CHAPTER 10

172 17 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Tulala ako ngayon habang iniisip ang nangyari sa party. Gumugulo pa rin sa isip ko ang lalaking kausap ni kausap ni Colleen. Hindi ako maaring magkamali. Kung naalog man ang utak ko, sana hindi hindi malinaw lahat ng narinig ko. May tinatago talaga sa akin ang babaeng 'yon. Mystery na nga ang biglang pagdating niya sa campus at 'yong pagbabantay niya sa akin tapos may lalaki pang nag-uutos sa kaniya. Kailangan kong malaman kung sino 'yon. Dapat malaman kung ano ba siya sa buhay ko bakit pamilyar siya sa akin.

“Narinig niyo na ba ang balita?”

“Huh? Anong balita?”

“Hindi raw makakapasok ng 1 month si Karen, ah!”

“Oh? Bakit?”

“May nangyari ba sa kaniya?”

“Ang sabi lang nila Pixel na sa hospital daw nagkaroon ng pilay. May tumulak daw sa kaniya na hindi niya kilala. Sino namang gagawa sa kaniya ng gano'n?”

“Grabe!”

“Baka ikaw 'yon, Shai, ha!”

Gulat akong napaturo sa sarili ko. “Ako? Mukha bang kaya ko 'yong gawin?!” Baliw lang ako pero ayaw kong maging criminal 'no! Sa tanang buhay ko hindi ko pinangarap makapatay ng mean girl.

“Alam ko na 'yan, Colleen. Bantayan mo na lang siya para sa akin. Ayon lang naman ang dapat mong gawin. Ako na ang bahala kay Karen. I will give her the most satisfying punishment for hurting my woman.”

Holy fucking cow! Hindi kaya... Napailing ako ng aking ulo. Ako lang ang nakarinig no'n kaya kung sasabihin ko, walang maniniwala sa akin. Siya kaya ang may gawa no'n kay Karen? Napalunok ako nang maisip kung gaano ka-creepy ang ginawa niya. Super creepy lang talaga isipin na may lalaking gagawin ng gano'n sa isang babae. Kailangan kong tanungin si Colleen tungkol sa bagay na 'yon. Ako ang guguluhin ng konsensya ko kapag hindi ko nalaman kung sino ang lalaking 'yon.

“HOY, BITCH! ALAM KONG IKAW ANG GUMAWA NO'N KAY KAREN! HOW DARE YOU!” Biglang bulyaw sa akin ni Pixel nang sugurin niya ako. Gusto niya akong saktan ngunit inawat siya ng mga classmate namin.

“Ako?! Excuse me lang, ha! Kahit naman tinulak niya ako sa pool hindi ko gagawin sa kaniya 'yon! Puwede pang ingudngod ko siya sa tae pero 'yong itulak siya, hindi ko 'yon gagawin!” Depensa ko sa sarili ko.

“Magmamaang-maangan ka pa talaga?! Alam naming mainit ang dugo mo kay Karen dahil sa ginawa niya sa'yo! Ikaw lang ang unang suspect para gawin 'yon!” Pilit na diin niya.

Napatayo ako. “Nasaan ang patunay mo, aber?! Bigyan mo ako ng patunay na ako nga ang gumawa ng bagay na 'yon! Ang kapal naman ng mukha mong akusahan ako!”

“I am not accusing you. I'm just telling the truth dahil nakita ng lahat kung paano ka masamang tumitig kay Karen after ka niyang itulak sa pool!”

Napaangat ang kilay ko. “Aakusahan mo ako dahil lang sa titig. Masama kang tumitig sa akin ngayon so kapag may nangyari sa akin mamaya ikaw ang may kasalanan? Stop playing like you know everything, Pixel! Tigilan mo ako sa mga laro mo!”

“Tama na nga 'yan! Kayong dalawa fourth year na kayo hindi niyo pa magawang pag-usapan 'to ng maayos!” Sermon sa aming dalawa ng president of the class namin.

“Ang sabi hindi babae ang tumulak kay Karen kaya huwag na kayo mag-away. Baka lalaking may galit sa kaniya.”

“Oo nga! Baka lalaking niloko niya!”

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon