SHAIRYLLE'S POV
Naglalakad ako papasok ng gate nang may humila sa akin. Nabigla ako ng husto at nanlaki ang mata ko.
“Kuya Thaddeus, anong—” Pinutol niya ang nais kong sabihin sa pag-hush.
“I want you to do me a favor, can you?” Tanong niya habang na sa paligid. Wala pang masyadong tao dahil maaga pa naman.
“Ano po ba 'yon?” Tanong ko.
“Can you... take care of Halleina for me starting tomorrow? I will no longer see her. Sa ibang lugar naman ang OJT ko and I will prepare for my exam. Can you please look her for me? Report whatever she's doing and oh, tell me if binu-bully pa siya ni Fire, okay?”
Nagugulumihanan akong napatingin sa kaniya. Ano bang pinagsasabi ni kuya Thaddeus? Akala ko ba hindi na niya kilala si Halleina bakit—
“I will explain everything to you when I am not busy just, please look her for me. I will return the favor to you in the future, when you need me.” Ang advance mo naman, kuya.
Tumango ako. “Sige, kuya. Pero may explanation ka sa akin na utang, ha!”
He nodded. Hindi na nagtagal ang pag-uusap naming dalawa. Binilin lang niya sa akin na huwag kong sasabihin kay Halleina na binabantayan mo siya. Ang aga-aga nagugulo ang utak ko sa mga nangyayari sa earth! Ang alam ko rin kasi wala ng alaala si kuya Thaddues kay Halleina. Ang alam ko nakalimutan na niya ito at best friend na lang sila. Kagulat naman bigla na lang pinapabantayan sa akin.
Pumilig ako bago itapak ang paa ko papasok sa room. Agad na bumungad sa akin si Bekay na seryosong nakatingin sa librong hawak niya. Ilang taon na kaming magkakilala ng baklang 'to pero hindi ko pa rin maiwasang mapagkamalan siyang lalaki sa malayo. Siya kasi 'yong tipo ng gay na walang makeup sa mukha. Ayos na sa kaniya ang pulbo at liptint. Kahit hindi nga siya mag-liptint pinkish na ang labi niya samantalang ako two-tone lips.
“Wala pa si Halleina at Jacob?” Bungad na tanong ko ng maka-upo ako.
Umiling siya. “Wala pa nga, eh! Buti dumating ka na wala akong kausap kanina!” Nilingkis niyang bigla ang braso niya sa kamay ko sabay sumandal sa balikat ko ng nakasimangot.
“Umalis ka nga! Kadiri ka!” Naki-cringe ako sa kaniya.
“Ang arte mo naman, hmp! Kaibigan mo naman ako, ah!” Maktol niya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayapos sa braso ko.
Ang clingy talaga hindi ako sanay!
Pinabayaan ko na lang. Hindi rin naman siya bibitaw kapag pinilit ko. Malanding bakla 'to, eh.
“Shai,” seryosong tawag niya sa pangalan ko.
“Mukha ka namang tae pero—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya nakatikim agad siya ng malakas na sampal sa bibig mula sa akin.
“ARAY NAMAN! ANG SAKIT, HA!” Sigaw na daing niya na ikinatingin ng marami.
Napabitaw siya sa pagkakalingkis sa akin sabay hinagod ang nguso niya.
“Ang sakit, shutangina ka!” Sinampal niya rin ako sa pisngi ngunit mahina lang.
“Raulo ka pala sinong hindi mapipikon sa sinabi mo?! Sabihan mo ba naman akong mukhang tae! Mukha ba akong basang tubol?!” Pikon na asik ko.

BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
Roman d'amourPAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...