyang sinundan. Walang pasabi akong humawak sa kamay niya nang maabutan ko siya. Ang kabilang kamay naman niya ay bitbit ang nasira kong heels. Talagang magbabayad na ako kay Colleen, hindi na 'to joke.
“So, ikaw 'yong makeup artist ko kanina? Ikaw talaga 'yon?” Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
“What do you think?”
“Feeling ko ikaw talaga 'yon. Pinapaikot mo lang ako.”
He shook his head. “That's my cousin. I told him to do makeup for you. He's a good makeup artist and I trust him.” Mali pala talaga ako.
“Akala ko ikaw 'yon malapit na kayong maging magka-mukha kanina, eh.” Lalo na siguro kapag nagtapat na sila.
“I am at the back of the stage you just didn't notice me.”
“Ano?!” Na sa likod lang siya kanina pa? “A-Ano namang ginagawa mo roon?!”
Huminto siya sa paglalakad tapos tumingin sa akin. “Binabantayan kita. I know something bad will happen today.” Nagpatuloy muli siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
RomancePAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...
