CHAPTER 14

164 13 0
                                    

SHAIRYLLE'S POV

Maaga kaming nagising ni Bekay para bumaba na sa bundok. Manghuhula na lang kami ng daan. At dahil nanghuhula lang kami, kanina pa kami paikot-ikot sa lugar kung saan kami umalis.

“Sigurado ka na ba na ito ang daan?” Tila pang-limang tanong ko na sa kaniya 'to.

“Baka? Ewan ko? Walang kalabaw!”

Piningot ko siya. “Litsi ka! Kanina pa tayo pabalik-balik tapos sasabihin mo hindi ka pa rin sure sa daan na 'to?! Talagang binabaliw mo ako ng husto, Bekay, ha?!” Bulyaw ko sa pinakang-tainga niya.

“Ouch naman, Shairylle! Puwede bang huwag mong sigawan ang tainga ko! Kapag nabasag ang eardrums ko dudukutin ko 'yang sa'yo para ipalit sa akin!”

P'wede ba 'yon?

Napa-isip ako sa sinabi niya. Wala pa akong naririnig na gano'ng kaso, ah. P'wede bang dukutin ang eardrums ng isang tao tapos ipalit sa isa? Tahimik kong iniisip ang sinabi niya. Nagbabasa naman ako ng mga libro pero wala akong maalala na gano'n. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtatanong.

“Puwede ba 'yon?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. “Ang ano?”

“Iyong sinabi mo! Iyong... iyong ipapalit mo ang eardrums ko kapag nabasag eardrums mo! Puwede ba?” Titig na titig ako sa mukha niya habang naghihintay ng sagot.

Bigla niyang sinapo ang noo niya sabay iling. “So, sa buong pananahimik mo ayon lang ang iniisip mo?” Tumango ako. Totoo lang naman! “Shairylle, Shairylle, hindi ko alam kung inosente ka lang ba talaga o pinandigan mo ng tanga ka. Bahala ka diyan!” Wala naman sa sinabi niya ang gusto kong marinig, ah!

Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at hindi pinansin ang pagdaldal ko. Naalala kong naka-piggy back pala ako sa kaniya ngayon. Kinulit ko siya nang kinulit sa daanan. Gusto kong malaman kung saan niya nabasa ang gano'ng process para malaman ko rin. Baka maging interested akong maging doctor tapos si Pixel ang una kong operahan. Ang galing hindi ba?

“Sabihin mo na kasi, Bekay! Saan mo ba nabasa, ha?! Ha?!” Halos sakalin ko na siya sa kaaayog.

“S-Shai, n-nahihirapan a-ako h-h-huminga!” Halos hindi ko na maintindihan ang daing niya dahil sa sobrang utal.

Hinampas-hampas niya ang dalawang kamay kong naka-lock sa leeg niya. Doon ko lang naintindihan ang gusto niyang sabihin.

“Balak mo ba talaga akong patayin, Shairylle?!” Umuubong tanong niya.

I pouted my lips. “Hindi naman kasi, ih! Gusto ko lang naman malaman kung saan mo nabasa 'yong sinabi mo!” Parang batang pagpapaliwanag ko sa kaniya.

“Binibigyan talaga ako ng langit ng sakit sa ulo!” Umiiling na sabi niya. “Imbento ko lang 'yon, Shai! Imbento lang! Wala ka pa naman sigurong naririnig na may eardrums transplant na ngayon hindi ba?! Such a dummy woman!” Sumiring siya.

Oo nga 'no? Wala pa pala akong naririnig na gano'n! Kasalanan naman niya kasi imbentor siya! Babatukan ko sana siya kaso pinigilan ko na ang sarili ko. Kanina niya pa ako buhat magmula nang umalis kaming dalawa sa kuweba. Siya rin ang nahirapan kagabi sa puwesto namin. Masarap ang tulog ko habang siya nagta-tiyagang naka-upo at sandalan ko. Bilang pambawi, hindi ako magagalit sa kaniya ngayong araw. Sabi niya rin sa akin kagabi mag-i-stay na siya sa tabi ko. Aasahan ko ang pangako niya sa huling pagkakataon. Kapag iniwan niya pa ulit ako hindi na ako maniniwala sa kaniya kahit kailan.

CURSE OF SCENT (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon