Kabanata 1

2.1K 28 17
                                    

Craye

*plak*

isang malakas na sampal ang dumampi sa aking pisngi, halos hindi ko maramdaman ang sakit dahil na din siguro sa likido nang alak na dumadaloy sa katawan ko.

hindi ko ininda ang sakit nang sampal sa akin, kahit ang paghampas nang katawan ko sa pader ay hindi ko na rin maramdaman.

manhid, oo yon siguro ang tamang term sa nararamdaman ko ngayon.

"p*tang*na naman Craye." napatingin ako sa sumigaw, it's Mon my bestfriend.

nakapamewang ito sa harapan ko at ramdam ko ang galit nito, pero mas nakikita ko sa mga mata nya ang awa.

"Craye, ilang taon nang walang paramdam si Justine, tama na at tumigil kana. Huwag mong sayangin ang buhay mo." galit na sabi sakin ni Mon habang inaalalayan ako nito para makatayo nang direcho

napaiyak na lamang ako pero sobrang sakit.

"Mon, wala kang alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, oo alam mo ang buong kwento pero ang buong sakit na pinagdaan ko ay wala kang idea." sagot ko sa kanya

"gago ka ba? bahala ka." binitawan ako ni Mon at muli akong bumagsak sa sahig kung saan ako napaupo kanina dahil sa sampal nya

nakita ko naman na papalapit si Gianne sa akin para siguro tulungan akong tumayo dahil nakita ko pa si Mon na bumulong kay Gianne tyaka sya umalis dito malapit sa cr kung saan kami nagkaroon nang pagtatalo ni Mon.

"Gianne!" agad kong tawag sa kanya tyaka ako paluhod na lumapit sa kanya, last card ko na to.

pinunasan ko muna ang mga luha sa mga mata ko bago ako nagsalita.

"Gianne, parang awa mo na pauwiin mo dito si Justine. Bawat araw na wala sya ay parang ikamamatay ko." pagmamakaawa ko kay Gianne habang hawak ko ang kanang binti nya.

yumuko si Gianne para sana itayo ako pero nanatili ako sa pwesto, ayoko! ang gusto ko lang ay ang tulong nya.

"please, Gianne! parang awa mo na, ikaw na lang ang huling alam kong makakatulong sa akin." doon ay tuluyan nang naglandas ang mga luha sa mata ko

wala na kong pride, oo sikat akong arkitekto dito at sa ibang lugar pa dito sa pilipinas pero aanhin ko ang career na yun kung alam ko sa sarili ko na may kulang sa pagkatao ko.

si Justine, si Justine ang kulang dito.

"Gaga! After mo saktan nang paulit ulit ngayon para kang tanga jan na nag mamakaawa para bumalik sya." sabi sakin ni Gianne tyaka nya ko itinayo sa aking pagkakaluhod.

"Please, Mayor!" ayaw na ayaw nyang tinatawag namin syang Mayor pero anong magagawa ko kung Mayor naman talaga sya sa Bayan namin.

"shut up, Crayola!" sabi nya sakin tyaka nya ko iniwan dito malapit sa cr

"pupunta ko sa office mo bukas, kukulitin kita." sabi ko na lang tyaka ko pinunasan ang mga luha sa mata ko, like dramang drama na ko kanina tapos isha-shut up lang ako ni Gianne

"bahala ka." sabi nya tyaka sya pumasok sa cr

inayos ko muna ang mga lukot lukot kong damit tyaka ako pumasok muli nang cr, tiningnan ko lang ang mga nasa paligid pero agad din naman silang nag bawi nang tingin nang tingnan ko sila nang pabalik.

Nag-ayos na muna ako nang aking sarili bago ako lumabas, napansin ko pa na parang may naguusap sa iisang cubicle pero dinedma ko na, lumabas na ulit ako.

ang nangyari sa akin kanina ay dala lamang nang kalasingan ko pero hindi ko nakalimutan ang mga ginawa at sinabi sakin ni Mon kanina lang.

naiinis pa din ako.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon