Chapter 45

168 4 0
                                    

Idinikit ko ang nilalamig na tuhod ko sa mukha para umubob at icomfort ang sarili. Walang lumalabas na ingay mula sa labi ko dahil sa pag-iyak, sobrang sakit na para saakin ang nangyayare sa buhay ko and I thought I was fine, but why do I feel weak pa rin.

Past still hunting me, it choke me till death. It pain me more.

Tinignan ko ang pinto ng kwarto ng may tatlong beses na kumatok don. Iniluwa nito si Tristan na naka denim jacket, nahabag siya sa nakita niya at mabilis na tinakbo ang aming distansya. Lumuhod siya sa harapan ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap ganon din ako.

Doon lang nagkaboses ang mga hagulhol na kanina ko pang pinipigilan ng tinapik niya ang likod ko telling me that it will be alright soon. Humigpit pa lalo ang yakap niya ng bumulong akong sobrang sakit na at hindi ko na kaya, gusto ko na lang mawala.

Biglang sumagi sa isip ko ang anak kong si Laurence kaya kahit wala pang lakas ang pang-ibaba kong katawan ay sinubukan kong tumaya ngunit natumba lang ako at mabuting narito si Tristan at nasalo niya ang katawan kong nagpupumilit puntahan ang anak sa paaralan.

"Tristan, si Laurence, he needs me, he's not safe.." Nanginginig pa rin ang katawan ko sa tuwing maalala ko ang mukha ni Karlie, masamang nakatingin saakin at bumubulong na papatayin niya ako, papatayin niya lahat ng mahal ko sa buhay.

Sinuklay ni Tristan ang buhok ko at hinawakan ko naman iyon at inilagay sa pisngi ko habang pinapahiga niya ako para makapagpahinga. Nahihiya na ako na nababasa ng luha ko ang kamay niya, palagi na lamang siya ang nagiging tagapunas noon.

"Ako na ang bahala sa anak mo, kay Laurence, iingatan ko kayong dalawa."

Nakatulog na ng malalim ang mga mata ko, ngunit sa pagdapit ng gabi, naudlot ang pahinga ko ng may sumisigaw na tulong. Nanginginig akong tumayo at lumapit sa pintuan para siguraduhing nakasarado ang kwarto ko.

Wala pa din si Tristan at Laurence, natatakot ako na baka pagdating nila wala na ako, or worst mapahamak sila.

"Ouch!" I groaned in pain ng hindi ko mailakad ang mga paa ko at mabilis itong nangalay ng nakatayo ako at pakiramdam na sobrang bigat ng katawan ko. 

Nakahawak na ang kamay ko sa pinto ng doorknob at napabitaw iyon ng biglang gumalaw ang doorknob na tila may nagpupumilit itong buksan. Sigurado akong nailock ko ang pinto. Pabalik na sana ako sa aking higaan para magtago at hindi ako makita ng kung sino mang nagpupumilit na pumasok pero bago pa mangyari ang gusto ko ay bumukas na ang pinto.

Napabigla ang pagkakaupo ko sa sahig at may lumagutok sa bewang ko. Napahiyaw ako sa sakit at tuluyang napahiga at namimilipit sa sakit. Umaakyat na sa sintido ko ang sakit at hindi ko mapigilang mapasigaw muli.

Agad naman akong dinaluhan ng taong pumasok sa kwarto ko at nakita ko si Liam, magulo ang kanyang buhok, he look so stressed, in pain and worried. 

Umiwas ako ng tingin at pinaalalahanan muli ang sarili na hindi ako dapat magpadala sa pinapakita niya, it's all fake, he will just hurt me again. Itinaboy ko siya at pilit na itinutulak "Ano pa Liam, umalis ka na! Hindi kita kailangan pwede ba!" 

Hindi siya tumigil sa ginagawa niya at tinulungan akong tumayo, napasigaw naman ulit ako sa sakit, may tumulo sa gilid ng braso ko at iniwasan kong tignan ang pinanggagalingan non. 

"You're crying? tears of joy? masaya kang makita mo akong ganito! I'm weak again! I can't move! I am paralysed! yung minamahal mo, binabangungot ako! sinasakal ako ng mga ala-ala nyo! kaya pwede ba? umalis ka, wag kang magpakita saakin!" hinabol ko ang hininga ko at pinunasan din ang luhang kumakawala sa mata ko.

Hanggang ngayon ay tinutulak ko pa din ang kamay niya, sa tuwing lalapat iyon sa balat ko ay napapaso ako. Itinuon ko ang braso ko sa sahig para makatayo ako ngunit nasungasob ang mukha ko sa kamay niya, it should be on floor! 

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now