SHAIRYLLE'S POV
“Shai?” Gulat na tanong nito ng pagbuksan niya ako ng pinto.
“Bekay?” Duro ko sa kaniya. Luminga ako sa paligid. Ang akala ko na sa Cebu siya, bakit nandito siya?
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “B-Bakit ganiyan ang hitsura niya?” Ang tinutukoy niya ay ang suot ko na makapal na jacket, jogging pants, sumbrelo, at mask.
Tinanggal ko ang mask sabay pinunasan ang pawis sa ilong at gilid ng labi ko. Idea ni Colleen 'to. Mabuti na kang effective siya mabilis akong nakatakas.
“Mamaya na ako magpapaliwanag! P'wede bang papasukin mo muna ako?” Turo ko sa loob ng bahay niya.
“Ah...” Nang-aaalangang sagot niya.
“Ayt! Mamaya may makakita sa akin na kakilala ko!” Nagpapadyak ako.
“Kasi ano...” May tinatago ba siya sa akin?
Sa inis ko ay tinulak ko siya. Napagilid siya at kinuha ko iyong chance para makapasok sa bahay niya. Napalaki ang mata ko nang makita kung gaano kalinis at ka-organized ang mga gamit hiya ngunit hindi iyon ang talagang pumukaw sa atensyon ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Kita ko ang hiya sa mukha niya, napakamot pa siya ng kaniyang ulo.
“Hehe, pasensya na sa...” Hindi niya matuloy-tuloy ang nais niyang sabihin.
“Sinadya mo talagang ganiyan ang design ng wall mo?” Tumango siya na ikinaawang ng labi ko.
Napakaraming drawing ng wall niya at puro iyon tom and jerry. Maging ang design ng ibang furniture niya tom and jerry din. Hindi ba siya na-uumay sa design? Pinilig ko ang ulo ko. Kunwari wala na lang akong nakita. Namumula na ng husto ang kaniyang tainga sa sobrang hiya. Ang cute niya. Ngayon ko lang siya nakitang nahiya ng ganiyan.
Tumawa ako. “Nahihiya ka ba sa akin?” Tanong ko sa kaniya. Humaba ang nguso niya sabay tumango.
“H-Halata ba?”
“Pft! Mukha bang hindi? Tignan mo nga 'yang hitsura mo para kang toccino sa sobrang pula!” Humagalpak ako ng napakalakas na tawa. Napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang tawa.
“Aish! Huwag mo na kasi akong pagtawanan! Palalayasin kita, isa!” Pagbabanta niya sa akin pero hindi pa sapat 'yon para matinag ako. Mas lalo lang lumakas ang tawa ko.
Ang pula-pula na niya. Ang cute ng hitsura niya. Gusto kong pisilin ang pisngi niya.
“Huwag ka nga kasing tumawa, Shairylle naman, ih!” Tila nag-tunog kuya Thaddues na siya.
“Oh, bakit?” Nang-aasar na tanong ko sa kaniya.
Kinamot niya ang kaniyang ulo. “Huwag ka na kasing tumawa nahihiya na nga ako!“ Nakatungong aniya habang naka-pout.
Lumapit ako sa kaniya. I cupped his face as I lifted it. Kitang-kita talaga ang hiya sa kaniya. He immediately looked away when our eyes met. Tignan mo 'tong lalaking 'to naglalaro pa ng pa-cool.
“Tumingin ka nga sa akin!” Utos ko sa kaniya.
“Ayaw ko!” Nakatingin pa rin siya sa gilid.
“Bekay naman!” Parang batang wika ko.
“Ano na naman ba? Ano bang ginagawa mo rito? Kasal mo ngayon, ah! Don't tell me... tumakas ka?!” Lumaki ang mata niya.
Binitawan ko ang pisngi niya. I sighed then nod. “Halata ba? Kaya nga gano'n ang hitsura ko nagpatulong lang ako kay Colleen na tumakas 'no!” Bumusangot ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/347271384-288-k910215.jpg)
BINABASA MO ANG
CURSE OF SCENT (BOOK 2)
RomancePAALALA: Basahin muna ang book 1 bago ang ito. Never na-una ang 2 sa 1 huwag kang paladesisyon! Nang umalis si Halleina papuntang ibang bansa doon naman nagsimula ang magulong love story ng kaibigan niya. Shairylle Dhim Flores is a girl with a lot o...