CHAPTER 7

163 17 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Sa bilis ng panahon hindi ko nalamayang mahigit isang buwan na rin akong nagtitiis na wala si Halleina at tanging dalawang lalaking masakit sa ulo ang palagi kong kasama. Si Bekay biglang naging busy, ewan kung ano ang pinagkaka-busy-han niya. Si Jacob naman may mga inaasikaso dahil naging team captain na siya ng basketball. Biglang huminto si Fire. Ang sabi nabuntis na raw kasi si Shiera kaya tumigil ito. Inaasahan ko ng mabubuntis ang babaeng 'yon. Ngayon sinampal na siya ng sarili niyang salita. Sabi niya si Halleina raw nag malandi pero siya ang unang nabuntis. Nasusumpa talaga ang mga mapanghusga. Mabuti na lang mapanglait lang ako kaya safe.

“Uy, mag-isa ka ngayon, ah. Nasaan ang dalawang prince charming mo, ugly duck?” Nagsisimula na naman sila.

I rolled my eyes at her. “Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang kalabaw? Gusto mo lang naman makita si Jacob kaya hinahanap mo!” Humalukipkip ako. Mag-thank you ka sa akin Jacob paninindigan ko ngayon na ako ang girlfriend mo.

“Nakakahiya ka rin, ano? Nagagawa mong habulin ang lalaking may girlfriend na? Ako na ang pinili pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo? What a shame!” Nandidiri ako sa mga sinasabi ko parang gusto ko na lang sumuka ng dugo.

She let out a mocking laughed. “Because you don't deserve him. Ang pangit mo! Nagtataka nga ako anong nakita niya sa'yo. Walang-wala ka naman kumpara sa akin!” Grabe naman 'to.

Ngumisi ako ng nakakaloka. “Anong nakita niya sa akin?” Tinaas ko ang isang kilay ko. “Sabihin na lang natin na... mukha akong desente tignan kaysa sa kagaya mong mukhang nagta-trabaho sa bar,” nang-aasar na sabi ko sa kaniya.

Namula na naman ang mukha niya sa galit. Palagi na lang namumula sa galit ang babaeng 'to. Maputi rin naman ako pero hindi ako namumula sa galit. Kita ko ang pagkuyom niya ng kaniyang palad. Talagang galit na siya.

Susugurin niya sana akong upang saktan ngunit may sumigaw na babae sa likod ko.

“One step, one slap for a bitch like you.” May kariinang sabi nito. Pamilyar ang boses niya.

Nilingon ko ito. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makilala kung sino ang babaeng 'yon. Anong ginagawa niya rito?

“Who are you, bitch?!” Mataray na tanong sa kaniya ni Karen. Hindi na ito nakahakbang pa.

“You are not qualified to know my name, idiot. If I were you aalis na ako ngayon pa lang. I am not alone. Hindi mo 'ko kakayanin.” Nginisihan niya ito ng nakakatakot. Effective pa rin hanggang ngayon ang ngisi niya.

“Do you know that the girl you are defending stole my man?!” Turo niya sa akin.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko. “Wala akong ninanakaw sa'yo, ha! Na sa akin na siya matagal na kaya hindi ko na siya nakawin sa'yo!” Pagyayabang ko.

“Bitch!” Ako ba ang tinawag niyang bitch?! Hindi ko na alam kung kakampi ko 'to o kaaway ko rin.

“Narinig mo naman siya hindi ba? Wala siyang inagaw sa'yo. You are just delusional for thinking that he's still yours. Umalis ka na nga ang baho mo para kausapin ako!” Pinagpag niya ang kamay sa bandang ilong niya na animo'y nababahuan.

Pikong umalis si Karen. Sa tingin ko lalo lang nagalit sa akin ang gagang 'yon. Iniisip na niya ngayon na tuwing tatangkain niya akong saktan palagi na lang may dumadating para sa akin. Ngayon naman ang dumating mas mean pa sa mean. Ewan ko kung anong ginagawa nito rito. Kung sino man ang nagpapunta sa kaniya sa school na 'to maraming thank you.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon