Kabanata 11

1K 27 11
                                    

Justine

*rinnnnnggggg rinnnnnggggg*

napabalikwas ako sa narinig, tiningnan ko agad ang phone ko. 9:12 na nang gabi, napahaba ata ang tulog ko.

sinagot ko din naman agad ang natawag, and it's Maice.

"hi sa aking balik-bayan na kaibigan, wazzup! tara nagyayaya si Mayor na mag chill." sabi ni Maice sa kabilang linya

"what? anong oras na tyaka gusto ko magpahinga." reklamo ko

"baliw, sa pagod mo at pag iyak iyak mo kanina nakatulugan mo na ko at feeling ko nagising ka lang dahil sa tawag ko." sabi ni Maice at feeling ko ay masaya sya

"ang haba nga nang tulog ko." sagot ko sa kanya tyaka ko kinusot kusot ang mata ko

"alam ko din na hindi kapa nag didinner kaya tara na, wag kang mag mukmok jan hindi ka maganda." pang aasar pa ni Maice sakin

"bwiset ka! bakit ba kasi parang nasa mood ka at ang saya mo?" tanong ko

"later ang kwento, mag ayos kana muna. text ko sayo ang venue okay?"

"okay, bye." sabi ko na lang tyaka nya binaba ang tawag

----------------

nag suot lang ang nang comportable sa akin, I'm wearing cream crop top and black jeans tyaka sneakers, bakit pa ehh gabi na naman na.

nagmamadali ako na sumakay sa kotse ko dahil gutom na din ako, nag text na din si Maice kung saan ang bar na venue.

hindi din nagtagal ay nakita ko din agad ang location, hindi gaano madaming tao dahil din siguro ay weekdays.

nag park na ako at nagmamadaling lumabas para makapasok na din agad sa bar, pag pasok ko pa lang ay rinig ko na ang ingay. sa labas kasi ay hindi gaano maingay at may mangilan ngilan ding tambay.

agad kong napansin si Sandy, and nung nakita ko sya grabe, sobrang namiss ko sya.

nagmadali akong lumapit at yinakap sya, ganon din ang ginawa ko kina Sally, Mon, Angel, yinakap ko na din si Gianne at nag smile naman ako kay Maice tyaka ako tumabi sa kanya.

grabe, sobrang namiss ko ang mga barkada kong to pero yung puso ko, ewan ko ba kasi alam ko na hindi kumpleto ayoko lang iparamdam iyon, nag eexpect din kasi ako na baka makita ko si Craye dito kahit na may nangyari na hindi maganda samin kanina.

sabi ko nga diba? aaminin ko sobrang mahal ko sya kahit ang sakit sakit na.

"Guy's, seryoso ang OA ba talaga nang suot ko? like, hindi bagay dito sa venue? tsss gusto ko lang naman kasi magpa-impress kay Justine." sabi ni Craye, hindi ko alam kung napansin nya na ba ako or hindi pa

nagtawanan ang lahat sa sinabi nya, hindi nya kasi siguro ako napapansin pa and she's too cute kasi halata mo sa kanya na hindi sya mapakali.

medyo madilim kasi dito sa bar at talagang di mo mapapansin.

"yung ngiti mo, abot hanggang tenga." bulong ni Maice sa akin kaya ako napatingin sa kanya

inirapan ko lang sya

"napaka rupok talaga, oo." sabi na lang ni Maice

"ohh Crayola, hindi mo ba napapansin si Justine?" banat agad ni Sandy

nakita ko na nanlaki ang mata nya nung nakita nya ako at napatalikod, siguro dahil nahiya sa mga sinabi nya

nakita ko naman na binulungan sya ni Mon kaya dahan dahan na lang syang umupo sa tabi ni Mon

at hindi ko na din itatanggi pa, sobrang cute nya kanina and yung porma nya, oo sobrang OA para sa ganitong lugar pero nung nalaman ko ang dahilan kung bakit ganon yung suot nya.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon