Kabanata 10

819 24 3
                                    

Craye

wala akong nagawa kundi lisanin ang café kung saan iniwan ako ni Justine.

naiinis ako, sobra.

hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatanggi sa mga tao na kailangan ako kahit pa ang kapalit non ay kaligayahan ko na mismo.

pagpasok ko sa kotse ko ay bigla na lang akong naiyak, hindi dahil kay Justine kundi dahil hindi na nabago ang ugali ko

tumawag sakin si Allen at urgent na pinapupunta ako sa office now, as in ngayong oras kahit pa alam naman nya na leave ako.

important ang work ko pero kasi mahal ko si Justine, anong pipiliin ko love or career?

agad kong pinasibad ang sasakyan ko at nag mamadali na pumunta sa office.

kung hindi ko pipiliin ang career ay paano naman ako at ang future namin ni Justine, like doble trabaho na nga ako nito dahil wala naman akong salary kay Gianne and yun yung hindi alam ni Justine

pagdating ko sa office ay agad akong dumarecho sa office ni Allen, hindi ako umimik pero alam ko na alam nya nang andito ako.

naiinis ako at ayokong may masabi sa kanya.

"nice, mabuti naman Craye at nakarating ka." sabi ni Allen habang nakangiti sa akin

"Allen, for once sana naman napagbigyan mo ako kahit ngayong araw lang and leave ko naman, nag sign kana at pumayag ka." reklamo ko sa kanya

"sorry Craye pero kailangan talaga kita, bumalik kanina yung investors natin and need nya bukas na makausap ka at makapag report ka sa kanya, kaya kinailangan kita ngayon para madiscuss mo sakin yung plan mo." paliwanag nya sa akin

"pero Allen, yung taong mahal ko galit na naman sakin. Paano naman ako?" halos mang hina ako habang sinasabi ko yun kay Allen kasi ang sakit sakit na andito na si Justine pero andito na naman ako para saktan sya.

"I know naman kung gaano mo sya kamahal pero kung hindi lang kita kailangan ngayon hindi naman kita para tawagan diba? para sa atin din naman ito, madaming tao na umaasa sa atin." paliwanag nya ulit at sa sinabi nya ay tama naman

"Tera na, umpisahan na natin to. Gusto ko nang magpahinga after." nanghinina na sabi ko sa kanya

"sorry Craye." sabi na lang ni Allen tyaka ito pumasok sa conference room kung saan palagi kaming nag uusap about sa plan nang company

pagpasok ko ay nakita ko doon ang ibang employee, ako na lang pala talaga ang iniintay.

umupo na ako sa pwesto ko at nakinig sa unang nagsalita

almost 2 hours ang naging meeting at naging maayos naman, bukas ay may irereport ako sa investors.

nagmamadali akong lumabas nang company para umuwi, pakiramdam ko ay nadrain ako sa lahat nang nangyayari buong araw

------------------

pagdating ko sa condo ay nahiga na lang ako sa sofa, hindi ko na nagawang makapag palit nang damit

habang nakatitig ako sa kisame ay pumatak na lang bigla ang mga luha na kaytagal kong pinigilan

ang sakit, sobra

hanggang ngayon ay wala akong magawa sa sitwasyon ko, kung dati ang hadlang sa amin ay ang estado ko with Kylie pero ngayon yung mismong trabaho ko na

habang umiiyak ay narinig ko ang pag click nang door sa condo ko, senyales na may pumasok at alam ko na agad kung sino. it's Mon.

"Hehehey Craye! kamusta naman ang lakad mo kanina with Justine?" tanong sakin ni Mon na halata mo sa tinig nya ang saya pero agad din itong nagbago nang makita nya ang sitwasyon ko

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon