Naalimputangan ako dahil sa hagikhik ng kung sino. May narinig pa akong nagsasalita pero di ko pinansin,I'm still sleepy.
Napahawak ako sa muka ko para alisin ang buhok na tumabon sa mukha ko. Teka bakit parang ang lagkit ng buhok ko?
May electric fan naman dito kaya pano ako maliligo ng pawis? Hinawakan ko ang mata ko,pero teka bakit parang ang lagkit din?
Napabalikwas ako ng bangon, hinawakan ko ang muka ko. Ang lagkit! Anong nilagay dito? Di naman ako gumagamit ng beauty mask eh.
Napalingon ako sa gilid ng kama,wala na sila Padlats. Mukang kanina pa nagising. Kaagad akong pumunta sa banyo para tignan ang mukha kong ang lagkit!
Pagpasok ko sa banyo ay muntik pa akong madulas pero binalewa ko na dahil ang muka ko!
"AHH!" TAKTE! SINO ANG GUMAWA NITO? PUNONG-PUNO LANG NAMAN NG MAKEUP ANG MUKHA KO!
AT ANG MASAKLAP ANG KAPAL PA!
TAE TALAGA! MALALAGOT SAKIN ANG MAY GAWA NITO!napahawak ako sa mukha ko. I'm sure bukas magkaka-rushes to.
Allergy ako sa make-up,at ako lang ang nakakaalam nun. Tanging liptint lang ang ginagamit ko dahil,nangangati ang mukha ko pag-gumagamit ng make-up.
Napagpasyahan ko na lang maligo,mamaya ko na aalamin kung sino ang may gawa nito. Aattend pa naman kami ng Youthcamp ngayon.
Need ko intindihin kung bakit ginawa sakin to...tama baka wala lang magawa sa buhay,o trip lang. Dapat intindihin ko, kasi baka hindi ako makapagtimpi.
Sinuot ko ang long white floral dress ko na long sleeves. At sinuot ko din ang silver stilettos ko. At nilugay ang lagpas pwet kong itim na buhok.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. It's already 9 in the morning. Ang tagal ko pala sa banyo,tsk pano ang tagal makuha ng make-up.
Pagkababa ko ay biglang tumahimik ang kaninang nagtatawanan na pinsan ko. Parang may anghel na dumating.
Naglakad ako papunta sa harap nilang lahat,at nakapamewang silang hinarap.
"Sino ang gumawa 'non?" Tinignan ko sila isa-isa. Nakaupo sa mahabang sofa sila Pads,Lats,Yaneih,at si baby ligaya.
"Ha? Ate anong sinasabi mo?" Maang-maangan na tanong ni Pads.
"Hm,may picture ba?" Patuloy na tanong ko.
"Ate Han bakit wala na po yung make-up niyo?" Takang tanong ni Baby Ligaya...Sabi ko na nga ba eh.
"Joy, tumahimik ka!" Sigaw ni Yaneih.
"Ay sorry,magagalit ba si a-" Hindi ko na pinatapos si Ligaya.
"Delete the picture or else..." Kaagad na tumayo si Lats para kunin ang phone no Pads at dali-daling denelete ang picture.
"Ba't mo denelete? Wala na tayong pang blackmail!" Bulong ni Pads pero dinig ko naman.
"Kapag nagalit 'yan tayo ang malalagot." Sagot ni Lats.
"Sino nga may gawa?" Tanong ko.
"Ako po ate,nakita ko po kasi yung make-up kit ko kaya pinatry ko po kela ate Shella at Ferd." Takte,self kalmahan mo,bata yan.
"Haha ok lang baby. Anong ulam?" Pilit ang ngiti ko,pero alam kung kita nila Padlats yun.
YOU ARE READING
Luv Is In The Rpw (On Going)
RandomA broken soul, which found herself in the realm of literature. She decided to enter in the world called role play world where everything is only play. And then unexpectedly, she met the guy she didn't expect to love for the rest of her life.