Kabanata 2

1.2K 26 7
                                    

Craye

Kahit may hang-over ay maaga akong gumising para pumunta sa office ni Gianne, gusto kong iclear sa kanya kung totoo ang lahat nang sinabi nya kagabi or panaginip ko lang ba ang lahat nang iyon.

naligo muna ako, after ko maligo ay nagsuot na ko ang simpleng denim pants at plain white shirt tyaka ako nag suot nang coat, nag og samba shoes na lang ako.

naglagay na din ako nang light make-up at naglagay nang perfume tyaka ako umalis sa condo unit ko.

yes! nakabukod na ako ngayon and gusto ko kasi na malapit ako sa working place ko so i decided na mag condo na lang, konti na lang ay mababayaran ko na naman na ito.

agad akong bumaba papunta sa parking tyaka ko pinasibad ang sasakyan.

pagdating ko sa munisipyo ay kaliwa't kanan ang mga tao, sobrang busy today dahil siguro monday ngayon.

pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si Gianne sa labas nang office nya, nasa tapat sya nang dswd office to be exact kaya naman kumaway na agad ako para mapansin nya ngunit inirapan lang ako nito, tsss kung nakita yun nang kausap nya iisipin nila na matapobre tong kaibigan ko. hanggang sa paglilingkod ba naman ehh dala nya ang attitude nya sa amin. hahaha.

tsk! napaka suplada.

gayon pa man ay nilapitan ko din naman ito agad nang nakangiti.

"salamat po sa tulong Mayor, napakalaking tulong nito sa aking pamilya." yun ang narinig kong sabi nang kausap ni Gianne at may hawak itong puting sobre.

"ohh Hi Craye, andito kana pala. Andito nga pala si Nanay Hilda nahingi nang tulong kasi may dengue ang apo nito at kailangan magbayad sa ospital." pakilala ni Gianne sa akin kay Nanay Hilda pero gets ko na, inuutakan na naman ako nito ni Gianne.

Ilang Nanay na ba ang nakilala ko dito para bigyan ko nang tulong, dahil jan sa magaling kong kaibigan. Madalas kasi pag may pabor ako sa kanya ay ganyan ang ginagawa nya.

"Hi Nay Hilda, wag po kayong mag alala at tutulungan ko po kayo." sabi ko na lang at kinuha ko ang wallet ko na sa wari ko ay 7k na lang ang laman. Hindi kasi ako macash na tao kaya yun lang ang available kaya agad ko ding ibinigay yun sa kanya

"Nako ineng, maraming maraming salamat po. Mayor, napakabait naman nitong kaibigan nyo." sabi ni Nay Hilda sa amin

"wala pong ano man, hummm hiramin ko lang po muna itong kaibigan ko po ha." sabi ko na lang kay Nay Hilda

"nako, pasensya na po ha mukang may usapan po pala kayo ni Mayor. sige po, Mayor and Ms. Craye salamat po ulit sa tulong." sabi ni Nay Hilda tyaka ito umalis at tyaka namin iyon nginitian ni Gianne

"loko ka! napagastos ako nang wala sa oras sayo pero okay yun, ang sarap palagi sa heart na makatulong sa tao." sabi ko kay Gianne habang naglalakad kami papunta sa office nya

pagpasok namin ay nakita ko na naman ang totoong Gianne, yung Gianne na tropa ko.

agad itong sumalampak sa kanyang upuan at naghilot nang kanyang sintido.

"sige, lingkod pa more!" pang aasar ko sa kanya tyaka ako umupo sa sofa sa office nya

"alam mo Crayola, inisin mo pa ko hindi ko talaga pauuwiin yang baby mo." banta naman sakin ni Gianne

"no way! hindi mo yan gagawin Gianne." sabi ko tyaka ako tumayo at lumipat nang pwesto sa upuan sa harapan nang desk nya.

binasa ko pa nang malakas yung nakalagay sa table nya

"Honorable Gianne Apuli, Municipal Mayor." sabay ngiti ko sa kanya

"ano bang kailangan mo?" tanong sakin ni Gianne tyaka nya kinuha yung nasal inhaler nya tyaka nya inamoy, actually addict na sya don.

"hindi ikaw pero kailangan ko nang tulong mo para makuha ko yung eksaktong tao na kailangan ko talaga." sabi ko sa kanya

"yang bibig mo wala talagang filter no?" sabi ni Gianne at inikutan nya naman ako nang mata this time

"Gianne, iconvince mo na yung baby ko. Okay na naman yung budget diba? balita ko nakipag tie-up ka naman kay Tito George para matuloy yung plan mo." sabi ko sa kanya

"akala mo ba malaki ang pera na ibabayad kay Justine pag government ang nagpagawa? malaki ang proyekto pero feeling mo ba ipagpapalit yun ni Justine sa work nya ngayon?" tanong sakin ni Gianne at agad din naman akong napaisip.

true naman, nasweldo kana nang dollor ipagpapalit mo pa ba yun sa peso?

"see, sinabi ko lang yung kagabi para magtigil kana dahil alam ko naman na si Justine lang ang makakapag patahimik sayo lalo na pag lasing ka."

bawat salita ni Gianne ay parang isang matalim na bagay na isinasaksak sa akin, masakit.

"si Tito George, hindi ba sya magpapagawa nang evacuation center? Gianne please." wala na kong choice kung paano ko mapababalik si Justine dito sa pinas. Ito na lang ang nakikita kong way, sabi ko nga kahit wala na akong bayad.

"haysss! masasabunutan talaga kita Crayola." sabi na lang ni Gianne tyaka ito tumayo at may tinawagan sa phone nya

"Gianne, nag mamakaawa ako sayo." sabi ko na lang bago sya nakalayo sa akin at kinausap yung nasa kabilang linya

ilang minuto din silang nag usap bago bumalik si Gianne sa upuan nya

"okay fine, Ms. Vergara." hands up na sabi ni Gianne sa akin.

"good news?" pagtatanong ko

"good but not totally good." sabi ni Gianne bago tumawa

good na hindi good tapos nakatawa sya? baliw ba tong si Mayor?

"spill." sabi ko na lang at handa na kong makinig sa sasabihin nya

"dalawang taon pa talaga bago ko ipapagawa ang bahay na gusto ko, pero dahil sa lecheng pagmamakaawa mo naawa naman ako kaya sabi ko sa atty. ko kung paano ako makakapag labas nang milyong milyong halaga kung naka time deposit ako, Oo na Arch. Craye Farrah Vergara dahil kaibigan kita ipapagawa ko na ang bahay ko, isasabay ko or magkasunod kong ipagagawa sa inyo ni Justine iyon, siguro naman ay uuwi si Justine para kunin kong engineer nang bahay ko. So ano happy?" sabi sakin ni Gianne nang nakangisi

"i love you." tanging nasabi ko, tumayo ako agad tyaka sya niyakap

"bwiset ka ehh, mahal ko din kasi kayo ni Justine bilang kaibigan at alam ko din naman kung gaano nyo kamahal ang isa't isa pero tatandaan mo ha, iisa lang si Justine at pag hinayaan mo sya ulit wala kanang mahahanap pa na kagaya nya." paalala sakin ni Gianne tyaka nya tinap ang balikat ko sanhi para yakapin ko sya nang mahigpit.

"sana talaga umuwi na sya, gusto ko nang iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal, kung gaano ako nangungulila sa kanya, sa kung paano ba ang susunod na araw pag kami na yung magkasama. ang bawat panahon na nasayang ay hindi ko na ipaparamdam sa kanya, Gianne sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sayo at least ngayon pwede ko nang sabihin na magkakasaysay na ang buhay ko." hindi ko maiwasang hindi sabihin kay Gianne ang laman nang puso ko, siguro dahil sa pag-asa na sa muli makikita ko na si Justine, na sa muli ay mahahawakan ko na sya

"i told you, time will tell kaya ikaw ha mahalin mo sya gaya nang pagmamahal nya sayo." sabi ni Gianne tyaka nya pinunasan ang mga luha sa mata ko

hindi ko na namalayan na tumulo na ang mga luha sa mata ko dahil sa pag-asa na narinig ko mula kay Gianne.

worth the wait.

--------------

parang sipag ko mag ud sa oialt kesa sa glimpse. hahaha 😂😂

feel free to comment. hahaha

okay lang ba na ituloy ko talaga to? 😅😅

ciao!

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon