Kabanata 30

423 11 7
                                    

Justine

gabi, malamig.

hindi ko alam pero baka mabaliw ako kakaisip kung bakit umabot sa ganon si Craye kaya naman kahit disi-oras nang gabi ay nagpasya akong umuwi nang Laguna.

alam ko lang sa ngayon, nanay ko ang kailangan ko. Walang kahit na sino, sya lang.

agad kong nilisan ang condo ko at nagdrive pauwi nang Laguna. Nung nag aral kasi ako abroad nagpasya na mga magulang ko na sa Laguna na manirahan kaya ngayon eto ako, binabaybay ang daan pa-Laguna.

sigurado ako na pag uwi ko sa bahay ay mahahalata na agad nang nanay ko ang pugto kong mga mata pero kasi ang sakit sakit na, sya lang ang magiging sandalan ko sa mga oras na to.

habang nag ddrive ako ay pinagmamasdan ko ang lugar dito sa Laguna at habang nakikita ko ito ay bakit parang meron akong naramdaman na pagsisisi.

kung hindi sana namin nilisan ang lugar na to, siguro ay hindi ako masasaktan nang ganito. Hindi ko sana sya nakilala, hindi sana ako nagpakatanga sa kanya nang mahabang panahon.

muli, tumulo na naman ang luha galing sa aking mga mata.

hindi ko kaya, ang sakit sakit lang na lahat naman ginawa ko para sa kanya. Kulang pa ba ako? hindi pa ba ako sapat? kasi kung hindi pa, kaya ko pa naman higitan pero yung aaminin nya sakin na naghalikan sila si Veron. Para bang sinaksak nya ko nang paulit ulit hanggang sa magmanhid na yung sakit na nararamdaman ko.

bvllsh*t! Ano pa bang kulang sakin? ano bang meron si Veron na wala sakin?

natatanaw ko na ang bahay namin mula sa kalsada. Lalong nagpatuloy ang pagiyak ko dahil sobrang miss ko na sila Mami at Daddy.

pinark ko na lang muna yung kotse ko sa gilid nang kalsada tyaka ako agad na lumabas at walang ano-ano'y tinakbo ko na agad ang bahay namin.

tahimik na dito, 1:39 am na din ako nakarating sa bahay.

may spare key naman ako dahil binigyan ako ni Mami kaya pumasok na ko.

Medyo madilim, tumaas na ko at tinungo ang kwarto nang mga magulang ko. Nakita ko na mahimbing silang natutulog. Nakayakap si Mami kay Daddy, sa tabi ni Mami ako nahiga at yumakap sa kanya.

I don't know kung bakit muli akong naiyak, siguro dahil sila talaga ang kailangan ko.

"Ma." tanging sambit ko.

mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya, ngayon ko naramdaman na I'm safe. Walang kahit na sino ang makakasakit sakin ngayon dahil nasa tabi na ko nang mga magulang ko.

naramdaman ko na gumalaw si Mami at bumaling ito sa akin.

"anak, bakit? may problema ba?" yan agad ang tanong sakin nang nanay ko.

hindi na sya nag usisa pa kung bakit bigla akong andito dahil hindi naman talaga nila inaasahan ang pag uwi ko, pero nang makita nya ko na umiiyak ay agad nya naman akong yinakap.

"ma, ang sakit sakit nito." sabi ko sabay turo ko sa heart ko

"shiiii, makakaya mo yan. magpahinga kana muna. Mahal na mahal ka namin nang daddy mo humm?" sabi sakin ni Mami at halata ko sa mga mata nya yung sakit dulot nang pagsumbong ko sa kanya.

"tahan na anak, tyaka na natin pag-usapan yan sa ngayon mag pahinga kana muna alam kong pagod ka galing sa biyahe." narinig kong sabi ni daddy tyaka nya kami niyakap ni mami

---------

"anak, gising na nag luto ako nang favorite mong sinigang." gising sakin ni Mami mula sa pagkakatulog

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon