Craye
after nang dinner namin ay hindi na muna ako nagparamdam pa, nabalitaan ko na lumabas ulit sila pero hindi na ko sumama pa.
pinilit pa ako ni Mon pero ayoko na muna, gusto ko na munang magpalamig. ayoko din naman na magkasagutan ulit kami ni Maice.
busy ako ngayon sa work ko at gusto ko din agad matapos itong isang project namin sa isang contract ng subdivision. approved naman ang design ko sa phase 3, iba-iba kasi sa bawat phase at ako ang natapat sa phase 3.
siguro ay almost or mahigit 1 month ata akong hindi muna nagparamdam sa kanila, papalabas ako nang company kung saan ako nag ttrabaho para sana mag lunch out mag-isa nang biglang tumawag sakin si Gianne.
agad ko naman itong sinagot dahil nais ko din naman na malaman kung ano nang plano sa project nya at kung kaya nyang pabalikin si Justine dito
"hi Craye, can we talk? need kita para makausap sa ipagagawa kong hospital at bahay." sabi ni Gianne sa kabilang linya
"sure, saan ba?" excited kong tanong sa kanya, eto na ehh baka chance ko na.
"sa Las Casas dito sa QC." sabi ni Gianne
"okay, otw." sabi ko na lang at nagmadali na kong kunin ang sasakyan ko sa parking lot
"okay bye, ingat ka." sabi ni Gianne tyaka nya binaba ang tawag
after 28 mins ay nakarating din naman ako kaagad, pag pasok ko pa lang ay nakita ko na si Gianne na may kausap, si Admin Sanchez yung Admin din dati nang Dad nya.
nag "hi" ako kay Admin at nag beso naman ako kay Gianne.
"so, I have to go anjan na pala ang kaibigan mong arkitekto." sabi ni Admin at ngumiti pa sa akin kaya nag smile na din ako tyaka sya umalis
nag wave naman si Gianne kay Admin.
"any update Mayor?" tanong ko kay Gianne tyaka ako umupo sa tapat nya kung saan nakaupo si Admin kanina.
"it's good news Craye." sabi ni Gianne at tumayo pa sya para yakapin ako
agad naman akong yumakap at ramdam ko ang pagbilis nang puso ko, pero this time ay sa sobrang saya
"pumayag na yung baby ko?" tanong ko naman agad
"aha! and for good na sya dito." sabi ni Gianne sa akin
f*ckshit! finally.
naguumapaw sa saya ang puso ko, literal.
"paano mo napapayag?" agad na tanong ko
"madali lang, tinatapatan ko yung salary nya doon at dito kaya yung bayad ko sayo ang idinagdag ko and may konti pa naman akong ipon, it's for you Craye sana this time wag mo nang pakawalan pa." sabi sakin ni Gianne tyaka sya bumalik sa inuupuan nya.
okay lang na magtrabaho ako nang ilang buwan or taon nang walang bayad basta para sa kanya, and para sa akin din naman to kasi palagi ko syang makakasama.
"thank you talaga Gianne, hindi ko na din talaga alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw pa nang wala si Justine." pag amin ko kay Gianne nang feelings ko
"umayos ka ha crayola, pag sinaktan mo pa si Justine ako na makakatapat mo." banta ni Gianne sa akin
"aalagaan ko si Justine at mamahalin nang higit pa sa deserve nya." bawi ko sa sinabi ni Gianne sa akin
"wag kang puro salita, nga pala next week uuwi na sya. wag kang parang tanga ha, gawin mong baby." sabi sakin ni Gianne na tatawa tawa
"gagawin ko talagang baby. Grabe Gianne, excited na kong yakapin sya, mag out of town or out of the country na kasama sya, gumising sa umaga na katabi sya, ipagluto sa umaga ng breakfast, magdala nang lunch nya sa work, mag luto nang dinner kasama syang kumakain at miss na miss ko na ang mga halik nya." pagddaydream ko sa harap ni Gianne
"langya ka! hindi ko alam kung iniinggit mo ba ako or what?" sabi ni Gianne tyaka nya ko himampas sa braso
"maghanap kana kasi." sabi ko na lang nang nakangiti
"andami mong plano, ang tanong payag ba syang maging baby mo ulit?" tanong ni Gianne sa akin
bakit nga ba panatag ako na sa pagbalik nya ay payag agad si Justine, baka ang makita lang ako ulit ni Justine ay ikainis nya pa.
bigla akong natauhan sa idea na ako lang ang bumuo, paano kung tama nga si Gianne na ayaw na sakin ni Justine talaga? paano nga kung hindi nya na ko mahal.
ako lang pala ang bumuo nang plano, plano na para sa akin lang mismo, na saakin papabor, na sa akin papanig ang mundo.
paano nga ba kung sa pagbalik ni Justine ay hindi na sya okay na makita pa ko, hindi sya okay na makasama ako, hindi okay sa kanya na gawin ko ulit syang baby ko.
bigla na lamang naging isang malaking palaisipan sa akin ang tanong na yon sakin ni Gianne, masyado nga naman akong naging confident na kahit ako mismo ay naniwala sa mga plano ko nang ganon ganon na lang.
hindi naman lahat nang plano ay natutupad, bakit ba wala akong hinandang plan B or anything kung ang mangyayari ay hindi uugma sa mga plano ko.
"hey Craye! don't think to much, natanong ko lang naman iyon. so paano? nagmamadali kasi talaga ako ehh kasi may meeting pa ko sa munisipyo, may nag iintay na sa akin doon." paalam ni Gianne sa akin
"sure Gianne, mag iingat ka." yan na lang ang nasabi ko tyaka tuluyang umalis si Gianne
nawalan ako nang gana bigla, what if tama si Gianne?
sa lahat nang mga nagawa ko sa kanya, pag balik nya okay na agad kami.
Crayola, ang tanga tanga mo talaga mag isip!
masyado kong plinano ang lahat, paano kung una pa lang palpak na pala agad.
"Ma'am, excuse po may I take your order Ma'am." sabi nang crew na lumapit sa akin
agad kong tiningnan ang menu, nag order ako nang favorite ni Justine na beef steak at black forest chocolate trifle.
sabi nya kasi sakin before, kailangan na favorite ko din yung mga favorite nya.
"okay po Ma'am, copy." sabi nang crew tyaka ito umalis
nirelax at inenjoy ko na lang ang ambiance dito sa Las Casas kesa isipin na naman yung mga bagay na hindi ko alam kung tama pa, pero hanggat kaya ipipilit ko
habang iniintay ang oras ay napatingin ako sa kabilang table, nakita ko doon yung isang dessert.
agad naman akong napangiti, it's cream brulee na favorite ko naman, naalala ko na naman si Justine nung time na binigyan nya ko noon nung university week namin, yung kahit nasasaktan ako at nasasaktan sya mas pinili pa rin nya na bigyan ako nang lunch, ganon sya ka concern sa akin nang mga panahon na yun.
ang mga araw na yun ang hindi ko malilimutan.
"Ma'am, ito na po ang order nyo." sabi nang crew kaya napatingin ako sa kanya, inilapag naman nya sa table ang order ko
how lucky I am before nung mga panahon na hinahayaan ko lang si Justine na mahalin ako pero wala akong ginawa kundi ang saktan lang sya
"thank you." sabi ko sa crew
"any order Ma'am?" tanong nang Crew sa akin
"nothing, salamat." sagot ko
kinain ko na lang ang order ko, gutom na rin naman ako.
sana sa pagbabalik ni Justine ay makasama ko syang kumain or kahit mag-kape manlang. bigyan nya naman sana ako nang pagkakataon para makabawi.
----------
uuwi na si Justine bibe. 😂😂
BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanfictionNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.