Prologue

3.9K 30 7
                                    

walang senyales na babalik ka pero patuloy na umaasa na magbabalik ka pa.

matiyaga kitang hihintayin, walang oras na hindi ka dadaan sa aking isip, bawat bahagi nang mga pinagsamahan natin ay paulit ulit na rumerehistro sa puso at isip ko, mga tawa at hikbi mo ay rinig na rinig ko.

bawat yakap at halik mo'y ramdam ko pa na tila ba sa ala-alang iyon ay babalik ka.

mapait ang mundo pero tanggap ko dahil sa lahat nang mga nagawa ko.

walang araw na hindi ako nagsisi nang umalis ka, walang araw na hindi ako nag iiyak sa gabi nang hindi ka nakakasama, walang tanghalian na hindi kita namimiss kung paano ka kumain nang favorite mong putahe, walang araw na hindi ako dadaan sa bake shop dahil lang sa sinabi mong dapat lahat nang favorite mo ay maging favorite ko.

oo mahal, ganon ako nangungulila sayo.

walang araw na hindi nagdasal at humiling sa Diyos na sana ay bumalik ka.

babalik kapa ba?

kung sakali man na babalik ka, hindi ko na hahayaan na masaktan pa kita.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon