Kabanata 14

897 26 20
                                    

Craye

mahigit one week na ang lumipas nung huling nagkita kami ni Justine, lagi naman kaming nag uupdate sa isa't isa. pag may time ay lagi din naman kaming magkachat or minsan call pag malapit na matulog.

sa sobrang busy ko, hindi ko na namamalayan ang mga araw na nag daan kaya this time ay iinvite ko si Justine na lumabas naman kami, weekend naman ngayon at ginawan ko talaga nang paraan ang bagay na to para sa kanya.

kasalukuyan akong nag iintay sa kanya dito ngayon sa isang mall, may need pa daw kasi syang bilhin bago kami umalis.

inaya ko sya na mag beach and relax sa subic, pumayag din naman agad sya dahil one week din kaming hindi nagkita.

habang hinihintay ko sya dito sa parking area, nakita ko naman sya agad na papalapit sa akin, sinalubong ko na sya agad, dala nya kasi yung doppel bag nya kaya nag insist na ako na ako mag buhat.

she's wearing crop top na cream color and short, naka flip flops lang din sya dahil beach nga ang pupuntahan namin, she's so gorgeous indeed.

"hi baby, kanina ka pa?" tanong nya sakin habang nilalagay ko sa likod yung bag nya

"nope, sakto lang. wait, ano pa bang need mo?" tanong ko sa kanya, ewan ko pero kasi medyo nahihiya ako sa kanya ngayon. siguro dahil one week din kaming hindi nagkita.

"hey, what's wrong?" nagulat ako sa tanong nya, halata ba talaga?

"no, nothing. pasok na tayo nang mall para mabili mo pa yung need mo." gusto ko idivert sa iba ang usapan

"no, pumasok ka sa car and aalis na tayo. sa subic ko na lang bibilhin yung needs ko pa." halata ko sa boses nya na medyo inis sya, siguro dahil ayoko na naman mag explain

binuksan ko na yung pinto sa passenger para makapasok na sya, after ay pumasok na din ako.

tahimik lang ako sa loob, kinabit ko na yung seat belt ko pero sya, hindi nya pa din kinakabit.

gosh! ganito talaga kami na aalis today?

"fine!" sabi ko na lang tyaka ko kinabit yung seat belt nya

habang nasa biyahe ay wala kaming imikan, ewan ko kung bakit. gusto ko syang kausapin pero anong sasabihin ko?

"craye, ano wala ka talagang balak mag explain?" pagkasabi nya non ay agad ko syang tiningnan, nakita ko sya na umiiyak

like? bakit sya umiiyak?

"baby." agad ko naman itinigil yung kotse sa sidewalk, nagpanic kasi ako

"craye please, matuto ka naman mag explain kasi kanina ko pa tinatanong ang sarili ko kung bakit ganyan ka, kung ano bang ginawa ko or ikaw may problema ka ba? palagi ka na lang ganyan, hindi kaba talaga magbabago?" inis ma sabi ni Justine sa akin habang umiiyak

"sorry." agad kong tinanggal ang seat belt ko para harapin at malapitan sya, pinunasan ko pa muna ang mga luha nya tyaka ko sya hinalikan sa forehead

"palagi kang sorry, sorry. hindi naman yun ang kailangan ko, ang kailangan ko ay mag explain ka. Kanina paglapit ko pa lang sayo napaka plain mo na." patuloy syang umiiyak sa harap ko, i can't! hindi ko kaya na makita syang umiiyak gawa ko, gawa ko na naman.

"baby, sorry." sabi kong muli

"sorry? lecheng sorry yan!" inis na sabi ni Justine bago nya ko itulak palayo sa kanya

ewan ko, pero hindi ko talaga alam kung bakit hirap na hirap akong mag explain or iexpress yung feelings ko, kaya sa huli napaiyak na din ako sa ginawa nya

"gaano ba kahirap para sayo na sabihin sa akin yung nafifeel mo? craye, ako to baka lang gets mo. hindi mo kailangan matakot mag sabi sa akin, ito na ang naging dahilan natin noon kaya hindi natin naintindihan nang mas madali ang mga bagay bagay kasi lagi kang duwag sa nararamdaman mo." inis na pahayag ni Justine tyaka sya tumingin sa daan at humugot nang hininga para siguro mareleave yung pain na nafefeel nya gawa ko

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon