SHAIRYLLE'S POV
Nakatanggap ako ng tawag mula kay kuya Thaddeus kagabi. Sinabi niyang magkita raw kami. Pumayag naman ako dahil bukod sa wala naman akong gagawin, balak ko ring pumunta sa mangkukulam. Gusto kong magtanong sa kaniya ng ilang bagay pero ayaw kong sabihin na nagkamali rin ako. Katakot-takot na mura ang matatanggap ko mula sa kaniya kapag nagkataon. Isa pa, kampante pa naman ako dahil sinabi niyang hindi kagaya ng potion ni Halleina ang epekto nito. Hindi mababaliw ng husto pero magagandahan.
Nagsisimula nang mamuo ng takot ko sa dibdib. Baka kasi may masira akong pagkakaibigan kapag hindi ako nakahanap ng sulosyon sa katangahang ginawa ko. Ayaw kong maging reason ng pagiging magkaaway ni Bekay at ni Jacob. Hindi ako maganda para pag-awayan nilang dalawa. Doon pa lang ang fishy na. Dalawang lalaki magkakagusto sa akin ng sabay? Sa amin nga walang nagtatangkang manligaw sa akin tapos may sabay na magkakagusto sa akin? Walang maniniwala sa gano'n laoo na't average type lang naman ang beauty ko. P'wedeng hindi pasok sa standard nila, puwede ring oo. Depende sa judgemental ng tao pero sa ngayon kasi sobrang taas na ng beauty standard. Kahit gaano ka kaganda sa paningin mo hindi ka pa rin maganda para sa kanila.
Parang si Adren lang, hayss.
“Sorry, I'm late kagagaling ko lang sa OJT ko.” Umupo si kuya Thaddeus sa upuang na sa tapat ko.
“Okay lang po kuya hindi rin naman ako nagmamadali.” Ayaw kong umuwi kasi mag-isa na naman ako kapag umuwi ako. Gusto kong palagi akong na sa galaan.
“Thank you for understanding me. Okay so, may utang ako sa'yong paliwanag, right?” Tumango ako sa tanong niya. He cleared his throat as he clasped his hand and put it on the table.
Seryoso siyang tumingin sa akin. Mukhang seryosong usapan ang mangyayari ngayon.
“Actually, Shai I'll be honest to you. There is no gayuma. Walang gayuma na pina-inom sa akin si Halleina.”
Bigla akong naguluhan sa sinabi ni kuya Thaddeus. Paanong wala?
“P-Paano pong wala? Hindi ko gets, kuya! I mean, paanong walang gayuma, eh nakita nga naman sa'yo mismo kung ano ang epekto ng gayuma, eh!” Kaya nga ayaw ko no'n kahit ang ganda.
Umiling siya. “Halleina is my first love. I am in love with her since the day I bumped into her on the library. She's the beautiful woman I've ever seen and I promised to myself that I will court her. She's cute. Lalo na sa tuwing nababasa ko ang mga wrong grammar niyang love letter para kay Fire. Natatawa na lang ako at the same time naaawa. The woman I've been dreaming of is begging for someone's attention.” Nakangiting sabi niya. Bakas sa mukha niya na in love talaga siya sa kaibigan ko.
“To make the story short, I planned everything. Nalaman kong nagiging desperate na ang kaibigan mo kaya naman ginalaw ko na ang baso. Pinalitan ko ang tubig na may halong gayuma, nag-suot ako ng contact lenses na may glint of purple that indicate of under gayuma. I'm sorry for fooling Halleina but this is the only thing na magagawa ko sa kaniya para hindi siya masaktan.”
Loading....
Loading....
“W-Wala talagang gayuma?! So lahat ng nakikita namin sa'yo that time pure feelings lahat 'yon?! Walang joke?!” Halos sumigaw na tanong ko malinawan lang. Biglang gumulo ang isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/347271384-288-k910215.jpg)
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
Roman d'amourPAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...