Craye
andito ako ngayon sa mall para maghanap nang gift kay Justine dahil kahit ganito yung nangyari ay hindi ko pa rin dapat kalimutan yung monthsary namin, tomorrow is our 5th monthsary.
habang nagtitingin tingin sa mga necklace ay may tumapik sa balikat ko kaya agad akong napalingon.
"hi craye, kamusta? nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Justine." tanong sakin ni Sally tyaka din sya tumingin sa mga alahas na nandon.
"eto, hanggang ngayon nanunuyo pa rin ako." napakamot ako sa nape ko, alam ko kasi na close din ni Justine si Sally
"umaasa pa din ako na sana magkaayos kayo, by the way malapit na nga pala ang birthday ko pumunta ka ha." pagimbita ni Sally sa akin
"sure, kailan ba yun?" tanong ko, nagbabaka sakali kasi ako na baka magkita kami dun ni Justine at makapag usap na din
"the day after tomorrow, basta wag kang mawawala ha, mag eexpect ako sayo." she smiled at me tyaka sya tumingin ulit sa glass
"miss, eto na po yung binili nyo." inabot sakin yung paper bag tyaka ako maayos na nag paalam kay Sally
but before I leave she said
"sobrang mahal ka non." then she wink at me
kaya naman napangiti na lang ako bago ako lumabas nang store
nakakuha ako nang chance na baka nga pwede pa, sana pwede pa.
------------
kinabukasan
we're 5th monthsary
maayos akong pumunta sa bahay nila ngunit bigo pa rin akong makausap sya
"tito, favor naman po makikiabot na lang po nito sa kanya, a simple gift para po sa kanya." sabi ko kay Tito at kinuha naman nya ito sa akin
kahit papaano ay maayos pa rin naman akong tinatanggap at kinakausap nang magulang ni Justine at doon ay laking pasasalamat ko na
"salamat dito, hayaan mo at ako mismo ang mag bibigay nito sa kanya." tyaka nito isinara ang gate "magiingat ka sa pagmamaneho." dagdag pa ni Tito bago sya tuluyang pumasok sa loob
somehow, okay na din na ganito kesa naman palagi na lang kaming magkakasakitan ni Justine, hahayaan ko na lang muna sya pero hindi ako titigil. Alam kong hindi ako nanligaw sa kanya pero this time liligawan ko sya hanggang sa bumalik sya sakin
ang lahat ay gagawin ko to win her back.
----------
Sally's Birthday Celebration
Nabalitaan ko kay Mon na pupunta daw si Justine sa birthday ni Sally kaya naman agad akong nag shower para makapag handa nadin, 7pm ang start at 5pm pa lang naman.
after ko mag shower ay ginawa ko na ang daily routine ko, agad ko namang kinuha yung isusuot ko para mamaya.
Nakahanda na akong harapin si Justine, I mean, hindi ako magkakalat hindi ko hahayaan na masira ko ang birthday celebration ni Sally, kakausapin ko nang maayos si Justine, hahabaan ko ang pasensya ko, aayusin ko to. Aayusin ko na ang buhay ko.
after ko magbibis ay tumigin ako sa salamin at inayos nang konti ang suot na prinepare ko
BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanfictionNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.