Chapter 9: chek-up

22 14 0
                                    

Napabuntong-hininga ako bago  nilapag ang phone ko sa gilid ng unan ko,let's see kung anong gagawin mo. Hindi ako mag-oon ng eight hours,hihi.

Napahawak ako sa tyan ko.  "Oh ang sakit talaga," uminom na naman ako ng gamot pero wala pa ring epekto. Napatingin ako sa wall clock ko,it's 10 in the evening. Matutulog na ako ng maaga,may pupuntahan pa ako bukas.

Pero lumipas na lang ang kalahating oras ay di parin ako makatulog,di ako makatulog sa sakit ng puson ko. Hindi na ako nakatiis,kaya dali-dali akong bumangon at nagtungo sa cr.

Paghakbang ko papasok ay muntik pa akong madulas,mabuti na lang ay nakahawak ako sa pinto. Pagpasok ko ay dali-daling binuksan ko ang gripo para malagyan ng tubig ang bathtub ko.

Habang hinihintay na mapuno ang bathtub ay may naalala ako. Napatingin ako sa bathtub,hindi pa nakakalahati ang tubig.

Dali-daling lumabas ako ng cr,at lumabas ng kwarto. Katahimikan at kadiliman ang bumungad sa akin pagkalabas ko. Natutulog na ang lahat,ako na lang ang hindi.

"Sana hindi ko magising si Tita." Mahinang bulong ko sa sarili at dahan-dahan na bumaba sa hagdan. As I step down,I felt the cold breeze hugs my skin. Nakalimutan ko pang-suotin ang slipper ko.

Pagkababa ko,ay pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Bumungad sakin ang napakaraming ice packs at  gatas. Kumuha ako ng malaking bowl at pinuno ito ng ice packs at kumuha ng limang supot ng gatas.

"Hello,san kana ba?" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ang boses ni Tita. Dali-daling sinarado ko ang ref,at nagtago sa gilid nito.

"A-ah,shet." Natapon pa ang ilang pieces ng ice packs ko. I silently pray,as I close my eyes. Sana hindi ako makita ni Tita.

"Anong oras kaba uuwi?" Rinig kong tanong ni Tita sa kausap niya sa telepono,I think it's tito Lim. Napadilat ako ng marinig ko ang yapak ni tita na papunta dito,para akong nauubusan ng hininga. Kapag nahuli niya ako dito,patay ako.

"Fine,hindi na kita hihintayin. May key sa ilalim ng vase na nakalagay sa kanang bahagi ng door natin,'yon Ang gamitin mo." Napabuga ako ng hangin ng hindi tumuloy si Tita sa paglapit sa kinaroroonan ko. 

"Ok,bye." Pagpapaalam nito sa kausap bago, tumalikod pero narinig ko pang may binulong siyang,"I think I saw someone here." Takte nakita niya pala ako,buti na lang hindi siya sigurado.

TUNOG ng aking alarm clock ang gumising sa natutulog kong diwa. "Arg." nakapikit akong inabot ito at pinatay. Gusto ko na sanang bumangon ngunit hinihila ako ng aking kama pabalik.

Napuyat ako kagabi sa banyo, matutulog na sana ako ulit ng maalalang ngayon ang maaga ang schedule ko sa hospital. Napabalikwas ko sa ng bangon, napatingin ako sa orasan it's already eight in the morning!

8:30 ang schedule ko sa hospital! Hindi ko namalayan na nakatulog ako kanina,alas sais tumunog ang alarm clock ko kanina.

Dali-daling pumasok ako sa kwarto at naligo,sasamahan ako ni Tita sa check-up ko ngayon. Pinaka-ayaw niya sa mga late na tao,five minutes na lang siguro akong maliligo tutal naligo naman ako kagabi.

"Tita I'm done,let's go po?" Nakangiti kong sabi pagkababa ko. Nasa mesa si Tita nag-kakape. "Sit, Ghaile. Kumain ka muna." Kaagad akong naupo sa kaharap na upuan ni tita.

"How's your sleep?" Napatingin ako kay tita na humihigop na ngayon ng kape. She's really strict,kaya medyo takot ako. "It's great po." Sagot ko at tinignan ang mga nakahain na pag-kain. Mag-kakape na lang ako.

"Don't forget to bring your mask inhaler,kotse ko ang gagamitin natin." Medyo,nabahala ako dahil sa sinabi ni Tita. Sumusuka ako sa lahat ng vehicle na nasasakyan ko, whether it's a motorcycle, tricycle or a car. "Opo."

Luv Is In The Rpw (On Going)Where stories live. Discover now