Chapter 1: Ang panliligaw

69 25 0
                                    




Nakabalot na lahat ng gamit ko,at nakalagay na sa isang bag. Mabigat-bigat din 'to,sana di ako mahirapan mamaya.

"Pads,tapos ka na?" Tanong ko sa kapatid ko,sasama din kasi siya.

"Oo,ate." sagot nito. Lumabas na ako ng bahay. Nakasuot ako ng one inch above the knee black skirt pair with a violet fitted shirt tapos pinatungan ng korean style jacket na lagpas tuhod.

"Mama,aalis na po kami." Paalam ko kay mama. Limang days kami mawawala..sana okay lang sila dito.

"Oh sige,mag-ingat kayo ah? Wag niyo e-airplane mode phone niyo,tatawag ako." Napatawa ako sa utak ko. Alam ni mama na naka airplane mode lagi phone namin kasi wala namang tumatawag.

"Opo ma,bye po." Sagot ni Pads.


"Ma,aalis na po kami." Paalam ko at naglakad na. I'm sure naghihintay na 'yong dalawang pinsan namin.

Apat kaming pupunta sa church anniversary at youthcamp. Mag-kapatid kami ni Pads at pinsan namin sila Jhon at Shella.

Motor lang ang sasakyan namin papuntang Prateneo. Ang lugar kung saan nakatira ang pastor namin. Sa Prateneo ang church anniversary pero sa Del Merna ang youthcamp.

One hour din ang byahe namin papuntang Prateneo. Hapon nanung dumating kami,nakakapagod. Ang bigat ng bag na dala ko. Pag-dating namin,ay hindi ko na halos makalakad dahil sa pamamanhid ng paa ko.

NAKA-higa na ako sa kama,gabi na kasi. Bukas pa ang anniversary,kaya pahinga muna ngayon. Tyaka tumulong ako kaninang magprepare for the event tomorrow.


Naka log-in ako sa rp account ko. Two months na simula nang makapasok ako sa rp. Dun ko nakilala sila mom,dad, Tito Lolo,oppa sian at hyung. Carmela Hanney Writes ang pangalan ko sa rp.

Napakunot ang noo ko ng makitang may bagong gc na naman na kasali ako. Sino kayang nag-add sakin dito?

In gc...

Me:

Hello!!!

Summer:

Hello caramel,
single ka?

Me:

Yes,bakit?

Jale:

Hello caramel!
Wag mo pansinin
yang si summer.

Summer:

Tumahimik ka nga
dyan bakla! Ship
ko na lang kayo!

Me:

nako beh,
wag mo ako Iship,
taga cheer na lang ako.

Summer:

caramel 🤝 Jale

Olivia:

support!

Me:

nako umayos kayo,
pass ako.

Summer:

fine,hanap na
lang ako ng bago.

Summer Fransisco added Kixia Monte, Briella Tang and Ace Montefalco in the group.

Luv Is In The Rpw (On Going)Where stories live. Discover now