Kabanata 18

800 20 3
                                    

Justine

nasa kalagitnaan kami nang pagchichill ni Craye nang lumapit sa table namin si Kent.

"hi Justine." bati sa akin ni Kent tyaka sya bumeso sakin "kanina pa kita napapansin." and napatingin naman sya sa katabi ko na si Craye "hi, I'm Kent friend ni Justine." pakilala naman ni Kent kay Craye, nag wave lang si Craye dito kaya nag smile na lang si Kent

"yeah! yung sa hotel kanina." paliwanag ko pero deep inside kinakabahan ako kasi selos na selos si Craye dito kay Kent kanina pa

"I know." cold na sabi ni Craye sa akin

"tara Justine, andyan sina Harold and Alice umuwi din pala sila ehh sakto going to baguio sila sabi ko dumaan muna sila dito sa subic para mameet ulit natin sila." pagyaya naman sakin ni Kent na maslalo kong kinabahala "Craye, excuse us." dagdag pa ni Kent

tumingin ako kay Craye at nakita ko na tumango lang ito, pero yung kaba ko mas bumilis. like, seryoso sya payag sya nang ganon lang?

"Craye." tawag ko sa kanya, kay Kent kasi sya nakatingin

"go, it's okay." sabi ni Craye sakin kaya wala akong nagawa kundi sumama na lang kay Kent

ewan ko but it hurts! kaya nya kong bitawan at ipagkatiwala nang ganon kabilis at sa tao pa na pinagseselosan nya kanina lang.

habang nag lalakad palayo ay nakita ko syang nag shot nang alak na inorder namin.

------------------

"Alice, Harold sabi ko sa inyo andito din si Justine ehh." pagbibigay nang balita ni Kent sa dalawa

"ohh I miss you, Tine." sabi ni Alice sa akin tyaka nya ko yinakap at si Harold naman ay nag beso lang sa akin, these two had a relationship noong nasa NY pa kami, siguro mga 3 years na sila non.

"partner in crime." sabi ni Harold

"yeah! partner in crime." sabi naman ni Kent

and yes, kami kasing 4 yung magkatabi sa table nung nasa conference kami sa NY, akala nga ni Alice noon na couple din kami ni Kent that time pero inexplain ko din na doon ko lang din nakilala si Kent.

ganon pa man ay hindi pa din ako mapanatag, bahagya akong sumilip sa gawi ni Craye at ganon pa din ang nakita ko, nag shot sya ulit nang alak.

and one thing I realized, f*ck! hindi ko manlang napakilala si Craye kay Kent and ang mas ikinakaba ko pa ay hindi ko sya napakilala na girlfriend ko.

and now I knew, nasasaktan ko si Craye nang sobra kaya ganon na lang nya ko hinayaan na sumama kay Kent ngayon, baka isipin nya pa na kinakahiya ko sya but no! never.

"I'm sorry, Kent, Alice and Harold. I have to go baka kasi need na ng girlfriend ko nang kasama, mag-isa lang sya ehh and sorry kung hindi ko napakilala sa inyo kanina." paliwanag ko sa kanila

"ohhh? girlfriend?" bahagyang nagulat si Alice sa narinig

"yeah! girlfriend. she's alone." tyaka ako tumingin kay Craye muli, nakita ko naman na nag smile sya pero alam kong ang ngiting yun ay hindi masaya

"ohh there! she's pretty, indeed." komento ni Alice

"nakakahiya, hindi mo naman sinabi agad na girlfriend mo pala yung kasama mo." singit ni Kent sa usapan

"so, I think you can go now baka magselos pa yan kay Kent." sabi ni Harold na tatawa tawa

"I guess, mukang tama ka so excuse me. by the way, nice to meet you again couple." paalam ko sa dalawa at tinapik ko na lang si Kent sa balikat senyales na aalis na ako.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon