Chapter 50

231 9 0
                                    

Naalimpungatan ako sa tabi ko ng may nag uusap at may naglalaro ng mga kamay ko "Nagpa-dna test na ba kayong tatlo? what's the result? did her bestfriend fool her again about the result? Apo nga natin si Lousse? Tunay na tunay?" Boses iyon ng mama ni Liam. 

Kumalabog ang puso ko na anrito sila tapos na sa ganito akong estado. Agad ako naupo at binati sila, nagulat pa sila ng makitang gising ako at nakita ang repleksyon na namumutla pa ako. "Iha," Tawag saakin ni Tita. Nag mano ako at binati sila "Magandang umaga po tita, pasensya na po hindi nyo ako naabutan ng gising, medyo sinamaan lang po ng pakilasa."

Umiling siya at yinakap ako "Naku iha, okey lang saamin, magpahinga ka, mas kailangan iyon ng katawan mo," Tumango ako sa kanila at nakita sila Lousse and Laurence na sabay kumakain ng cake minsan ay nagsusubuan pa. 

"Hmm, while you are asleep, atat na akong malaman ang totoo, anak natin si Lousse,"

Napailing ko hindi dahil sa hindi ko gusto, natigilan si Lousse at nakatingin saakin, nalulungkot siya at lumabas ng kwarto ko, hindi na ako nagdalawang isip na takbuhin din ang distansya namin at hinawakan siya. Lumuhod ako sa harapan niya at yinakap siya. 

"Anak, please, sorry, anak." 

Lumakas ang hagulhol niya at hinigpitan ang yakap sa buhok ko. "Akala ko po hindi nyo ako gusto-" sinisinok na siya kaya hindi na ako nagsalita bagkus ay hinayaan namin ang bawat isa na kumalma sa bisig. "Mahal na mahal ka ni mama,"

"Mahal na mahal ko din kayo mama, sorry po."

Umiling ako at hinalikan ang bawat sulok ng mukha niya, I miss her, gabi-gabi akong nangungulila sa kanya, ilang beses kong hiniling sa taas na bigyan niya ako ng konting panahon na makasama siya at ibinigay nila ito saakin, at aking susulitin.

Nakita ko si Liam sa likod ni Lousse, miski siya umiiyak at nagbreakdown din siya ng makita niya kaming dalawa, tumakbo din saamin si Laurence at kaming apat, buo, malinaw na ang lahat, yumakap ako ng mahigpit sa kanila at hindi ko na papakawalan ang pamilyang ito, ang pamilyang gustong-gusto ko ng mabuo.

"Uwi na tayo, uuwi na ako sainyo, uuwi ako sayong bisig Liam, mahal kita noon pa man, gaano pa man kasakit ang nakaraan natin, kalimutan na natin, magsimula ulit tayo, hmm?"

Walang sawang tumango si Liam at hinalikan ako. Yinakap niya kami ng mahigpit at hindi na pinakawalan hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Ipinakita niya saakin ang kwarto namin at sinamahan naman namin sina Lousse at Laurence sa dati nilang kwarto. 

"Daddy walang nabago, did you really wait this moment to come?"

Tumango si Liam kay Laurence at kinarga ito, hinawakan ko naman ang kamay ni Lousse ayaw ko g maramdaman niya na parang saling pusa lang siya sa pamilyang ito, apat kami kaya dapat apat kaming nagkakaunawaan sa pamilyang ito.

"Inlove saakin daddy nyo eh," mayabang kong sabi. Pinisil naman ni Liam ang bewang ko at nakiliti naman ako at humagalpak ng tawa. Binulungan ko si Lousse na kilitiin ang kanyang daddy, magkakampi sila Laurence at Liam habang kami naman ni Lousse ang bumabawi sa pangkikiliti ng dalawa.

Napapagod akong humiga sa kanyang braso habang nakayakap sa bewang ko si Lousse at si Laurence na pinagmamasdan kaming dalawa "Will you marry me, Traciel Louise Co?" Nagulat ako ng may inilabas na singsing si Laurence at tumawa ng mapanood ang ekpresyon ko. 

Napabangon ako at tinakluban ang bibig ko ng makita ang singsing na hawak na ni Liam "Liam! Huwag mo akong binibigla nito, Liam oo!" sigaw ko at sumunggab ng yakap sa kanya. My dream comes true.

When I was seven years old sa bahay ampunan palagi ko siyang nakikita na nagbibigay ng pagkain sa kagaya kong wala ng pamilya, palagi kong hinihiling na nasa iisang pamilya na kami, binigyan niya ako ng singsing at magpapakasal kami, magiging masaya.

Palagi akong lihim na sinusulyapan ang bawat galaw niya, I always put his name in my prayers na sana he is in good health at marami pang matulungang bata gaya ko, those children needs them more, na sana hindi siya magbago.

I always day dreaming na magkakaroon kami ng konersasyon at nangyare nga ito, unang pag-uusap niya medyo hindi maganda dahil nakita niya akong umiiyak pano ba naman kasi gusto ko yung paper plane na ginawa at sinulatan niya kaso nakuha ng ibang batang may gusto sa kanya, ang tindi ng selos ko at sinumbong ko iyon sa kanya kaya gumawa sya ng bago na ekslusibo para saakin. 

'Babalik ako para sayo, princess'

Iyon ang nakasulat at hanggang ngayon ay nakatabi pa rin sa box lahat ng ibinibigay nya saakin noon, isinusulat ko lahat ng pinag-uusapan namin at sa tuwing malungkot ako, iyon ang binabasa ko, binibigyan ako nito ng encouragement na balang araw may pamilya ring darating at magiging malaya ako, malayang makita sya at ipagtapat ang nararamdaman ko.

Times perfectly work when it was destined to happen talaga. And now I am happy in his arm, with my two kids in one shot pero malas lang, hindi ko naging kamukha kahit isa lang sakanila. 

"Love, I want third baby, kamukha ko na..." Bulang ko sa kanya, inasar siya ng mga bata ng namula ang kanyang tenga at kuryosong tinatanong kung ano ang sinabi ko "Galingan mo para makuha mo gusto mo," Marahan ko siyang hinampas at ako naman ang namumula sa bagay na sinimulan. 

Natatawa ang mga bata at sinalubong ang kanyang mga lola sa labas. Lumabas din kami at hindi ko maiwasang tanungin kung asan na si Karlie "She's in rehabilitation, once na stable na sya, she will transfer to jail, so no need to worry."

Nahabag naman ako sa sinabi niya, kahit papaano hindi naman iyon lahat kasalanan ni Karlie but then ang gumawa noon sa kanya ay nakakulong na din "You don't need to feel sorry to those people who hurt you," Tumango ako sa kanya at muling yumakap at sabay naming pinanood ang mga anak namin masayang kinukwento sa mga lolo at lola nila ang nangyare kanina.

"I think pinag-uusapan nila ang sunod na kapatid nyo" sabi naman ni mama.

Sumigaw ang dalawang bata at nagalak "Is taht true mommy!" tumango na lamang ako at nagtatalon sila sa sofa sa saya. 

"Walang bawian ha, mamayang gabi agad."

Kinurot ko ang tagiliran ni Liam.

The Shattered HeartsWhere stories live. Discover now