Chapter 23

182 2 4
                                    

Maaga akong nagising at narinig na may kumakalampag sa kusina. Lumabas ako para silipin kung anong ginagawa ni Aiden at nakita ko siyang nagluluto ng umagahan. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang maghango ng kanyang nilutong bacon at sausage. Nagulat pa siya ng makita ako. Agad naman akong umatras dahil sa tayo namin na parang nakayakap.

Tumikhim siya at umalis na din para maghanda ng mga plato. Naka sando siya ng itim habang ako ay iba na ang damit ko. Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin kay Aiden. Tinaasan naman niya ako ng kilay at nginuso ang area ng cr. Nakita ko doon na may matandang babae na naglilinis.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya ang nagpalit ng damit ko.

"Tumawag si Liam sa cellphone mo. Kilala mo pala siya." 

Nakaramdam ako ng pagkaliyo at pagduduwal hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lamang ay malapit na ako sa lababo ng sumuka ako. Masama na ang pakiramdam ko at kung hindi ko pa ito maisusuka sa tingin ko ay lalo akong masasamaan ng pakilasa. 

"Okey ka lang ba?" hinagod niya ang likod ko ngunit pinigilan ko siya dahil lalo lang ako naliliyo sa ginagawa niya. Umayos ako ng tayo ng miski ang matandang babae ay nakamasid saamin. Meron akong masamang pakiramdam sa katulong ni Aiden.

Umiling ako kay Aiden at kinuha na ang mga gamit ko at nagpaalam na aalis na ako ngunit ang totoo ay susundan ko ang matandang babae na may kausap. Bakit noong makita niya kami ni Aiden na ganon ang itsura ay nakahawak siya sa cellphone niya at nagmadali ring nagpaalam kay Aiden.

Lakad-takbo ang aking ginawa ng makita ang matandang babae na malapit na sa labasan ng building. Napatigil ako ng tumawag si Mr. Santos. Hindi ko sya pwedeng baliwalain dahil sa kanya lamang ako nakuha ng information tungkol sa nangyayare.

Kinalampag ng kaba ang dibdib ko ng makitang wala na doon ang hinahabol ko. Napabalik ako sa kausap ko ng bigla itong nagsalita.

"Hello, Traciel!" sigaw niya. Naiirita ako sa paraan ng pagsasalita niya at nagmadaling pumara ng sasakyan.

"Impormasyon na ba sa papa ni Ashiana? Gising na ba? Saang hospital? Mag-usap tayo ng personal, nasaan ka?" tuliro na ako at iniisip ko na hindi ito coincidence na tumawag siya. Gusto ko malaman kung kanino ba talaga siya nagtratrabaho. Sa Hidalgo or sa mga Xavier.

Masyadong malikot ang galamay ng Hidalgo, nakayanan nilang magpapasok ng kalaban sa pamilya ko at sa mga Xavier, huwag naman sana na pati sa mga Bartolome at Cruzat ay nabutasan niya.

"Meet me at Hotel of the King of the Land." 

Hindi na ako nagdalwang isip na pumunta sa sinabi niya. Nagderetso agad ako sa room number na sinabi niya at wala ganoong tao dito. Wala akong alam kung bakit dito niya ako gusto makipagkita at mukhang ang creepy pa ng lugar ngunit hindi ako babalik at tatalikuran ang ganitong pagkakataon kung saan malapit na ako sa katotohanan.

Binuksan ko ang kwarto at biglang nandilim ang paligid ko. Doon ko naramdaman na may lalakig dumaggan saakin at unti-unti akong hinuhubaran ng saplot sa katawan. Ginapang ako ng kaba at takot ng maamoy ko kung sino ito. Nandidiri akong itinutulak siya kahit na hawak niya ang kamay ko sa likod.

"Mr. Santos! Mapapatay kita! Bitiwan mo ako!" isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata ng maramdaman ko ang masa-masa niyang labi sa aking leeg.

"Matagal ko ng hinintay ang pagkakataong ito ngunit matagal din akong binantayan ng halimaw mong ama-amahan! Akin ka ngayon! Akin ka lang!"

Napamura ako ng muli niya akong hinalikan sa aking labi. Nandidiri ako sa tuwing pilit niyang ipinapasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at puro kagat ang iniwan niya sa aking labi. 

Tuluyan ko na siyang nasipa sa kanyang pagitan at nagmadali akong tumayo sa kama at lumapit sa pintuan sa pag-asang makakalabas ako ngunit nahila niya ako sa aking buhok at sinuntok sa tiyan dahilan ng pagkawala ng lakas ko sa katawan. Masakit ang tiyan ko at parang may kung anong likido ang tumutulo sa pagitan ko.

"Pagsinabi kong akin ka, Akin ka lang!" Muli niyang ibinaon ang kanyang ulo sa dibdib ko habang ako ay nakatingin sa taas nananalangin na may taong tutulong saakin makawala sa impyernong ito.

"Traciel!" pamilyar saakin ang boses na iyon at malaki ang pagpapasalamat ko na dumating siya. Naramdaman ko ang paggaan ng ibabaw ko at nagmadali akong tumayo at yinakap ang likod ni Liam ng akma na naman niyang susuntukin si Mr. Santos na basag na ang mukha at hindi na makilala.

May mga armadong lalaki rin ang pumasok sa kwarto at dinampon si Mr. Santos habang ako ay nanginginig parin sa takot at sakit na nararamdaman ko sa aking tyan.

Nagpasalamat ako sa may taas na tinignan ako ni Liam ngunit hindi ko nagustuhan ang emosyong lumalabas sa kanyang mukha. Mas nakakatakot at mas nasasaktan ako sa paraan ng pagtitig niya. 

He disgust me.

He hate me.

He despise me.

"I can't believe you can do that. After you went to Aiden's condo and slept with him, hahayaan mo naman ang ibang lalaki na ikama ka para sa pera? Traciel! I don't know you anymore!" Napatalon ako sa gulat at saglit na nakalimutan ang sakit sa aking tiyan.

Tila ba ang sakit mula sa tiyan ko ay umakyat papunta sa dibdib ko dahil sa mga salitang binitwan niya. Yumakap ako sa kanyang bewang at nagmakaawa. Heto na naman ako. Luluhod sa harapan ng iba para humingi ng simpatya at pagkakataong magpaliwanag.

"Edi huwag kang maniwala! He raped me! I didn't do that for money! Walang nangyari saamin ni Aiden! For  goodness! Liam! maniwala ka naman saakin!" 

Hindi ko binitawan ang kanyang kamay ngunit unti-unti naman niya itong inaalis hanggang sa tuluyan ko ng mabitawan ang kanyang kamay. Napaupo ako sa sahig at malakas ang impact noon dahilan ng pagtulo ng madaming dugo sa aking pagitan. Natatakot ako kung saan nanggagaling lahat iyon.

Tinignan ko si Liam may takot din sa kanyang mata, may pag-aalala, ngunit mas namamayani ang galit sa kanyang mata. 

"Walang nangyare pero dinudugo ka? Did you gave up to him your virginity, hm? Ganyan ka ba talaga magmahal? Sana hindi mo na lang ako minahal at sinabi saakin na hanggang ngayon mahal mo pa din ako!" ibinato niya saakin ang sulat na iniwan ko noong gabing kinupkop niya ako noong umuulan. 

Nakita niya, nabasa niya ngunit huli na ang lahat. Magulo na ang lahat. Wala pa kaming nasisimulan pero heto, iiwan na niya ako ng tuluyan.

Nagdilim ang paligid ko kasabay ng pagtalikod saakin ni Liam. He left me unocncious, he left me in this situation, now, I proved that he never really like or love me, naawa lang siya ngunit yung awa na iyon natunaw ng galit ng isang pagkakamali.

Sino ang dapat kong sisihin?

Si Mr. Santos na sumunod sa utos ni daddy?

Si daddy na hindi ko na alam kung asan?

Si Liam na hindi ako pinakinggan?

o baka naman ako talaga ang dapat sisihin dahil nagpabaya ako,

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now