Kabanata 5

769 18 14
                                    

Craye

dumating na lahat nang order namin, lahat naman nang ito ay treat ni Maice gusto sana namin mag ambag pero big time naman na kasi talaga si Maice since then pero mas lalo ngayon.

"hummm Maice kamusta nga pala kayo ni Justine nung schooling pa lang kayo?" habang kumakain ay biglang tanong ni Gianne at doon napukaw ang attention ko pero hindi ako lumingon, patuloy ko lang ginagalaw yung pasta na kinakain ko ayokong mag mukang interesado baka masupalpal na naman ako ni Maice, mainit pa naman ang dugo sakin.

"tsk! mabuti ka pa Gianne nakuha mong magtanong sa akin pero yung isa jan wala atang balak alamin yung mga nangyari samin doon at kahit yung pag-alis namin dito ay hindi manlang nagparamdam." bwelta ni Maice na halatang ako ang pinatatamaan.

"hayaan mo na yang si Craye, kahit anong sabihin mo tapos na yun and ang gusto lang naman namin ay makamusta si Justine." sagot naman ni Sally at doon ako napatingin sa kanya

what? parang wala ako dito kung makapag kwentuhan sila and alam na alam ni Sally kung ano ang mga napagdaan ko nung umalis si Justine.

"anyways, mabuti na lang din pala na umalis kami kasi wala din naman palang pake kay Justine yung isa jan." sagot naman ni Maice

"Maice, umayos ka nga wag ka naman ganyan kung sumagot." sabad ni Mon, yes it's Mon my bestfriend

"bakit? totoo naman ahh diba Craye kahit sa huling araw namin ni Justine dito sa pinas para mag patuloy nang pag-aaral sa ibang bansa ay hindi ka manlang nagpakita. Alam mo pasalamat ka kasi that day mahal na mahal kapa nang bestfriend ko." sumbat ni Maice sa akin kaya napatingin na ko nang direcho sa kanya

naiinis ako, kung alam lang ni Maice kung bakit wala ako ay baka maintindihan nya pero sabagay kahit siguro anong paliwanag ko dito ay hindi nya naman ako papakinggan at paniniwalaan.

"Maice, enough. kinamusta ko lang naman yung sa inyo ni Justine pero hindi ko sinabi na magtalo kayo ni Craye dito." sabi ni Gianne kaya natahimik si Maice

"okay fine, we're good naman habang nag aaral kami doon and nung nakagrad kami ay mabilis kaming nagkaroon nang trabaho doon nag settle na lang din ako dito ngayon dahil andito naman ang pamilya ko." sagot ni Maice nang maayos kay Gianne

"kamusta si Justine ngayon? kasi andun pa sya and bakit mas nauna kang umuwi kesa sa kanya?" tanong naman ni Sandy at dito mas naging interesado ako.

"i don't know kung kelan talaga uuwi si Justine or kung uuwi pa ba sya, siguro umuwi para balikan ang pamilya pero mas okay kasi ang work nya dun dipende na lang kung may isang dahilan kung bakit sya mag ssettle dito." paliwanag ni Maice tyaka sya kumain nang pasta na inorder nya

"hindi naman sa panghihimasok, ano bang work nya dun?" tanong ko kasi bakit sya mag ssettle dun diba?

"duhhh! license civil enginee sya dun, hindi naman sya nag bago nang course ehh." sagot sakin ni Maice

this moment parang gusto kong sapakin si Maice, masyadong matalas ang bibig nya.

at pag sagot nya non sa akin nagtawanan ang mga kaibigan ko and kung bakit, yun ang hindi ko alam kaya mas nainis ako. para namang hindi nila alam ang pinagdaan ko.

sinamaan ko sila nang tingin, isa isa.

I'm giving up, ayokong makipag usap sa taong wala namang alam kundi ang kutyain ako

nang gigigil ako kay Maice, sa totoo lang.

"if ever na may ipagawa ako kay Justine pwede ba syang umuwi para don? balak ko sanang magpatayo nang public hospital dito sa bayan natin and makapag pagawa na din nang bahay." seryosong tanong ni Gianne

taas balikat na sagot ni Maice at "it's up to Justine kung bibigyan nya nang panahon ang ipapagawa mo Mayor pero dahil we're friends naman malay mo." sabi ni Maice nang nakangiti

agad akong nakaramdam nang pagsipa sa ilalim nang table, and alam na alam ko na kung sino yun. it's Mon

kaya pasimple naman akong napangiti.

"para kang asong ulol." banat ni Maice kaya napatingin ako sa kanya

yung ngiti ko ay nag divert agad sa init nang ulo, para akong fuse na any moment ay sasabog

"Maice, sana kung gaganituhin mo lang ako hindi mo na ko ininvite ano?" sabi ko sa kanya kasi inis na inis na ko

"sino bang nagsabi na invited ka? nagulat na nga lang ako na nandito ka ehh. Kaya nga ako umorder na kasi akala ko kami kami lang yun pala susunod ka." harapang sabi ni Maice sa akin, no filter.

"fine! sana next time Angel wag mo na kong sasabihan kung hindi naman pala ako welcome sa barkadahan na to, and sana maging aware ako na di na pala ako belong kasi ang alam ko walo tayo dito." sabi ko at tyaka ako tumayo para lumabas at umalis

"Craye." tawag sakin ni Mon

"Yeah Mon, okay lang kesa makaharap ko tong taong to ngayon." sabi ko kay Mon tyaka ako tumingin kay Maice

"wow! ikaw pa yung may ganang magalit talaga ngayon? after all? yung pain na naramdaman nang bestfriend ko gawa mo ay naramdaman ko din? mga gabi na umiiyak sya gawa mo lang, mga panahon na ikaw ang sambit nya kahit hinayaan mo na lang na umalis sya." panunuya ni Maice sa akin

"akala mo ba hindi masakit sa akin ang lahat nang nangyari noon? Maice, halos mabaliw ako nung umalis si Justine-"

pinutol ni Maice ang pagsasalita ko

"No, Craye! deserve mo yun kasi kasalanan mo, hindi mo pwedeng sabihin sakin yan ngayon dahil ikaw naman talaga ang hindi makapili noon kahit paulit ulit kang pinipili nang bestfriend ko." rebut ni Maice sa akin

"Guy's, tama na yan. Dito pa talaga kayo magtatalo? mahiya naman kayo sa akin ohh." sabi ni Gianne sa amin

wala kaming nagawa at umupo na akong muli sa upuan ko

yeah! nakakahiya naman talaga na kaharap kami nang Municipal Mayor dito pero nagtatalo talo kami

nakita ko na tumingin sa paligid si Gianne ganon na lang ang paghingi nya nang dispensa sa mga nakakakita.

sinabihan nya din ang mga andun na wag mag video kung sakali at sya na ang bahala na mag settle nang problema namin.

mabuti na lang at nakinig naman ang mga taong nandoon pero nakakahiya din talaga kami, like mga professional kami dito pero dito pa kami gagawa nang commotion kasama ang Mayor

"let's dinner, tama na yan. kumain na tayo nang tahimik." sabi na lang ni Angel para matapos na ang iringan namin ni Maice

after kumain ay nanahimik na lang ang lahat, hindi na din sumagot si Maice nang pabalang at hindi na din ako umimik pa para iwas gulo.

ang hirap din pala pag may kaibigan kang involve sa politics, kailangan na laging kang in good.

siguro magagawa lang namin ang bagay na to kung malayo at wala kami sa mismong Bayan namin.

"Hey Maice, sabihan mo si Justine na baka matuloy yung project ko, sana naman ehh wag nyang baliwalain." narinig kong sabi ni Gianne paglabas namin sa pizza parlor.

"sure Mayor, makakaasa ka na sasabihin ko pero sabihan mo din sya, alam ko naman na hindi ka din nun matatanggihan." sabi ni Maice kay Gianne tyaka natawa

"yeah! ano pa at naging magkaiba kami ano?" sabi ni Gianne na tatawa tawa

"ohh sya, next time na lang ulit. Tsk! sana naman wala nang gulo ha Maice and Craye?" sabi ni Angel at tinapik nya ang balikat ni Maice at tumango sya sakin

tumango na din ako, alam ko kung gaano kamahal ni Justine ang bestfriend nya kaya kung aawayin ko pa ito baka yun ang maging dahilan nang paglayo nya sakin nang tuluyan and gets ko naman si Maice kung bakit sya ganon ka protektado kay Justine.

at the end, ako pa din naman ang magpapasa walang kibo, mananahimik at tatanggap nang mga masasakit na salita galing kay Maice.

kailangan kong tanggapin para sa baby ko, para kay Justine.

----------

hahaha daserb na daserb mo ang chapter na to Craye! 😂😂😂

kimmy 😂

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon