Craye
"Sorry, I'm Late. Start na ba ang meeting natin?" ewan ko pero yan agad ang nasabi ko
gusto kong bawiin pero hindi ko na nagawa, feeling ko sobrang confident ko baka mag muka akong mayabang sa baby ko.
"Sakto, andito na pala ang pinaka magaling na civil engineer at architect na kakilala ko, umupo kana sa harapan ni Justine, Craye but hindi ko sinabing sa lap nya ikaw umupo ha doon sa vacant chair, malinaw ba?" Gianne naman, wala sa usapan natin yan. tsss gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon pero kailangan ko nang confidence dahil andito na ang pinakahihintay ko
"Hi Justine, nice to see you again." sabi ko na lang kay Justine at nilaparan ko pa ang ngiti ko, gusto ko magpa-cute ehh
kitang kita naman nang dalawang mata ko kung paano ako tingnan ni Justine from head to toe, gosh! nakaka intimidate. 😮💨
kaya naman tinutok ko na lang ang mata ko kay Gianne.
"Umpisahan na natin to Gianne, nakakasira nang mood itong nasa harapan ko." Biglang sabi na lang ni Justine kay Gianne, like! wth! kaya agad akong napatingin kay Justine.
hello, andito ako sa harapan nya pero ganon pa man, lalakasan ko na ang loob ko.
para saan pa ang mga plano at pangarap ko para sa aming dalawa, para saan pa ang pag iintay ko kung hindi ako gagawa nang move.
"Justine, pwede ka bang imbitahin mag coffee?" Tanong ko agad kay Justine, nakita ko naman ang pagngiti ni Gianne. Hahaha. Alam kong botong boto si Gianne sa akin
"Craye, seryoso tanghaling tapat?" agad na sagot ni Justine
tsk! bobo mo talaga Craye, oo nga tanghaling tapat coffee pero kasi baka cold gusto nya.
pero kahit cold pa sya, hindi ako magpapatalo sa kanya this time.
"Parang ako, hanggang ngayon tapat parin sayo." Banat ko sa kanya, she never resist meee. si Craye ata to pero laking gulat ko nang humagalpak nang tawa itong si Gianne pero napatingin din ako kay Justine at ganon na lang ang pagka dismaya sa mukha nya.
like, hindi nya na ba ko mahal? hindi na ba talaga ako ang laman nang puso nya? ganon na ba nya ko ka-hate?
Ang mas ikinakaba ko ay yung wala syang sinabi, kundi nag make face lang.
"Okay, maglandian na muna kayo jan kahit bukas na natin ituloy tong meeting natin." Sabi bigla ni Gianne at bigla itong tumayo
"Craye, you owe me kaya bayad na ko ha. Gawin mo nang maayos ang mansyon ko at hospital na ipapagawa ko and Justine para lang sabihin ko sayo free yang si Craye and ready to mingle." Dagdag pa ni Gianne bago umalis
teka lang, naglalandian ba kami? ganon na ba tingin nya samin? pero okay na din yun kasi masosolo ko na ang baby ko, sana pumayag sya na mag coffee kami.
"Sure, thankeeee Mayora." Sabi ko na lang kay Gianne bago ito tuluyang umalis
Lord, sana talaga pumayag si Justine na magkape kami, please and utang na loob bigyan mo po ako ngayon nang lakas nang loob na sabihin ko sa kanya ang mga gusto ko pang sabihin. kinakabahan man ehh hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon.
"Justine, pumayag kana kahit mag coffee lang tayo. Please Baby, sobrang tagal kitang inintay. Walang araw na hindi ka sumasagi sa isip ko, wala akong panahon para sa iba pero dahil andito kana lahat nang panahon ko para sayo na. Wala akong tiningnan, hindi ako naghanap kasi worth it kang intayin. Deserve mong mahalin nang sobra. Gusto kong bumawi sayo, Ikaw Ang gagawin kong priority ko, Ikaw ang pagsisilbihan ko sa araw-araw~"
![](https://img.wattpad.com/cover/349352448-288-k420191.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanfictionNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.