Craye
nakauwi na ko sa condo ko nang hindi manlang nakakausap si Justine kahit sa phone lang, naligo muna ako bago ko sya kakausapin.
kumain na din muna ako nang dinner, kailangan kong ikalma ang sarili ko dahil kanina pa ko inis na inis sa kanya, nagagawa nya talaga akong tiisin talaga?
I dialled her number pero wala, sinubukan ko pa ng paulit ulit and then after ilang call ay sinagot nya na.
"baby." tawag ko agad, i miss her so much
"bakit ka nga pala natawag?" malamig na pakitungo nya sa akin, ramdam na ramdam ko at ang sakit
"hey! we're not okay so please, baby." kung sino man ang mali sa aming dalawa ay ako na ang unang susuyo sa kanya, hindi ko din naman kasi sya matiis.
"are you serious Craye? after mo ko iwan sa condo mo kaninang umaga?"
"I'm sorry for that, na hurt lang talaga ako dun sa ginawa mo." paglalambing ko
"at sa ginawa mo hindi ba ako nasaktan? Craye, pwede mo kong kausapin nang maayos nung umagang yon, kayang kaya kong mag adjust para sayo pero ayan kana naman sa pang bback out mo, hanggang kailan ka ganyan? since college ganyan kana, so please grow up!" mahabang litanya ni Justine sa akin, at yon ang pinaka masakit na sinabi nya
"ang sakin lang naman, bakit hindi mo ko sinabihan na nag sisimula kana pala?" pinatatag ko ang sarili ko
"sobrang busy mo with veron, halos hindi na nga tayo makapag sama diba dahil jan? nakarinig kaba sa akin? tapos kanina iniwan mo ko kasi ayaw mong ano? makipagtalo sa akin? hindi naman tayo magtatalo, mag uusap lang tayo. Pero ayan, ganyan ka. Sasabihin mo pa na late kana, tapos ano? makikita ka lang ni Sandy na nakasakay sa kotse with veron? nakita kayo ni Sandy sa stop light, diba sabi mo late kana? ehh mukang lumabas nga kayo ehh." ewan ko, pero nung narinig ko yan kay Justine, alam kong nasasaktan ko sya
"yung totoo, inaya ko syang mag breakfast and yun din yung time na sinabi nya sakin na approved na yung project namin kaya free time namin yon, we celebrate pero kahit ganon hindi pa rin naman masaya kasi galit ka sakin." pag sasabi ko ng totoo sa kanya
"ohhh? nag ccelebrate na pala pag na approved yung project, naks! hindi ako aware na ganon pala dapat." sarcastic na sagot sakin ni Justine, alam ko na hindi bukas ang isip nya sa lahat ng sasabihin ko
"baby, ibaba ko na tong tawag pupuntahan na lang kita sa condo mo para mas maayos ang usapan natin." i surrendered
"no, just rest. I have something to do. Good night." yun lang at binaba na ni Justine ang tawag
ang sakit, sobra
pero hindi ako papayag, walang ligoy na lumabas ako sa condo ko para puntahan si Justine.
after ilang minutes na pag ddrive ay nagtungo na ako sa unit nya, and to my surprise wala sya dito
agad ko ulit sya tinawagan pero hindi sya nasagot
I have no choice kundi tawagan si Maice
after ilang ring ay sumagot din ito
"hi maice, anjan ba si Justine? magkasama ba kayo?" tanong ko agad
"wait, what's happening to her? wala sya dito at hindi ko sya kasama." ramdam ko agad yung concern ni Maice
"no, nothing. kausap ko sya kanina and akala ko lang nasa condo nya sya pero wala doon." sabi ko
"then, asaan nga?" ramdam ko na nag ppanic na si Maice
"i'll call her again, wait." sabi ko naman
"no, I call her baka naman kasi inaway mo sya but kanina pa yung umaga, wait 9:12pm na don't tell me na hindi mo manlang naayos yon sa buong maghapon?" inis na tanong ni maice sakin
BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanfictionNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.