Chapter 7: away

24 15 0
                                    

Napatingin ako kay Kale na may bandage padin ang panga,basta nilagyan kasi ng bandage yung bibig niya. Lumapit ako sa isang sofa para paupuin si Hale do'n.



Napatingin ako sa paligid,malaki ang apartment nila at black, white and gray ang theme. May dalawang mahabang sofa na kulay puti at dalawang para lang sa isang tao.





Pero in fairness malinis ang sala nila ewan ko lang ang kwarto. May maliit din na table sa isang sulok kung saan may nakapatong na mga gamit for drawing.




Mabango din ang apartment nila,amoy mentol ang aircon nila kaya hindi nakakahilo. May nakita din akong isang gitara. Ang ganda ng gitara,kulay kahoy ito. Napaka-simpleng tignan pero para sa mga guitar lover na tulad ko,ito ang pinakamagandang gitara.



"Hey,are you ok?" Nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko,si Uno pala.



"Bakit?" Tanong ko,nagmamasid pa ako sa paligid eh. Isturbo siya. 



"Napag-isipan mo na ba?" Napatingin ako kay Kale na naka-upo sa single sofa . Nakasuot siya ngayon ng itim na shirt na pinaresan ng itim na short. At ganun parin ang buhok niya,magulo.



"Ano kaba bro,yayain mo muna si Han umupo haha." Sabi ni Pinko sarap pakyuhan. Si Dyes ang nagtanong sa akin kanina,pero ewan ko ba kung bakit kay Kale ako tumingin.


"Han,alam mo may suklay ako dito." Napatingin ako kay Dyes. Nakasuot ito ng kulay yellow na t-shirt na pinaresan ng gray short. Malinis ang buhok nito tignan at may nakalagay pang yellow headphone sa leeg niya.


"No thanks,I have one." Psh,ano namang gagawin ko sa suklay? Ipakain ko 'yan sa kanya eh.



"HAHAHA."  Pinanood ko kung paano bumukas ang bibig ni Dyes at Pinko para tumawa dahil sa sinabi ko.





"Uhm,Han kunin mo na 'yong suklay tapos punta ka ng cr ha?" Napatingin ako kay Uno dahil sa sinabi niya. Problema nila?



Napatingin din ako kela Hale at Kale,si Kale kung walang bandage ang muka at di lang masakit ang bibig malamang humagalpak na din siya sa tawa, nakikita ko kasi pag-pipigil niya eh. 



Si Hale naman, nakangiti lang sakin. Parang sinasabi niya na gawin ko na lang daw ang sinabi ni Uno. Ewan,ang gulo nila.




Napatingin ako sa suklay na hawak parin ni Dyes, napabuntong-hininga muna ako bago kinuha ito.



"Saan ang comfort room niyo?" Tanong ko kay Uno. Itinuro niya ang kanang bahagi ng sala at doon may isang pinto,na sa tingin ko ay Cr. 




Pagtalikod ko ay narinig ko pa ang pagbungisngis nila Pinko at Dyes.





Pagpasok ko sa Cr,ay namangha ako ng sobra. Ang inaasahan ko kasing makikita ay,maduming lababo,mga nakasampay na damit or underwear sa lagayan ng mga towel,at may mga toothbrush na hindi nakalagay ng maayos sa lagayan,pero iba. Napakalinis tignan ng cr nila,daig pa ata yung Cr ko.




May kalakihan ang comfort room nila,may lagayan ng mga basura sa gilid ng lababo,nakatupi ng maayos ang mga towel sa kabinet,makintab din ang tiles at nakaarrange ng maayos ang mga face soap and shampoo. 


May roon ding malaking salami— WHAT THE HECK?! Takteng muka to! Anong nangyari sa buhok ko? Bakit Ang gulo.




Para akong pinagbagsakan ng langit at mga planeta dahil sa buhok kong di ko alam kung matatawag pa ba na buhok to. Napakagulo ng buhok ko,sabog sa kaliwa't kanang bahagi ng ulo ko. Paano ko to, aayusin? Aayusin ang hanggang tuhod Kong buhok?!




Luv Is In The Rpw (On Going)Where stories live. Discover now