EPILOGUE

517 18 0
                                        

KHYZIO'S POV

“So gano'n ang nangyari sa buong taon na wala ako rito?” Manghang tanong ni Halleina. The wedding is already done and we are now on reception. Imbis na samahan niya ang groom niya iniwan niya ito at tumambay sa table namin ni Shairylle.

After I propose to her, after five months nagpakasal na rin agad kami. Kasalang-bayan lang muna dahil ang mahalaga lang naman sa amin makasal. After that nabuntis din si Shairylle. Don't ask me kung paanong nangyari 'yon. The simple answer is we shared the most beautiful and romantic night. Until now panaginip pa rin para sa akin ang nangyayari.

“Bakit ka umiiyak?” Alarmang tanong ni Shai, kahit ako naalarma.

“What happened to you, Yena?” Kinakabahang tanong ko, hinagilap ng mata ko si Thaddeus but I can't find his presence.

“Bakit... bakit hindi mo sinabing gano'n na pala pinagdadaanan mo?! Bakit hindi mo pinaalam sa akin?! Best friend mo rin naman ako, ah! Hindi man lang kita nadamayan no'ng mga time na 'yon! Nakakainis! Wala man lang nagsabi sa akin na ang dami na palang pinagdaan ng best friend ko!” Pumapalahaw na sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shairylle. Daig niya pa ang buntis sa pagiging emotional.

Shai hugged her. “Okay lang naman ako, Yena. At least nalaman ko na may kaya pala akong gawin kahit wala ka. Naging strong ko.” She patted her back. Sinenyasan niya ako ngunit hindi ko naman maintindihan.

“What?!” Naguguluhang tanong ko.

“Wala! Bahala ka nga!” Pagsusungit niya sa akin. Here she go again.

“Tahan na okay? Hindi mo naman kailangan iyakan 'yon. Ayos naman ako ngayon, ito nga may baby na ako, oh!” Yes and that's our son. Base on the ultrasound lalaki ang anak namin kaya I am looking forward for that.

Bumitaw sa pagkakayakap si Halleina. “Nalulungkot tuloy ako kahit masaya dapat ako ngayon. Ikaw naman kasi! Next time magsabi ka naman sa akin para ka namang others!” Pinunasan ni Halleina ang luha niya gamit ang kaniyang palad, tinulungan si ni Shai gamit naman ang panyo nito.

“By the way, saan na pala kayo nakatira ngayon ni Bekay?”

“May apartment kaming tinitirhan ni Bekay ngayon. Nag-iipon pa kami pambili ng bahay,” nakangiting sagot ni Shai sa kaniya.

“Aish! No need! Bibigyan ko na lang kayong dalawa. Regalo ko na sa inyo dahil hindi ko man lang na-witness ang kasal niyong dalawa.”

“No need!” Sabay na sagot namin.

Napatitig siya sa aming dalawa. “Tinatanggihan niyo ang regalo ko?” Malungkot na tanong niya sa amin.

“H-Hindi naman sa gano'n, Yena pero—”

Sumingit ako. “Pinapatayo na naman ang bahay ngayon and konti na lang matatapos na.” Actually tapos na nga hindi ko lang sinasabi sa kaniya. Si Thaddeus ang kinuha kong engineer ng bahay na 'yon kaya nakatipid kami. That's her dream house.

“Sige, ako na lang ang mamimili ng mga gamit ninyo sa bahay,” muli na namang offer niya. Aangal pa lang kaming dalawa nang pigilan niya kami na magsalita. “Ops! Manahimik kayong dalawa kapag sinabi kong ako ang sasagot! Ako ang sasagot! Hayaan niyong makabawi ako sa inyo! Madaya kayo na hanggang kuwento ko lang narinig ang love story niyo hindi ko man lang na-witness.”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon