Kabanata 34

348 39 11
                                    

Craye

sa huli, pinag hugas pa rin ako ni Justine nang mga plates ang malala pa kahit yung mga pinaglutuan, ako pa rin ang nag hugas.

nagpupunas na ako nang kamay ko nang makita ko si Tita Jhonna sa kusina.

"okay ka lang ba Craye?" tanong sakin ni Tita Jhonna, kita ko din sa mga mata nya parang mahihiya sya dahil sa pinagawa sakin ni Justine.

"okay lang po ako Tita, maliit na bagay lang naman po yun." sagot ko bago ako humarap nang maayos kay Tita.

"si Justine kasi ehh, hayaan ka daw namin na gawin yun nakakahiya dahil kumuha naman talaga kami nang taga hugas." explain ni Tita sakin

"wag po kayong mag alala, sobrang okay lang po talaga ako." sabad ko, ayokong kaisipin pa ako nang family nya.

honestly, kanina halos sugat sugat na yung kamay ko kakahugas nang mga pinagkainan at pinag lutuan. Hindi naman ako pwedeng mag reklamo kasi inasikaso ako ni Justine kanina, sapat na sapat na yun para sakin. At least diba? alam ko na may pake pa sya sakin.

"Justine, anak. Pahiramin mo itong si Craye nang pantulog. Masyado nang gabi para umalis pa sya at umuwi pa Manila. Tyaka basang basa ang damit nito." sigaw ni Tita Jhonna, si Justine kasi hindi ko alam kung nasaan

"teka Ma, dito yan matutulog?" takang tanong ni Justine

"oo, pagod na pagod yan dahil sa pinagawa mo sa kanya. Aba Justine wag mong sabihing pauuwiin mo pa yan kahit gabi na." reklamo ni Tita

napangiti naman ako, pabor sakin talaga ang tadhana ngayon.

"sige na, iwan na kita kay Justine at pupuntahan ko lang Tito Boyet mo." paalam naman nito sa akin tyaka umalis

"pati kay Mama, nag papa-baby." inis na sabi ni Justine sakin

"gusto mo ba sayo lang?" banat ko naman

"ewwww! Magtigil ka nga Craye." pinang ikutan nya lang ako nang mata

ang cute nya paring asarin, my gosh!

"ang feeling naman, as if! gustong gusto mo nga na kinikiss kita." pang aasar ko pa

"bahala ka!" inis na sabi ni Justine tyaka ito umalis sa harap ko "kukuha lang ako nang pantulog mo." dagdag nya pa

she's so really cute!

kaya inlove na inlove ako sa kanya ehh, galit galitan lang yan pero ramdam kong super love ako.

naupo na muna ako sa sofa habang iniintay si Justine.

*ting*

narinig kong tumunog ang phone ko na nakapatong sa table, nakita kong may text si Mon. Dinampot ko naman agad, nag text lang sya kung kamusta na daw ako dito kina Justine. Nagaalala sya kasi gabi na hindi pa ko umuuwi.

nireplyan ko naman sya na okay lang ako at wag mag alala kasi safe naman ako at sinabi ko din na dito na ko matutulog, sa umaga na lang ako uuwi.

ibababa ko na sana yung phone ko nang makita ko si Justine na nakatingin sa mga kamay ko.

kita ko na nag soft yung mga tingin nya kaya napatingin ako sa kamay ko.

"ahhh ito? nako wala to. okay lang malayo sa bituka." sabi ko bigla, ayokong nag aalala sya at sisihin nya pa sarili nya dahil sa pinagawa nya sakin, kita nya siguro na sugat sugat ang mga kamay ko.

"bakit hindi mo sinabi?" tanong nya sakin tyaka nya binaba sa table yung damit na dala nya

"ano kaba, wala to. Okay lang ako no tyaka sisiw lang yung mga pinagawa mo sakin and hindi naman masakit ehh." pag coconvince ko na maniwala sya sakin, deserve ko naman siguro to and makabawi manlang sa mga nagawa ko sa kanya, gagawin ko lahat para bumalik ang tiwala nya sakin.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon