SHAIRYLLE DHIM FLORES’ POV
Umiiling-iling ako ako habang pilit kinakalimutan ang katangahang nagawa ko. Ino-obserbahan ko si Jacob at si Bekay ngunit wala naman akong nakitang kakaibang nangyari sa kanila. Natutulala na lamang ako sa kawalan sa tuwing naaalala iyon. Bakit ba naman kasi ang tanga ko?! Bakit din ba kasi sila pumunta sa likuran ko?! Bakit umalis din si Adren?! Bakit ba kasi puro bakit?!
Napasabunot ako sa aking ulo. Mamamatay yata ako sa stress. Gusto ko na lang humimlay ng malala ngayon. Parang ayaw ko ng humarap kay Bekay at Jacob. Panay pa naman ang tanong nila sa akin kahapon pa.
“Seryoso ako, bakla, bakit ang baho ng pabango mo kahapon? Ano 'yon?” At inuulit na naman nga ang tanong ngayon.
“Wala nga! Ewan ko!” Mariing tanggi ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso.
“Hmp! Ang shungit ng pangit na 'to! Paano ka magugustuhan ni Adren kung gano'n ang pabango mo, gaga! Yaman-yaman mo tapos gano'n kabaho pabango mo. Amoy na nga ng utot ko 'yon!” Panglalait niya. Kung alam mo lang kung ano ang pabangong 'yon baka ngayon pa lang binatukan mo na ako.
“Tama na nga 'yan, Bekay kanina mo pa inaasar si Shai,” saway sa kaniya ni Jacob na huminto sa pagbabasa ng libro. May quiz at recitation kami ngayon pero heto ako, inu-unang isipin ang problema ko.
“Che! Nagtatanong lang naman ako!”
“Uy! Malapit na ang bakasyon, ah anong balak niyo?” Singit na tanong ni Halleina.
Kumibit-balikat ako. “Hindi ko alam. Hindi pa ako sure kung dito pa ba ako mag-aaral next year, eh.” Nandito lang naman ako dahil dito nadistino ang daddy ko na magturo sa religion na kinabibilangan niya.
“Bakit? Saan mo ba gustong mag-aral, bakla? Sa moon?” Pang-aasar na tanong ni Bekay.
Sinamaan ko siya ng titig. “Alam mo kung wala kang masabing matino manahimik ka na lang baka masapak kita!” Banta ko sa kaniya. “Ikaw ba, Halleina saan ka mag-aaral this fourth year?” Tanong ko kay Yena.
Ngumuso ito at nag-isip. Nitong nakaraang araw lang naging maayos na naman ang relasyon nila ni kuya Thaddeus. Ang alam ko nag-propose through PowerPoint si kuya Thad na gusto niyang maging best friend si Yena.
“Huwag ka ng mag-isip, Yena! Best friend na ulit kayo ni Thaddeus, oh! Next step na 'yon para sa great future niyo,” ani Jacob bago tumawa.
“Kung sabagay. Masaya na rin ako na best friend niya ako kaya sige na nga! Dito na ako mag-aaral!”
“Yehey! Ibig sabihin magkakasama pa rin tayong apat this fourth year! Mabuti naman akala ko maghihiwa-hiwalay na tayo!” Nakaluwag damdamin na ani ko.
“Makakasama niyo na rin ako palagi dahil natanggal na nga sa team 'di ba?” Oo nga pala. Pinapili siya ni Fire kung team ba o kaming kaibigan niya. Ang akala ko pipiliin ni Jacob ang team dahil pangarap niya 'yon pero laking gulat ko ng kami ang piliin niya.
“Naks! Hindi na talaga tayo mapaghihiwalay apat!” Nakangiting sabi ni Halleina.
Hindi na nga. Simula nang pumasok kami sa school na 'to kaming apat agad ang naging close. Naging malayo si Jacob dahil sa basketball pero nabubuo pa rin kami kapag hindi siya busy. Magkakasama kaming nagha-hunting ng mga poging bebe boy. Syempre diyan magaling si Bekay. Siya ang pinaka-magaling sa amin. Kahit naka-facemask tumatagos ang mata niya. Alam na alam niya kung pogi o pogi lang dahil sa facemask. Kapag laitan naman ang usapan ang pinaka-magaling naman si Halleina. Lahat na yata ng panglalait alam na alam ng babaeng 'yan. Tinalo pa ako. Kung ako may filter siya wala. Ang dahilan pa niya hindi raw siya nanglalait, dini-describe niya lang.
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
RomancePAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...