Chapter 39

228 7 3
                                    

Dinala ko si Lousse sa hospital para kumuha kaming dalawa ng DNA test, I don't know why I am guilty for doing this, ayoko lang maulit ang nakaraan na kinulong kami sa isang kasinungalingang nag iwan ng malalim na sugat.

Hindi sa wala akong nararamdamang lukso ng dugo sa kanya, this time, gusto ko lang makasigurado. 

"Mommy, why are we here? Why we are in the hospital, are you not feeling well?" Tumikhim ako at ngintian siya bago muli sinagot ang kanyang mga tanong. "We just need a check-up," maikli kong tugon sa kanya na hindi pa rin pinapawi ang tanong sa kanyang isip.

Pumasok ako sa loob ng private office ni Dr. Benitez, binati niya ako ganon din siya, tinignan niya si Lousse at tinaasan ako ng kilay na para bang hindi niya nagugutuhan na makita niya ako sa loob ng office niya kasama ang bata. 

"I told you, I won't do that, Traciel. You are my friend, but --," 

Hinawakan ko ang kanyang siko ng maibaba ko si Louse sa isang malambot na upuan sa harap ng coffee table. Pinagmamasdan niya ang kabuoan ng office at walang pakialam sa pinag-uusapan namin ni Dr. Benitez. 

"Just this one, please." I beg.

Bumuntong hininga siya at alam kong hindi pa rin sapat iyon para isailalim kami sa isang test. "Ayoko ng makulong sa isnag kasinungalingan, Bea. Ayoko ng naiipit ang aking desisyon sa hindi naman pala totoo." Umiling siya saakin at naupo sa kanyang office at binuksan ang cabinet ng table niya para kumuha ng cotton bonds at gunting.

"Paano mo ito ipapaliwanag sa bata? Masasaktan ang bata, Traciel. Hindi mo ba naisip iyon dahil sa kagustuhan mong malamang ang totoo? Does it matter pa rin ba? Hindi ka pa ba masaya na nakasama mo na pamilya mo at may nadagdag pa."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinanood si Lousse na abala sa panonood ng halaman sa kanyang harapan. Mukhang interesado siya kung anong halaman iyon at pano ito nabubuhay ng nasa loob ng room at walang sapat na sunlight para mag undergo ng photosynthesis.

"Hindi ko siya ituturing na kalaban sa problema ko, Bea. Inosente ang bata. Hindi ko siya sasaktan. Ang gusto ko lamang ay malaman ang katotohanan. Kababalik ko lang at hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko, madaming gusot at problema akong tinakbuhan, na siyang pagbalik ko mas malaki pa palang problema ito."

Pinanood ko siyang tumayo at kinausap si Lousse na kailangan niyang ipunas ang cotton bonds na iyon sa kanyang bibig para suriin ang kanyang kalusugan kahit ang totoo naman ay hindi. Bakas sa mukha ni Bea na nakokonsensya sa ginagawa niya ngunit nagpatuloy siya dahil sa kahilingan ko.

Pinutulan nya din ng buhok si Lousse na ngayon ay hanggang balikat na lang. Kumakabog ang aking dibdib ng kinausap ulit si Bea kung kailan ko malalaman ang resulta. 

"Bumalik ka bukas, malalaman mo na agad ang resulta, ako na bahala dito para hindi matampered at mapabilis ang proseso. Ano ba yan Traciel! Nakokonsensya ako sa ginagawa natin, bakit ba hindi mo na lang tanungin si Liam?"

Umirap ako sa kanya at hindi siya sinagot. 

Lumapit ako kay Lousse at tinanong kung nagustuhan nya ba ang bago niyang gupit Sumimangot siya ng tignan niya ang itsura niya sa salamin. 

"I thought hospital is for those who are sick, why we did my hairstyle in the hospital, mommy?"

Nagpaalam na ako kay Bea na hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha. Nagpasalamat ako bago muling kinarga si Lousse para umuwi na kaming dalawa at doon na lang mag-umagahan dahil gusto ko din makausap si Laurence ng masinsinan. Gusto ko malaman mula sa kanya kung anong nangyare sa ilang taong nawala ako sa tbai nila.

"Mommy, when I look in the mirror, my face remind me the girl I've seen in daddy's room."

Napakagat ako sa aking labi at ininda ang sakit na gumuhit sa aking dibdib. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka ano pa ang masabi ko at masaktan din siya. Hindi niya kasalanan ang kasalanan ng kanyang mga magulang.

I drive my own car papunta sa subdivision nila Liam. Hawak ko ang kamay ni Lousse na pumasok sa loob ng bahay dahil ang buo kong sistema ay kinakain na ng kaba na baka andyan pa si Liam. Hindi pa ako handang harapin siya hanggat wala akong sapat na impormasyong pangbato sa kanya. 

I took a deep breathe ng binalita saakin nila manang na nakaalis na si Liam dahil may emergency sa trabaho at kinakailangan ang doktor. Baka hindi pa ito makauwi ngayon at abutin hanggang kinabukasan ng madaling araw.

Pinapasok ko na si Lousse sa kanyang kwarto at hinatidad ng pagkain at doon sinuklayan ang kanyang buhok. Dahil sa sinasabi niya, gusto kong puntahan ang kwarto ni Liam pata tukuyin kung ano ang nakita niya at kung tama ba ang hinala ko na si Karlie ang tinutukoy niya.

Inabot na kami ng hapon sa paglalaro at inihatid ang kanyang hapunan sa kwarto niya. Pagod na siya para bumaba dahil sa kalalaro at hinayaan ko siyang kumain. Habang pinapanood ko siya ang batang Karlie ang nakikita ko, may sakit na dumadaan sa aking dibdib gaya ng pahayag ni Laurence, ang anak ko.

Bumaba ako at sinalubong ang bagong uwi na si Laurence galing sa school. Yinakap ko siya ng mahigpit at nagulat ako ng yinakap niya ako pabalik. "Mommy, did you cook my favorite foods?" nagulat ako sa naging tanong niya. Hindi iyon ang kumpol na salitang inaasahan kong lalabas sa kanyang bibig.

Nataranta ako at tinawagan si manang na ilabas ang niluto kong pasta na hinihiling kong maihanda sa kanya kung hindi niya ako iiwasan. Sinamahan ko siya sa lamesa at tinulungan sa paghahanda ng pagkain niya.

"Where is Lousse?" Malamig niyang tanong saakin habang iniinom ang gatas.

"Asa kwarto na niya, tapos na siyang kumain kanina, dinalahan namin siya doon." paliwanag ko at iniiwasang magkaroon ng maling pahayag na maging dahilan kung bakit kamuhian niya muli ako.

"Such a spoiled brat. Daddy will scold me if he will know that we didn't eat together."

Natahimik ako at saglit na napakagat sa dila. Inaantay kong sabihin niya na biro lang iyon ngunit wala siyang sumunod na pahayag at patuloy lamang sa kanyang pagkain.

"Pinagagalitan ka ng daddy mo dahil sa pagkain ni Lousse sa kanyang kwarto? Is he always favorable to Lousse?"

Malamlam ang kanyang mata na para bang sumisigaw na sa wakas may kakampi na siya sa loob ng pamamahay na to. "Nasanay na, nawala ka eh." matabang niyang sinabi kaya hindi na ako mapakali na hinawakan ang kanyang maliit na kamay at hinalikan.

"Sorry, andito na si mommy, hindi ko na hahayaang apihin ka nila, tell me more, I wont to know more, I want to know kung ano pa ang ginawa nila sayo."

Tinitigan niya ako sa mata at hindi ko maiwasan na may luhang tumulo sa aking mata ng umiwas siya at binawi ang kamay niya. this is the seventh time that I feel na malayo na siya saakin.

"We will talk about it in my room mommy, madaming cctv that watching us."

'WHAT!' Sigaw ng isip ko at inilibot ang paningin ko at tama ang sinabi niya, madami ngang cctv sa loob ng bahay. Home supposed to be a safe place but it's not. Tinignan ko ang anak ko na para bang nahihirapan sa kanyang galaw pero hindi ko agad iyon napansin dahil para bang nasanay na siya sa ganitong set-up.

Ang awa at habag na naramdaman ko para kay Liam ay natunaw, muling umanak ang galit at hinanakit ko sa kanya ng isantabi ako, piliin si Karlie at bitawan ng masasakit na salita, hindi manlang siya subumubok na ilaban kung anong meron sa aming pagitan.

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now