Kabanata 15

938 26 4
                                    

Justine

pagdating namin sa hotel ay dumarecho na si Craye para kunin yung card nang room kung saan kami mag stay. Tinulungan din kami nang mga staff dun dahil sa dala naming gamit.

pagpasok namin sa room, nakita ko agad si Craye na naupo sa sofa at sumandal. halata mo na pagod sya.

"tired, baby?" tanong ko kahit halata naman na sa kanya

"late na kasi ako umuwi kagabi then tinapos ko din sa condo yung work para nga at least dito hindi ko na isipin yun, maaga din akong nagising kanina kasi nag ayos pa ko nang dadalhin na gamit." sagot nya sakin tyaka nya hinawakan ang balikat nya, siguro dahil sa na ngalay ito.

i felt guilty, sana ako na lang pala ang nag drive papunta dito.

nagtungo ako sa likod ng couch para imassage sya to ease the pain

"better, baby?" tanong ko habang minamasahe ko ang balikat nya

tumingala sya para makita ako at ngumiti sa akin, nag nod lang sya at pumikit.

"anong gusto mong kainin? medyo hassle na kasi kung ipagluluto kita kaya order na lang muna ako sa hotel then sa dinner tyaka na lang kita lulutuan." offer ko sa kanya, pambawi manlang

"baby, ako nag sama sayo dito at ako nag plan so relax ako na ang bahala." sagot nya sa akin, tyaka nya hinawakan ang mukha ko

ang pwesto namin ay nakatingala sya then nakayuko ako sa kanya, rubbing my cheeks

mas bumaba ako nang pwesto, binend ko yung elbow ko sa sandalan nang couch para mas makapag usap kami nang malapitan

"pero pagod ka, make some rest okay? hayaan mong baby-hin kita today." sabi ko tyaka ako nag wink sa kanya 😉

"hummm, masubukan nga kung paano ako baby-hin nang isang Justine Robles." pang tetease nya naman sakin

"well, let's see." sabi ko tyaka ko sya kiniss sa lips pero smack lang, as in sobrang bilis then umalis na ko para makatawag at makaorder na kami nang food.

"grabe, ang bilis naman." reklamo nya pero nagpatuloy lang sya na nagrerest sa sofa kung paano ko sya iniwan doon.

tumawa na lang ako kasi halata mo na bitin sya sa ginawa ko

nakita ko naman na may menu sa tabi nang telephone kaya tiningnan ko ito.

"baby, which do you prefer? grilled or fried chicken? wait, want mo din ba nang vegetables salad?" tumingin ako sa kanya kasi hindi sya nasagot

"sabi mo bbaby-hin mo ko? so ikaw na bahala na magpakain sakin." bawi nya sa akin ngayon, kaya natawa ako

dahil ako nga ang bbaby sa kanya, ako mag dedecide nang lahat

nag order na lang ako nang, fried chicken, grilled pork ribs, rice and nilagyan ko na lang nang side dish na vegetable salad, sweet corn, mushrooms soup and nag add nang choco moose and pineapple juice.

after ko umorder ay inayos ko na yung mga gamit namin ni Craye, pinasok ko muna sa room namin, actually may living room kasi tong hotel na binook ni Craye.

pagkatapos ko ayusin ay sakto naman na may nag door bell kaya feeling ko ito na yung inorder ko, nakita ko naman si Craye na sya na yung nagbukas nang pinto at pinapasok nya yung staff nang hotel at nilagay sa table yung mga food.

"baby, too much. mauubos ba natin to?" tanong nya sakin tyaka sya lumapit at hinug ako

nanghihingi na naman nang lambing kaya yumakap na din ako sa kanya tyaka kami lumapit sa table

sabay na kami umupo nang magkatabi, itinapat ko na sa kanya yung para sa kanya at inabot ko na din yung side dish na para sa kanya naman talaga, then yung iba nilagay ko na lang sa gitna.

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon