CHAPTER 31

171 13 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

“Mabuti naman at dumating ka na akala ko wala ka ng balak siputin ako.” Mataray na bungad sa akin ni Colleen nang maka-upo ako.

“Alam mo namang na sa ibang bahay ako ngayon kaya tumulong pa ako ng konti sa gawain kahit ayaw naman nila akong patulungin.” Pinagbawalan pa nga ako ni tita na gumalaw dahil hindi naman na raw ako iba sa kaniya. I can't believe tita treat me like that.

Sumiring na naman siya. “Oh, siya bakit mo nga ba ako niyayang lumabas?” Pagbabago niya sa topic namin.

I shook my head. “Gusto ko lang maglibang plus itatanong ko sa'yo kung kumusta ka. Natakasan mo ba sila o...” Sinadya kong bitinin ang aking sasabihin.

A playful smirked appeared on her lips. She flipped her hair like a proud woman. “Ako pa ba? Kung plano lang ang pag-uusapan nating dalawa, hindi nila ako matatalo.” She's literally proud of herself.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. I thought magiging prisoner siya ng mga 'yon tapos gagamitin nila para pilitin akong lumabas sa pinagtataguan ko. Mabuti na lang hindi gano'n ang nangyari.

“Mabuti naman,” may pagbuntong-hininga na sabi ko. “Ang akala ko hindi mo matatakasan ang magulang ko. Kakaiba pa naman ang tempered nila,” dagdag ko pa. Sa tagal ko silang nakasama kabisado ko na ang ugali nila. Alam ko na kung paano sila mag-isip.

“Hayaan mo tinanggalan ko na ng angas ang magulang mo,” nakangiting sabi niya. She held my hand. “You can start your new life now, Shai.”

Tinitigan ko siya na tila ba naguguluhan sa sinasabi niya. I really don't understand what she mean but in my heart, I felt a little bit of happiness. I'm still enduring the pain.

“Oh, by the way, bakit ka nga pala napunta sa bahay ng mommy ni Halleina? Pumunta pa naman ako sa address na binigay ko sa'yo kanina,” may panghihinayang na sabi niya.

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. “Nevermind. May nalaman ako no'ng nag-stay ako sandali sa lugar na 'yon. Isang bad news at isang good news.”

“Kuwento mo sa akin!” Mabilis na wika niya.

“Anong gusto mong unahin ko?” Taas-kilay na tanong ko.

Nag-isip siya sandali. “Good news muna tapos sunod 'yong bad news para magalit ako.”

Baliw na talaga siya.

I took a deep breath before I opened my mouth. “Iyong good news nalaman kong si Bekay pala ang kababata ko. Siya ang tunay na may-ari ng keychain na hawak nila Jacob. Nakita ko 'yong mga albums and pictures naming dalawa noong mga bata pa kami tapos...” Huminto ako sa kalagitnaan ng aking pagku-kuwento.

“Tapos ano?! Pabitin ka naman, tangina ka! Alam kong siya ang kababata mo at matagal ko ng gustong sabihin sa'yo ang bagay na 'yan. Gusto kong malaman kung anong kasunod, bilis na!” Nagmamadaling sabi niya na may kasamang mahinang paghampas sa table.

“Kumalma ka, puwede?” Napa-irap ako. “Ang hirap kaya mag-kuwento baka umiyak na naman ako!” Pinatulis ko ang nguso ko na parang pato.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya. Sinandal niya ang likod niya sa upuan at pinag-krus ang kaniyang kamay. She stared at me with blank emotion.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon