Chapter 7

340 6 2
                                    

Sumasang-ayon saakin ang araw ngayon dahil sabado at walang pasok. Hindi ko makikita si Liam, hindi na niya maalala. I will make this day and the following day so busy so that I can also forget what happen at the bar.

Sinagot ko ang tawag sa aking cellphone at pangalan ni Tristan ang nakarehistro.

"What's up?" I asked him, while also doing my make-up.

"A-attend ka ba sa charity works?" Alangan namang hindi ako umattend eh kami nga ang tutugtog doon, plus, kahit gaano ko kaayaw ang lugar na iyon, malaki naman ang pagpapasalamat ko kina Sister Tere sa pagpapalaki saakin at pagkukupkop, hindi nila ako pinabayaang maulanan at magkasakit sa lansangan.

"Yeah,"

Kinuha ko ang sapatos ko at ang bag na may laman na make-up, books, at pamalit na damit, bago bumaba ng hagdan at magpahatid kay Manong.

"Sunduin na kita?"

"Sure, thank you, Tristan!"

Mataas ang energy ko ngayong araw at sana naman ay wala kong makasalubong na sisira nito. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ginugulo at binubugnot ako.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tatlong sandwich na babaunin ko at kakainin habang nasa byahe. Ngumiti ako kila manang ng makita nila ako sa kusina, hindi naman halatang hindi nila ako gusto.

Umiling ako sa naiisip ko at nag-antay sa labas. Hindi rin naman nagtagal ang kaing pag-aantay at dumating na agad ang bagong pulang kotse ni Tristan, swerte din ito eh, nahanap na niya ang tunay niyang magulang, plus yung matandang pamilya na umampon sa kaniya ay pinamanahan pa siya ng mga business bago ito mawala.

Binuksan ko na agad ang passenger sit at naupo doon. Tinaasan ko naman siya ng kilay ng kanina pa siya nakatingin saakin. Anong problema ng isang ito?

"You did not eat your breakfast?"

Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. Naks, yumaman lang pa-english-english na.

"Gago hindi bagay sayo!" Humagalpak pa ako ng tawa ng tumingin siya sa salamin sa unahan at inayos ang buhok. Mayaman nga, bobo naman, wala din ang isang ito. Panapon din.

"Tanga, ang pa-english-english mo, hindi iyang buhok mo. Galing naman tayo sa mahirap, why you are trying hard to speak english," asar ko pa sa kanya at lalong ginasumot ang kanyang pagmumukha bago inagaw saakin ang isa ang sandwich at kinain niya din.

Ngumiti ako at inayos ko ang pagkakaupo ko at nag seat-belt. Nagpatugtog ako at hinayaan na siyang magmaneho. Nakakatulog na nga ako sa byahe ng biglang magsalita si Tristan.

"Ang hirap palang maging mayaman ano? Matatapobre ang mga taong nakapaligid saiyo, tapos grabe makapang-insulto."

Nilingon ko siya at tama nga ang hinala ko, may mali sa isang ito. He's not okey. He is trying to be okey. Kumusta siya sa pamilyang meron siya ngayon? Hindi ba dapat na maging masaya pa siya dahil sa wakas may tunay siyang mga magulang na masasandalan na siyang wala ako? May sarili na siyang pera, at hindi na niya kailangang umasa sa yaman ng kanyang magulang.

"Paano mo na say, ante?"

"We attended family gathering. Some of my cousin insulted and humiliated me in front of the crowd saying I am adoptive child of my parents and I fake my identity because of money."

Napairap ako hindi dahil 'di ako naniniwala sa sinabi niya kundi dahil gaano katoxic ang pamilyang meron siya ngayon. Sayang nga lang at namatay ang matandang Cuson, edi sana hindi na kailangan ni Tristan makibagay sa tunay niyang pamilya.

"They want me to investigated and marry a woman who has it own money. Mayaman din kung baga,"

Pumalakpak ako at nagulat siya sa ginawa ko. Nginitian ko siya.

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now