Justine
nagising ako sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko kaya agad naman akong napabalikwas, hindi pa man ako nakakamulat nang maayos ay kinapa kapa ko na si Craye dahil alam kong katabi ko sya pero nagising ako bigla dahil wala akong naramdaman na katabi ko.
napabangon ako nang mabilis dahil doon, wait panaginip lang ba yung nangyari kagabi?
inalisa ko nang mabuti ang nangyari, ako yung hindi gaano lasing pero alam kong totoo yun.
nakahinga ako nang maluwag nang nakita kong nasa kwarto nya ako, chineck ko ang oras and it's 11:27am. like? teka. malapit na maglunch? ganon ako talaga kapagod kahapon at kanina?
tumingin ako sa paligid, nakita ko sa side table nang kama na may note kaya kinuha ko naman ito agad
hi Baby
good morning, sorry kung hindi na kita ginising kanina kasi alam ko naman na sobrang pagod ka. humm nag ready ako jan nang damit para makapag shower kana and food din. Thank you sa pagtulong sakin kanina, balik ako before lunch gusto kong makasabay ka kumain, text me kung anong gusto mong food for lunch natin okay? tsk! gusto talaga kita gisingin kanina para sana kunin yung good luck kiss ko kaso alam kong pagod na pagod ka.
I love you, Baby ko.
-Craye 😍
aaminin kong kinilig ako, sobrang tagal kong inintay ang panahon na ito. Yung wala nang iba pang hadlang sa aming dalawa.
chineck ko naman agad ang phone ko, may mga messages si Maice pero may text din si Craye kaya yun agad ang una kong binuksan
[when you wake up, mag shower kana okay? use my toothbrush muna, wala akong available jan sa condo eh. 😅😅] -8:05am
[Baby, get up! it's 10:08am na. Tapos na presentation ko and sobrang ayos nung gawa mo approved agad.]
[Baby, please reply. Nagoover think na ko na baka iniwan mo na ko at umalis kana naman.] -10:56
sh*t!
pagbasa ko nun ay agad akong tumawag sa kanya
isang ring pa lang ay sinagot nya na agad
"my god! finally." narinig ko sa kabilang linya, ramdam ko na nareleave sya
"hi Baby, sorry. kagigising ko lang, napasarap ata ang tulog ko."
"too tired? don't worry, I have black forest cake for you and bumili na din ako nang lunch natin. Get up na okay? Mag shower kana, I'm on my way na po."
"grabe! ang baho ko na ba? tsk! okay." kunwaring inis ko
"no no Baby, kahit wag kana mag shower forever ikaw at ikaw pa din, wag na mag tampo jan." halata ko na medyo nag panic sya at ramdam ko ang pag suyo nya at the same time
"joke hahaha! yes Baby, i need to go. i love you, shower na po ako. Magiingat ka ha, bye." sabi ko na lang tyaka ko binaba ang call
sakto naman na pag dating nya sa condo ay sya ding paglabas ko sa room nya, katatapos ko lang din maligo at mag-ayos.
"hi baby." bati nya sakin at kumaway pa, pinatong nya naman yung dala nya sa table sa salas
lumapit na din ako sa kanya tyaka ko sya niyakap
"i miss you." pagpapacute ko kahit alam ko naman cute na ko sa paningin nya hahaha
"i love you, tera na let's eat. hummm hindi kapa nag bbreakfast ano? ikaw talaga." sabi ni Craye tyaka sya bumitaw sakin at nagtungo sa kusina, palagay ko ay kukuha sya nang plates para pagkainan namin
BINABASA MO ANG
ONCE IN A LIFETIME (PART II)
FanfictionNalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to walk away and follow her dream.