Chapter 16

186 2 0
                                    

"Gago ka! Bakit hindi mo ako sinabihan na sa kumbento ka tutulog! Nag-alala ako."

Hindi ako pinakawalan ni Maia at mahigpit na yinakap ang aking maliit na braso. Tinignan ko si Tristan na focus sa daan na nagmamaneho, si Nate na katabi ko na tahimik na tinitignan ang kanyang social media account at si Richard na dinamay kami sa sound trip niya.

"Nabasa, kala ko nga masisira ang cellphone na pinahiram mo, wala pa naman akong pang bayad." Turan ko sa kanya. Umiling siya at ngumuso. Umakto akong hahalikan siya kaya binitawan niya ako at tinapunan ng mahinag suntok.

"EWWW! Iyan ba ang natutunan mo sa bago mong school? Nakakamanyak ba talaga ang pumasok sa Letran?"

Hinawakan ko ang kanyang bibig para matigil siya sa kanyang pangbabash. "Gago ka ba? Catholic school iyon, hindi ka na nahihiya, hindi ka na nga nasimba puro ka bobohan pa ang iniisip mo." Ganti ko pa sa kanya at tumawa lang siya at muling yumakap.

"Tristan, Nate, wag ka na Richard bumalik na ang ating jolly at palaban na Traciel! We need to celebrate!" Umiling ako sa kanya at hinayaan siya sa kanyang trip.

"Magpapakalasing tayo? Saan ka ba uuwi ate Traciel? Tyaka-" Tinaasan ko siya ng kilay dahil ngayon lang siya tumawag saakin ng ate kahit na mas matanda ako ng tatlong taon sa kanya. Sinilip ko ang kanyang cellphone at nakita ko na dumaan sa kanyang feed yung picture namin nila Kaye at Jose.

"Si Jose tapos yung isa hindi ko na kilala." Pagbibiro ko sa kanya at ginulo ang buhok niya. Sumali na din sa usapan si Richard at kinatyawan si Nate.

"Binata na ang bunso namin. Dapat kasi sinama mo iyong bago mong kaibigan, Ciel."

"Hindi ako manyakis tulad mo Kuya Richard!"

"Oh bakit ano bang ginawa ko para maging manyakis sa mata mo, Nate baby?"

"Tumigil na nga kayo," Pag-aawat ni Tristan sa amin na nagkakagulo na at pinagtutulungan ang paborito niyang bunso sa grupo.

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at itinext sa kanya ang social media account ni Kaye. Nag reply siya ng salamat at ngunitian ako ng parehas kaming tumingin sa isa't isa.

"Hindi ako iinom, uuwi ako sa kumbento, baka maaboy ako ng mga bata," Paalam ko sa kanila at tumango sila ng sabay-sabay at hindi na ako kintyawan ng kj na palagi nilang sinasabi saakin.

Nakarating kami sa East Bar na madalas naming kantahan dahil palagi daw kaming hinahanap dito ng kanilang mga bisita at salahat sa kanila naging regular na kami sa araw na ito. May trabaho na ako ngunit kailangan ko pa ulit maghanap ng panibagong trabaho dahil hindi sapat ito na pantulong sa tahanang inuuwian ko.

Tinulungan ko na silang magbaba ng kanilang gamit, hindi na din naman nila ito ibabalik ulit at idodonate na nila Tristan para hindi na nila kailangang kunin ulit at dalhin sa tuwing kakanta kami.

Nasa stage na kami at nag-aayos na sila at ang ginawa ko ay hype the crowd para agad kaming makapagsimula at hindi masayang ang oras na pag-aantay niya. We already prepared six songs to sing hanggang 10:00 pm. Masaya akong nakikita na sumasabay sa pagsayaw at kanta ang mga tao.

Ang iba ay parang nagwawala at nadadala na ng alak habang masayang ikinekembot ang katawan at sumasabay sa kanta para maisigaw ang kanilang nararamdaman. Masaya ako na sandali nilang nakakalimutan ang problema at bumabagabag sa kanila.

Masaya ako na nagagawa nilang gawin ang mga bagay na walang limitasyon at mga taong gustong kontrolin ang bawat galaw nila. Masaya ako na masaya sila.

Natapos ang huling kanta at bumaba na kami sa stage dahil kumakaonti na din ang tao sa loob ng bar dahil gabi na din. Umupo ako sa isang table at pinanood uminom ang kabanda. Our boss serve us at pinasalamatan kami sa kantang inawit dahil lalong lumakas ang kanilang bar dahil doon, huwag na daw sana kaming mawawala, at mabubuwag.

Nagpapaalam na ako sa kanila naaalis na ako. Tinanggihan ko ang offer ni Tristan na ihahatid na niya ako dahil nag-eenjoy pa siyang uminom at makipagkwentuhan sa iba niyang mga kaklas ena umattend at pumunta pa ng bar para makita siyang magperform.

Nakuha ko na naman ang tips na ibinigay saamin ng mga customer at pinaghatian na. May pamasahe at pandagdag na ako sa pamamalengke ko para sa mga bata. Sapat na ito para may ipamasahe pa ako bukas.

Pumara ako ng jeep ngunit may isang kotseng mabilis na pumarada sa harapan ko bago pa tuluyang makaparada ang jeep. Tinignan ko ang jeep na nagderetso na ulit.

Kinunotan ko ang pamilyar na kotse sa harapan ko at sinalubong ng masamang tingin si Liam na nakasuot ng itim na tshit at peach brown office pants. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad sa kanya at lumayo sa sasakyan niya para makapara ulit ako ng jeep.

Sinundan niya ako at hinawakan sa braso. 

"Gabi na, ihahatid kita sa pupuntahan mo." Mahinahon niyang saad.

Ang sabi ko ay hindi ko na hahayaan pang kami magkita ngunit siguro wala talagang akong kawala kung ang lalaking ito na ang sumusulpot.

"Mamamelengke ako," Maikling sagot ko sa kanya bago tuluyan siyang hinarap. Nakakapaso ang bawat titig niya. Hindi ko gugustuhing makipagtitigan pa.

"Nang gabi?" Nagtataka niyang tanong saakin. Tumango ako at sinabi niyang sasama siya. Sumakay na ako sa sasakyan niya at ayaw ko ng makipagtalo dahil pagod ako para sa maghapong ito. Itinuro ko ang daan kung saan may mas murang gulay at isdang tinitinda, hindi pa sila nagsasara ngunit kokonti na ang kanilang tinda kaya nagmadaling akong bumaba sa sasakyan at binili ang mga kailangan.

Nagpahatid agad ako kay Liam sa kumbento at nagtaka pa siya kung bakit doon ko gustong pumunta. Hindi na kami close para ikuwento ko ang buhay ko at magpaliwanag ppa sa kanya. Hindi nya rin naman mauunawaan.

"Bakit ka sa kumbento? Out of town ba family mo?"

Nakalimutan na niya lahat. Kaya nga kinalimutan na din ang batang Ciel sa kumbento na una niyang nakita.

"Nakalimutan mo na atang inampon lang ako at para sa ikakasaya mo, inabandona na din nila ako. Salamat."

Lumabas ako sa sasakyan at kahit mabigat ang mga pinamili ko ay binuhat ko at nagmadaling pumasok sa bahay ng hindi muling nililingon ang kanyang sasakyan. Nang tuluyan na akong nakapasok ay sinilip ko pa siya sa bintana habang nagpapabaling siya upang makaalis na.

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now