Chapter 27: he broke me again

9 1 0
                                    

"Ano?" Hindi ko alam pero nagsimula nang pagpawisan ang aking mga palad at noo. Ang lakas na din ng kabog ng aking dibdib na parang lalabas na ito sa ribs ko.

"A-ano kasi..." Takteng lalaking 'to! Habang tumatagal lalo akong kinakabahan,parang hindi ako makahinga.

"Ano nga?!" Naiinis kong tanong dito para maitago ang kaba ko. Sarap niya ihulog sa bangin.

"Yong phone mo kasi..." Para akong tanga na naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako!

"Yong phone mo kasi na-off,hindi ko alam kung bakit eh!" Napauwang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Namatay ang cellphone ko? So wala siyang nakita?! Wahhhh!




Napatalon ako dahil sa saya! Para akong baliw na tumatalon-talon at niyakap sa leeg si Kale.

"Wahhh! So wala kang nakita Kale?! Wahhh,ang saya ko! Akala ko ano na haha!" Sigaw ko dito at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay.


"Kale,pinakaba mo ako!" Ani ko sabay hampas dito. Napahinto ako sa paghampas nang mapagtantong nakatitig lang sa akin si Kale na parang nakakita ng baliw.

Tang*na! Nakakahiya!!!!!



Dahil sa hiya ay hindi ko na alam ang sunod na ginawa ko. Basta tumalikod na lang ako at tumakbo papalayo sa lugar kung saan wala si Kale!

Humihingal akong napahinto sa isang puno at napasandal dito. Nasa garden ako dinala ng mga paa ko.


Napapikit ako nang pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Ang tanga mo Ghaile! You're such a stupid but pretty hahaha!

Pero nakakahiya talaga! Napatakip ako sa mukha at napasambunot sa buhok. Napatingala ako sa langit,bumulaga sa akin ang maaliwalas na kalangitan pero di parin nito kayang tanggalin ang kahihiyan na dinulot ng aking stupid self.

"Satanas,nakikiusap ako sayo kunin mo na ako. Willing na ako mag-serve sayo sa empyerno." Pakiusap ko. Nakakahiya talaga!

Akala ko may nakita siyang kung ano sa phone ko tapos namatay lang pala?! Okay na sana eh,kaso niyakap ko pa siya,at may pahawak-hawak face effect pa!!!

Hindi ko na talaga alam,bakit di man lang pumasok sa isip ko na yong phone ko nga pala ay na-lowbat before ako pumasok sa library?  Bakit?!! Para na tuloy akong baliw!


"Para kang baliw dyan." Napatalon ako sa gulat sabay suntok ng kung sinong biglang bumulong sa aking tenga.

"Aray!" Napatakip ako sa bibig ko nang makitang si Hale na hawak-hawak ang kaliwang mata niya na tinamaan ng kamao ko.

Lumapit ako sa kanya at nagpaliwanag,

"Sorry, sorry! I didn't mean to hit you! It's just that —" Hindi ko natapos ang paliwanag ko nang magsalita ito.

"Yeah I know, because I startled you." He said using his calm voice. I feel sorry for him. Bakit kasi kapag masyado akong nagugulat ay automatic na lumilipad ang kamao ko?



"Sorry, I'm so sorry." I apologize sincerely. Bakit nong si Kale gumulat sakin di ko naman siya nasuntok? Maybe because nasa library ako? Pero ok na din at least suntok lang natanggap ni Hale samantalang  kay Kale na lato-lato. 


"Apologize accepted. By the way, what are you doing here?" Tanong nito matapos maka-recover mula sa suntok ko.

Teka ano nga ulit ang ginagawa ko dito? My feet bring me here while my head is trying to escape the embarrassing moment of my life. Nasampal ko ang sarili ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Luv Is In The Rpw (On Going)Where stories live. Discover now