Chapter 12

217 1 0
                                    

Tuluyan na akong binitawan ni Liam at si Tristan na ang humawak sa kamay ko para papasukin ako sa sasakyan. Hindi pa kami tuluyang nakakaalis ay namamasid ko pa din si Liam na nakatingin sa sasakyan naming paalis.

"Siya ba si Kyle na matagal mo ng hinahanap?" Napaabalik ako sa aking ulirat ng tanungin ako ni Tristan. Habang si Maia ay nakatingin saamin at si Richard na busy na magmaneho.

"Yes," tipid kong sagot at ipinikit ang mata at isinandal ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Paano ako nito ngayon, bukas, at susunod pang mga araw. Wala akong ipon dahil lahat ay nasa bangko, wala akong dalang pera para sa pagkain, at wala rin akong dalang damit para sa pamalit. Ang bilis na magkaroon ako ng mga bagay na kusang dumating ngunit kusa din pala itong mawawala sa isang kurap ng mata.

Anong rason nila sa pagkupkop saakin kung ganon din nila ako kadaling mapapaalis sa kanilang bahay.

Una nila akong nakita sa bahay ampunan na naglalaro ng manikang donasyon ng may mabubuting puso. Hindi nila kinausap ang ibang bata ngunit agad na dumeretso saakin at agad nilang nakuha ang loob ko. Hindi sila dumaan sa mahabang proseso at agad nila akong nakupkop at napatira sa bahay na hindi ko inaasahang na doon ko pala mararanasan ang iba't ibang sakit na maari mong maramdaman sa isang pamilya.

I was seven years old when I came to their life. They teach me to move like Maria Clara, they want me to wear pink despite how I hate that color, they teach me to be soft spoken and when I turn twelve years old they now let me see my childhood friend that I met at orphanage and it was Aiden.

Palagi silang nagagalit sa tuwing inaaway ko din si Aiden. Kung makikipagkita naman ako sa kababata ko sa loob ng ampunan na si Tristan ay ikukulong nila ako sa kwarto at hindi nila ako papakainin. Paalala na kailan man ay hindi ko dapat suwayin, kay Aiden lang ako dapat mapalapit.

Gusto kong hanapin si Kyle ng mga panahong iyon dahil miski ako ay gulong-gulo sa pamilyang pinasok ko. Siya lang ang nakakapag bigay ng kapayapaan sa isip ko ngunit pinagdamutan ata ako ng langit na makita muli siya.

My adopted parents push me to forget Kyle and I did sa paniniwalang titigilan na nila ang pananakit saakin at pilit kong susundin ang kanilang inuutos kahit na alam kong mali at may mga taong madadamay at masasaktan.

Wala akong alam sa pamilyang pinasok ko. Hindi ko alam ang hanap buhay nila. Hindi ko kilala ang batang nasa malaking picture frame sa library ni daddy.

Dumating ang araw ng aking ikalabing walong kaarawan. Gusto ko magkaroon ng debut ngunit hindi iyon mangyayari kung hindi ko pupuntahan si Aiden at sabihing may mga baril na nakatutok sa aking ulo at kung hindi niya irereject sa harapan ko ang mag coconfess na si Ashiana ay mamatay kaming dalawa.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni daddy sa sasakyan na sumagasa sa maliit na katawan ni Ashiana at ang baril na alam kong matagal ko ng nakita sa bag ng pinagkakatiwalaang abogado ni daddy na si Mr. Santos.

Simula noon ay kinausap ako ni daddy na kalimutan ang lahat at sumunod sa kanilang sasabihin kung ayaw kong pati si mommy ay mabura sa mundo.

"Mommy!" Napabalikwas ako sa aking pagtkakatulog at hinihingal na hinabol ang aking hininga.

"Anong nangyari? Did you have a nightmare? Are you okey?"

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Maia na hinahagod ang likod ko at pinupunasan ang mga pawis na tumatagas sa noo ko at leeg. I dream about it again. Sino ang mommy na tinatawagan ko. Sino siya?

"Tristan! Dalhin na natin sa hospital si Traciel! Inaapoy siya ng lagnat!"

Doon ko pa lang napagtanto na nilalagnat nga ako. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayan na nasa condo na pala ako ni Maia at kanina pa kaming nakauwi. Mainit din ang pakiramdam ko. Kung ano man ang nasa isip ko siguro ay dala ng lagnat at hindi naman talaga iyon mahalaga.

Umiling ako kay Tristan at muling humiga at yinakap ang comforter saka ipinikit ang mata. Pinakiramdaman ko sila, mukhang hindi nila nagustuhan ang pagiging matigas ko.

"I'm okey, lagnat lang ito, pag naitulog ko wala na din." I assured them dahil wala na din akong lakas para bumangon pa sa higaan at magpadala sa hospital. Pagod ako, pagod na pagod.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kabigat na pakiramdam at hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. It's been draining this year. Siguro bilang sa daliri ang mga araw na naging masaya ako ngunit alam ko naman sa sarili ko na wala pang maraming oras ko iyon naramdaman at napalitan din naman agad ng takot at pangamba.

"You! Traciel, it's not good to push your self to be okey," Inis na turan ni Tristan at naupo sa gilid ng kama. Bumaling ako sa kabila para hindi niya makita ang itsura ko na napupuno na naman ng luha.

"Guys, siguro hayaan na lang muna natin siyang magpahinga? Ako na ang bahala sa kanya, wala akong pasok, pero kayo meron. Bukas na lang kayo magbantay."

Ang banda na itinuring kong pamilya at kapatid ang nakakapagparamdam saakin na ligtas ako at may mga taong handa akong samahan sa anumang pagsubok.

Tanda ko pa n'on na hindi ganon kami nagkakaunwaan, halos mabuwag na din kami dahil sa mga personal issue but you see, we remain together because we believe to each other. We got every one's back.

Maia na galit sa kanyang daddy na hinayaang mamatay ang kanyang ina sa isang malalang komplikasyon sa puso dahil lamang may bago itong babaeng nakakasama. Wala siyang pamilyang nauuwian ngunit ng makilala niya kami ni Tristan na gustong bumuo ng isang banda dahil pangarap namin iyon. Pinili niyang sumama saamin dahil doon niya naramdaman na may pamilya pala siyang kinabibilangan.

Noong una ang hirap pa niyang maging kapapalagayang loob dahil hindi siya marunong mag open ng kanyang nararamdaman. Ayaw niyang magpakita ng pagmamahal at 'concern' dahil nakikita niya ito bilang isang kahinaan.

Si Richard na lumaki sa kanyang mga lolo at lola sa Cagayan dahil s amurang edad ay iniwan siya nito. Wala na siyang mama at papa na matatawag dahil matagal ng nilisan ang mundo. Sumubok siyang pumasok sa manila para mabigyan ng masaganang buhay ang mga taong nagpalaki sa kanya.

Masaya ako sa mga nakuha niyang achievement. Nakuha na niya ang mga lola at lolo niya sa manila at nabigyan ng komportableng bahay. May sariling brand clothing na ipinatayo at soon to be first degree holder sa kanilang pamilya.

We also have Nate the cold one in our band. Hindi ko siya masisisi kung hanggang ngayon ay mataas pa rin ang itinayo niyang pader para sa mga taong gustong pumasok sa buhay niya para saktan lang siya.

Naranasan niya ang sunugin ang balat, masaksak ng sariling ama. He live in the most toxic household. He have teh father who is drug addict and a mother who always want to go at Casino for pleasure.

Si Tristan na ngayon ay nahanap na niya ang kulang sa buhay niya. Ako kaya, kailan ko mararansang maging buo?

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now