Chapter 22

183 1 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school habang ang aking isip ay lumilipad pa din sa naging rebelasyon. Kailangan kong maghanap buhay pa din para sa mga batang tumulong saaking maging payapa. Napalapit at napamahal na din ako sa kanila.

"Hi Traciel! Congrats, nanalo tayo sa nakaraang event! Panalo tayo! Summa cum laude tayo!"

Gusto kong maging masaya sa naging balita pero hindi ko pa rin magawa dahil mas nangingibabaw saakin ang problema at isipin.

"Congrats din sainyo Kaye at Jose!" Yinakap ko silang dalawa. Dahil sa aming pagkapanalo, kasama kami sa Latin honor, summa cum laude, secure na ang pagtratrabahuhan naming company dahil may kumukuha saakin bilang model at actress hindi ko iyon tatanggihan dahil doon din nakasalalay iyong magiging trabaho nila Kaye at Jose bilang manager ko at make-up artist.

"Bakit naman parang hindi ka masaya sa achievement natin bakla?" Pinaglaruan ni Jose ang aking buhok at kinulit iyon.

"Iniisip ko lang paano kung nakamit ko ito sa gusto kong kurso siguro kasing saya nyo ako."

Miski sila ay nalungkot sa sinabi ko at tinapik ang balikat lo. Imbis na umiyak ako ay napatawa ako sa naging itsura ni Jose. Siya pa kasi ang naunang umiyak saakin.

Minsan pala mas mabuti ng nasa school ka dahil dito mo minsan nakakalimutan ang iyong problema.

"Hayaan mo kasama mo naman kami, pagnaging successful ka na pwede ka naman mag-aral uli."

"Ano ba ang gusto mong kurso?" Tanong naman saakin ni Kaye at inaantay akong sumagot.

"Mechanical Engineering."

Tumango sila saalin at binigyan pa ako ng motibasyon para magpatuloy. Dahil kung sikat na daw ako at at mayaman na makakapag-aral pa din naman daw ako at susuportahan nila ako. Malaki ang pagpapasalamat ko na bukod sa mga kabanda ko ay may natagpuan akong mabubuting kaibigan.

Nahinto ang pag-uusap nami  ng may tumawag sa aking cellphone. Nag-aalinlangan ako kung sasaguyin ko ba iyon dahil ang nakaregister na pangalan ay sa dating katiwala ni daddy Adrian, si Mr. Santos.

"Sino yan? Boyfriend? LQ? Ayaw sagutin? Ito si mimaaa pashowbiz na!" Inaya na ni Jose lumabas sila ni Kaye para makausap ko na ang taong tumatawag sa aking cellphone.

Kahit may pag-aalinlangan ay sinagot ko ang tawag. Natatakot ako na baka ang magsalita ay si Daddy Adrian at pagbantaan ako.

Paano kung nalaman na nila na nakausap ko na ang tunay kong mga magulang at alam ko na kung ano ang kinasasangkutan nilang mga kaso at mga nais ipagawa saakin.

"Traciel? Pwede ka bang makausap?"

"Nag-uusap na tayo." Sagot ko sa kanya.

Narinig ko na humugot siya ng malalim na hininga at pakiramdam ko ay nahihiraoan na din siya. Inuutusan lang din ba siya ni daddy Adrian at binantaan?

"Kailangan mong makausap at makipagkita kay Aiden para balitaan siya na patay na ang ina ni Ashiana at ang ama nito ay nakacoma at may pinakitang mental disorder ililipat siya ngayon sa mental hospital."

Nabitawan ko ang cellphone ko at napaupo sa sahig na nag-iwan ng malakas na kalabog. Nakita ko sila Kaye at Jose na dali-daling sumugod sa aking dereksyon at tinatanong kung okey lang ba ako.

Hinawakan ko ang kamay nila at umiyak. Yumakap ako sa kanila. Hindi ko pa kayang sabihin sakanila ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at paano kung iwan nila ako dahil natatakot na din sila.

"Pwede nyo ba akong ihatid kila Aiden." Nalilito sila kung sino iyon ngunit hindi ko na kaya pang magpaliwanag at magsalita kaya ibinigay ko na lamg sakanila ang address.

Mabilis kaming nakarating sa condo nila Aiden at nagpaiwan na ako sa kanila. Gusto pa sana nila akong samahan ngunit sinabi ko na kaya ko na ito. Ayaw ko ng maging sagabal pa sa kanila.

Umakyat ako sa seven floor at kumatok sa pintuan ng condo ni Aiden. Masaya ako na nagbukas agad iyon at yinakap siya. Masaya ako na nakauwi na siya. Ngunit nalulungkot din ako sa pangyayari. Pakiramdam ko ng dahil saakin magulo ang relasyon nila ni Ashiana. Pakiramdam ko ako lahat ang punot-dulo nito.

Matagal ko siyang tinitigan. Dapat ko bang sabihin? Paano kung pati siya ay sisihin niya ang kanyang sarili? Paano kung pati siya ay pagbintangan ni Ashiana. Paano kung may plano pa ang mga Hidalgo na pabagsakin ang mga Xavier? Paano si Ashiana?

"Napabisita ka? Kumusta? Okey ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Tanging iling lang ang aking naitugon. Pinanood ko siyang pumunta sa kanyang kusina at binigyan ako ng apple juice. Naupo siya sa tapat ko ngunit hindi ko pa rin pinutol ang tingin ko.

"Parang mamamatay na ako sa tingin mong yan, ano ba talagang nangyari? I am busy studying here dahil gusto ko pag-uwi ni Ashiana may maipapakita na ako sa kanyang diploma ag board passer na ako. Plano ko agad na alukin siya ng kasal dahil kaya ko na siyang buhayin. Okey na din ang pamilya niya. Alam mo ba na nakilala na ni Ashiana ang kanhang tunay na ina? Si tita Ashkenazi na kaibigan ni mom at kapatid ni Tita Astinia ang ina niya. Sila tito Regiel at Ashkenazi ang tunay na pamilya."

Tumango lang ako sa kanya at hindi pa rin nagsalita. Pero alam kong masaya ako para sa kanila ni Ashiana. Masaya din ako para kay Ashiana na tulad ko na laman na niya kung anong kulang sa buhay niya, nalaman niya ang lahat at nabigyan na ng kasagutan ang lahat ng tanong sa isip niya.

Magkatulad kami kaya siguro kinaiinggitan ko din siya. We somehow share the same stories of life. Hanga ako sa kanya ngunit hindi ko maiwasang maawa dahil sa inaakala niyang maayos na pamilya ay bigla na lang kukunin sa kanya. Gusto ko siyang bigyan ng mahigpit na yakap dahil ang kinatatakutan ko ay sa kanya nangyari.

Gusto kong bumawi sa kanya at kung sa paraan na iingatan ko ang pangarap nilang dalawa ni Aiden ay gagawin ko. Hindi ko muna sasabihin kay Aiden ang aksidente para maipasaya niya ang board exam at may maipagmalaki kay Ashiana. May mawala mang pamilya si Ashiana may bago naman silang pamilyang bubuoin pa.

"Kilala mo din ba ang isa ko pang kaibigan na si Liam? Iyong palagi kong nakwekwento sayo na pinagseselosan ko?" Nanlaki ang mata ko ng mabanggut niya si Liam. May alam ba siya?

"Anak pala siya ni tita Astinia at nung co-partner ni Mrs. Co na si Mr. Karl sa business nilang brand clothes and cosmetics. Ang galing ano, magkakakonekta pala kaming tatlo. Pero hindi ko parin maiwasang magselos kay Liam kahit pinsan pa niya ito. Masyadong malapit eh,"

Tumango na lang ako sa kanya. Ang dami kong nalalaman. Nasagot na ang tanong ko kung bakit invoke ang nga Cruzat. My family and Liam's family are business partners. Kaya pala ganon na lang ang galit saakin ni Liam sa tuwing gumigitna ako sa relasyon nila Ashiana at Aiden, ayaw niya ngang masaktan ang kanyang pinsan.

"Antok na ako, pwede bang makitulog? Sa kumbento pa kasi ako nauwi. Itinakwil na din ako."

Nagulat din siya sa aking sinabi kaya tumango na lang din siya at sinamahan ako sa kwarto niya na lagi niyang ipinapahiram saakin sa tuwing wala siya at gusto kong umalis ng bahay pa noon.

Now, I know why my adopted father allows me to sleep at Aiden's condo dahil akala niya kasama ko si Aiden, and once na may relasyon kami kaya na niyang manipulahin si Aiden.

Patawarin nyo ako kung dahil saakin kaya kayong saktan ng kaaway nyo. Dapat ako ang promoprotekta sianyo prro naging daan pa ako para ibalik ang masakit na nakaraan ng bawat pamilya natin. Patawad.

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now