Craye
after naming mag bar ay hindi na ulit nasundan yung pagkikita namin but this time, inaayos ko na ang lahat.
bumalik na din ako sa office, actually muntik na talaga ako materminate ni Allen dahil sa matagal kong hindi pag pasok sa trabaho. Last night ay kinausap ko na din si Veron, ganon din si Kylie.
Kahit anong gawin nila ay hinding hindi ko sila mamahalin gaya nang pagmamahal ko kay Justine.
Nag sorry din naman sila sa mga ginawa nila sa akin dahil nakita naman nila kung gaano kalala yung dinanas ko mula nung iwan ako ni Justine, nag insist pa nga sila na sila na daw ang kakausap kay Justine para tulungan ako pero tumanggi na ko, ako na. Wala na kong tiwala pa sa kanila.
civil na lang kami ngayon ni Veron dahil nga workmate ko sya, other than that. Hindi na ko para makipag communicate sa kanya at pinutol ko na din pagkakaibigan namin. Pag related na lang talaga sa work, si Kylie naman tinapat ko na, never ko na syang magiging kaibigan at lagi na lang gulo ang dulot nya samin ni Justine. Akala ko totoo sya nung una pero hindi din pala. Sobrang na disappoint ako sa mga kalokohan nya para lang gawin yun at sirain kami ni Justine, sa lahat nang sakripisyo na ginawa ko para sa kanya still tinarantado nya pa din ako, so NO na talaga sa kanya.
Ngayon, andito ako sa kotse ko binabaybay ang daan pa-Laguna. Gusto kong bumawi kay Justine at sa parents nya. Alam kong hindi nya ko deserve pero ipapakita ko ulit sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Magsosorry na din ako kina Tito at Tita dahil nasaktan ko talaga ang anak nila at alam kong nasaktan ko din sila dahil sa mga nagawa ko sa anak nila, kay Justine.
kinakabahan man ehh tutuloy ako, wala nang atrasan to.
pagdating ko sa bahay nila, napansin ko na maraming tao. Mga relatives ata ni Justine, kahit ganon ay bumaba pa din ako. Matapang na haharapin ko ang lahat kesa naman tuluyan na mawala sakin si Justine. Hindi ko kaya, kaya naman pinark ko muna kotse ko sa gilid nang kalsada at bumaba nang kotse.
Papunta pa lang ako sa gate nila ay may sumalubong na sakin, papasok pa lang din sa gate nila.
"ija, sinong sadya mo?" tanong sakin nung babae na wari ko ay Tita ni Justine.
kinabahan ako bigla, mukang may piging sa kanila ngayon.
kasi may nag dadatingan pa papasok sa bahay nila. Tsk! wrong timing ata ako, mas dumoble ang kaba ko.
"ahh anjan po ba sa loob si Justine?" tanong ko
"ohhh? birthday nang Daddy nya ngayon, halika pasok ka." sabi nung kausap ko
f*ck! birthday ni Tito tapos wala akong dala manlang para sa kanya, para kay Justine ang dala ko.
napa facepalm na lang ako, mukang sasabit pa ata ako nito.
"nako, salamat po. Mauna na po kayo sa loob." sagot ko kaya naman nag paalam na sakin yung Tita ata ni Justine at pumasok na sa loob.
I don't know what to do.
need ko ata bumili nang gift para kay Tito.
pabalik na ko nang kotse ko nang narinig kong may tumawag sakin
"Craye."
alam kong si Tito na to at mukang sinabi na may tao sa labas kaya sinalubong na ko ni Tito dahil hindi nga ako makapasok.
"Hi po, Good Morning po." bati ko tyaka ako nag mano, syempre diba? papagood shot nga tayo ehh
"Halika, pasok ka. Sakto at birthday ko may konting pagsasalo salo." Pagyaya naman ni Tito sakin at ginaya pa ako na makapasok sa gate nila

BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanficNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.