Kabanata 9

780 20 33
                                    

Justine

pag pasok namin ni Craye sa café ay naghanap na agad sya nang mauupuan namin, extra careful pa sya nung uupo na ko.

yeah! she's a gentlewoman, indeed.

alam ko naman sa sarili ko na hanggang ngayon ay marupok ako pagdating sa kanya pero hindi naman ako ganon katanga kung lagi na lang sya yung pagbibigyan ko, paano naman ako?

"is it okay na dito tayo?" pagtatanong nya sakin after ko umupo and sya, still nakatayo pa din sa side ko

tumango lang ako bilang tugon

"anong order mo? hummm hot white chocolate, i guess?" sabi nya bago sya umupo sa tapat ko

alam na alam nya pa din kung ano yung ininom namin na coffee way back then, and hindi na ko mag sisinungaling pa sobrang na aappriciate ko ang mga ganong maliliit na bagay.

kahit kainitan ay nag agree na ulit ako, hot white chocolate is her favorite na naging favorite ko na din.

umalis na si Craye and tyaka sya pumunta sa counter para mag order.

ganitong Craye sana yung dati para sana hindi na kami nagsayang nang oras pa, nang mahabang panahon.

after ilang minuto ay bumalik na din si Craye sa table namin at naupo, dala nya yung receipt.

"nag order din ako nang blueberry cream cheese for you, baka lang gusto mo nang sweets. tsss bakit kasi wala ditong black forest." kakamot kamot pa ni Craye na halatang disappointed.

black forest is my favorite, tandang tanda nya pa pala ang lahat.

konting minutes lang ay tinawag na din sya dahil ready na yung order, kinuha nya ito at agad din na bumalik sa table namin

"hot white chocolate and blueberry cream cheese for you, baby." i don't know pero, le*che! kinilig ako sa pagwink nya and sa pagtawag nya sakin nang baby kaya medyo naintimidate ako.

hindi ko na itatanggi pa, mahal na mahal ko talaga tong si Craye.

pero syempre hindi ako umimik sa sinabi nya, pasimple ko na lang na hinihop yung order nya for me para di nya makita na nag blush ako. hehehe

tahimik lang naman kaming kumakain, walang kumikibo, okay na ko sa ganito basta kasama ko sya. yung payapa na kami lang dalawa.

isusubo ko na sana kung kinakain ko for my last bite pero biglang tumunog ang phone nya na nasa table lang namin, bahagya ko itong tiningnan at nakita ko na may tumatawag ang hindi ko lang sure ay kung sino ba yun.

tiningnan lang ito ni Craye at direcho ito sa pagkain nya nang ensaymada, deadma sya sa nacall

namatay ang call ngunit hindi ito tumigil at tumawag ulit kaya hindi na ko nagdalawang isip na magsalita.

"Craye, sagutin mo na baka inportante." sabi ko in a good way, ayoko man na sabihin yun dahil gusto ko masolo si Craye wala naman akong magagawa kesa mag ingay nang mag ingay dito.

"sorry ha Justine." pagkasabi nya nun ay agad nyang sinagot ang phone nya, tumayo pa ito at bahagyang lumayo

medyo nainis ako sa part na yun dahil bakit bawal kong marinig pero ano nga bang say ko diba?

siguro tumagal nang 5 minutes ang pag uusap nila, halos maubos ko na din yung iniinom ko.

"sorry Justine, sorry talaga at may kailangan lang akong asikasuhin." sabi ni Craye sa akin

mas nainis ako sa part na yun, sino bang nag yaya sakin dito? sino bang nagpaumpisa nito? nahuhulog na naman ako sa mga salita nya, nadadala na naman ako sa pagka sweet nya, isang tawag lang nang "baby" sakin at "wink" nya nababaliw na naman ako tapos ngayon she said sorry kasi need nya nang umalis? like? ano ba talaga ako dito?

"Justine, bumalik ka dahil may project ka with Gianne at hindi ka bumalik dito para lang sa Craye na yan na never kinonsider ang feelings mo" sabi ko sa loob loob ko

"yeah! right."

"hummm? it's okay, baby?" nasatinig ko pala ang sinasabi ko kaya wala na din akong nagawa kundi umoo at wala din naman akong choice.

"sorry, promise next time hindi na ganito." sabi ni Craye na para bang iiyak na at halata mo na ayaw akong iwan dito

hindi na ko papadala sa kanya, unang araw ko dito ulit sa pinas ganito ipaparamdam nya!

wth!

"please Craye, don't call me baby." yun na lang ang nasabi ko sa kanya tyaka ako tumayo at kinuha ang bag ko para lisanin ang café, ano? for the second time hindi nya pa din ako pinipili.

i guess, never nya akong pipiliin.

"Justine." yan ang huling narinig ko sa kanya pero hindi na din ako nagulat dahil kahit nag walk out ako ay never nya kong hinabol, gaya nang huling araw ko dito sa pinas last time ay wala naman sya

sanay na sanay sya na wala ako.

ayokong umiyak pero nakita ko na lang ang sarili ko na tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mga pisngi ko, agad naman akong nakakita nang taxi at sumakay na ko.

ang sakit na nang ulo ko, need ko nang pahinga at mas kailangan nang puso ko nang mas mahabang pahinga at paghilom.

habang nasa biyahe ay inaayos ko ang aking sarili, hindi na ako papaapekto pang muli, tuturuan ko na ang puso ko na maging matigas hindi para sa kanya kundi para sa akin, this time.

nag sayang ako nang oras sa ibang bansa na baka sakaling maka move on ako pero hindi ko yun nagawa, baka this time na malapit at nakikita ko sya at harap harapan na nasasaktan nya ako ay matutunan ko na mahalin ang sarili ko.

oo, tanga na kung tanga pagdating kay Craye pero nagmahal lang ako nang higit pa pala sa sarili ko.

pumara na ko nang makarating ako sa tapat nang condo ko, nag bayad din naman ako agad.

pagbaba ko pa lang sa taxi ay nakita ko na doon si Maice na nag aabang pala sakin, bigla na lang ulit akong napaiyak.

my home.

"kamusta lakad mo?" bungad sakin ni Maice pero ako, agad kong niyakap sya

i need her, big time.

"ohh what's wrong? ang okay okay mo pa nung umalis ka, nag text kapa sakin." sabi nya tyaka nya tinap ang likod ko, alam ko at ramdam ko ang concern nya

"nothing, i miss you." sabi ko na lang sa kanya tyaka ko pinunasan ang luha sa mga mata ko

"miss mo ko? gags! magkasama tayo kaninang umaga." sabi ni Maice at tyaka sya bumitaw sa yakap ko "let me guess, nagkita kayo ni Craye kaya lang bakit naiyak ka?" tanong ni Maice sa akin

"ito." turo ko sa puso ko. "ito Miace, ang sakit sakit na nito." sabi ko na lang

"humm hindi pa ba sanay yan?" natatawang komento na lang ni Maice sa akin

"halika na, akyat na tayo sa condo ko. wala namang mangyayari satin dito sa baba ehh. wala akong balak mag kwento dito kaya tara na sa loob." pag aaya ko sa kanya

"if I know, si Craye pa rin naman yan ehh. tsk! ito." sabay turo nya sa puso ko "bakit ba hindi na lang mamatay matay yan no, specific yang puso mo lang tapos buhay kapa. Yeah! impossible pero sana." tatawa tawang sabi ni Maice sa akin bago kami tuluyan na pumasok sa condo kung saan ako nakatira

-----------

ciao! 🤭🤭🤭

hindi ka gaganyan Craye! this is too much. 🤧🤧

charuuuuut 😂😂

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon