SIMULA

396 12 0
                                    

"Anak, ito ang pera oh? Kaysa nagtatrabaho ka sa gabi sa Club ni Greg," agad akong umiling kay mama at ngumiti.


"Okay lang, ma. Hindi naman ako nababastos doon. Kaibigan ko mga bouncer do'n!"


Napatitig s'ya sa akin na para bang miss na miss na n'ya ako kahit araw-araw naman kami nagkikita. Ginusto ko magtrabaho ng ganito dahil sayang ang oras. Ala una ng hapon ang pasok ko at alas singko naman sa hapon ang uwi. Uuwi sa bahay at kakain, gagawa ng assignment tapos gagayak ng alas otso ng gabi para pumasok.


Nakakatulog pa ako nang mahaba.


"Ang laki mo na. Parang dati lang... buhat-buhat ka pa namin ng papa mo," hinawakan ko ang kamay nito.


"Ma naman! Baby mo pa rin ako saka... nand'yan si Tito Leo baka magselos, alam mo na?" Tinawanan lang ako nito at saka hinaplos ang buhok ko.


"Gamitin mo na kaya ang sasakyan ko para may gamitin kang pauwi---"


"Ma, may taxi pa sa gano'ng oras. Saka may party mamaya at nandoon ang mga kaibigan ko," sabi ko rito.

"Fine."


Inayos ko na ang sarili ko saka pinusod ang buhok ko. Naunang lumabas si mama at sumunod ako.


It's been years since my papa died. My mom got a boyfriend and we're living with him.


Hindi naman masama ugali ni Tito Leo, sa totoo lang? He wants to give everything he had and make my mama's happy pero tumatanggi lang ako. Kahit si mama naman tumatanggi dahil hindi naman kasi biro ang yaman ng mga Ancheta.


Hindi rin naman kailangan ng pera dahil malaki iniwan sa amin ni papa. May trabaho ang mama at ako rin, kaya hindi nagagalaw. Huminto lang magtrabaho si mama year ago dahil may sakit si Tito Leo.


Naabutan ko si Tito Leo sa sala habang nanonood ng balita. Agad 'to napatingin sa akin.


"Mag-iingat ka. Mag-text ka sa driver ko kung magpapasundo ka. Delikado na sa labas at madilim," tumango ako rito.


"Alis na po ako. Pakisabi na lang kay mama!" Paalam ko rito.


Mabilis akong lumabas at syempre? Nagpahatid ako. Wala naman sa kanilang problema 'yon.


Nakakagala na nga ako sa bahay na 'to. Dati kasi hindi dahil may anak na lalaki si Tito Leo na nag-aaral na sa ibang bansa. Noong nandito kasi 'yon halos hindi ako makalabas ng kwarto sa hiya. Nagtatago pa ako at para akong tanga minsan kasi pumupuslit pa ako.


Nagkakasalubong kami at ako umiiwas.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pakiramdam ko. Kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko s'ya.


Nakahinga lang ako nang maluwag noong umalis 'to at s'yempre. Bumili ako ng regalo dahil sabi ni mama.


Hindi kami close. Hindi rin naman kami nakakapag-usap. Si Tito Leo naman? Nakakausap ko. Mabait, sobra. Kaya alam kong safe si mama sa kan'ya dahil ilang taon na kami nandito pero hindi ko man nakita si mama na nasaktan or umiyak dahil sa kan'ya. Maaliwalas ang mukha ni mama lagi.


Nakarating ako sa Club ni Greg. Agad akong bumaba at nagpasalamat. Dumiretso agad ako sa back door. Nagpalit ako ng damit, isang fitted skirt 'yon na hanggang ibabaw ng tuhod ko at isang dark long-sleeve. Hindi bastusin ang waitress dito at ako? Lagi nasa bar counter para ihanda ang inumin nila.


Nasanay na ako na ganito at para na rin sa safety ko.


"HERAAAA!"


Napatingin ako kay Andrea na ngayon ay kumakaway sa akin kasama si Aileen.


"Hello!!!" Sigaw ko rin dahil malakas ang sounds.


Lumapit sila sa akin kasama si Lincoln at Samuel. Si Greg naman ay hindi ko makita at mukhang nagsasaya na agad.


"Here!" Agad nilapag ni Lincoln ang isang paper bag na may laman na pabango.


"Thank you!" Agad kong tinanggap 'yon.


They are my friends for years. Simula lumipat kami ni mama ay doon ko sila nakilala sa University na pinapasukan ko. Masaya sila kasama. Madalas nga lang ang inom pero inuuwi naman nila ako nang ligtas.


"Kausapin ko si Greg? Sabihin ko gawin off ka with pay!" Si Aileen.


"Wag na. Saka parang kasama n'yo na rin naman ako habang nandito ako---"


"Ano? Hindi! Dapat enjoy ka rin! Bayad 'to ng kaibigan din namin. Libre lahat ng drinks!" Napailing ako sa kanila.


"Okay na ako rito, okay? Sige na. Mag-enjoy na lang kayo."


"Whiskey," napatingin ako kay Samuel. "May mag-uuwi ba sa 'yo mamaya?"


Hinandan ko ang inumin n'ya at sinalinan sa baso.


"Well, wala. Pero kung lasing kayo? Taxi na lang ako," sagot ko sa kan'ya.


"Konti lang iinumin ko para may mag-uwi sa 'yo," napangiti ako sa narinig ko.

"You should drink a lot! Sayang libre 'no!"


Tumawa lang s'ya at binigay ang order n'ya. Kumuha sila ng inumin na hinanda ko saka isa-isa umalis. Tuluyan na dumami ang mga tao at ito ako? Ginagayak ang inumin nila hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na 'Welcome back!'


Tumingin ako roon pero wala akong makita dahil pinalilibutan ng mga tao ang lalaki. Nanahimik na lang ako rito sa bar counter. Pinili ko muna mag-break kaya pumunta ako sa likod.

"Greg, bakit ka nandito?" I asked him.


"Nothing. May kinuha lang ako sa opisina. Break mo?" tumango ako rito.


"Nand'yan na ata 'yung nagpa-party. Lumabas ka na kaya?"


"Hayaan mo sila. Makakausap ko rin naman 'yon," nakangising sabi n'ya.


Pumunta ako sa fridge para kumuha ng tubig. Pagkatapos no'n ay naupo ako sa sofa. Tahimik kong hinilot ang binti ko roon.


"Kung gusto mo mag-party? Mag-party ka. It's okay to me. Andrea and Aileen talked to me---"


"No, it's okay. May oras para roon saka ayokong uminom ngayon," totoong sagot ko.


"Sige. Labas na ako at sabihin mo kung may ipapagawa ka," natawa lang ako.


Bakit parang ako ang boss sa aming dalawa? Napailing na lang ako rito. Magkakaibigan kami.


Ako, si Andrea, Aileen, Greg, Samuel and Lincoln. Sa kanilang lahat ay ako lang galing sa normal na pamilya. Hindi pa nila nakikilala ang mama ko pero madalas nila ako ihatid sa village pero hanggang doon lang sa labas. Tapos? Maglalakad na ako papasok.


Ayoko malaman nila na nakatira ako sa Ancheta. Kilala nila 'yon, alam ko.


Kaya ayoko rin malaman nila na may koneksyon ako sa mga 'yon. Okay ako sa buhay ko. Normal lang.


"Hera, ikaw nga muna roon. Gutom na ako. Hindi pa ako kumakain," agad akong tumango at saka lumabas.


Agad akong pumwesto sa bar counter at kinuha ang mga order nila na drinks. Tahimik lang ako ginagayak 'yon at ngumingiti sa kanila.


"Here's the card," napatingin ako sa lalaking 'yon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang step-brother ko na si Logan.


Tinanggap ko agad 'yon. Black card 'yon at may nakalagay na pangalan n'ya. Nilagay ko 'yon sa safe box at saka ginayak ulit ang mga inumin.


Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Hindi ko alam bakit ganito mabilis ang tibok ng puso ko.


It's been years!


"You worked here?"


"Y-Yeah," utal na sagot ko.


"How many years?" He asked again.

"A year," sagot ko muli.


"One glass of Jd," agad kong sinunod ang utos n'ya.


Hindi ko alam bakit hindi ako makatingin sa kan'ya. Kinakabahan ako... hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Tahimik ko lang binigay ang inumin n'ya. Iwas na iwas akong tumingin sa kan'ya at kahit pakiramdam ko ay nakatitig s'ya sa bawat galaw ko.


I smiled to those customers.


Pansin ko rin maraming lumalapit sa kan'ya. Mga babae halos ang karamihan. Binabati s'ya at kinakamusta.


Habang ako eto? Tahimik lang. Naghahanda ng inumin para sa kanila.


Puro ako tinatawag n'ya para sa drinks n'ya at hindi ko naman matanggihan dahil trabaho 'to.


"A-Alam na ba nila mama na nandito ka?" napatigil s'ya sa pag-inom at tumingin sa akin. Umangat ang gilid ng labi n'ya na para bang nasisiyahan s'ya sa tanong ko.


"It was suprise for them, Hera."


Tumango ako.


"And that was a first question to asked me for years," agad akong napatitig sa kan'ya dahil doon.


"Curious lang," mahinang sabi ko pero hindi ko alam kung narinig n'ya o hindi dahil malakas ang tugtog.


"Kuya Logan!" Lumapit si Andrea at kumawag sa akin.


Hindi ko alam kailan pa sila naging close. Hinihila nito si Logan papunta sa table nila. Kumunot ang noo ko dahil... paano?


Imbis na isipin ko pa 'yon ay inubos ko na ang oras ko hanggang sa oras na para umuwi ako.


Agad akong pumunta sa likod. Inayos ko ang time-in and out ko. Nagpalit ako ng damit at saka kinuha ang bag ko.


Humikab ako.


Nakakaramdam na ako ng antok habang lumalabas sa backdoor. May iilang tao rito pero kamirahan ay babae.


Nakarating ako sa highway. Wala akong makitang taxi. Naglakad muna ako para maghanap pero may pumantay sa aking sasakyan.


Bumaba ang window nito at doon nakita ko si Logan.


"Get it. Uuwi na rin naman ako," napatitig ako sa kan'ya. "Come on, Hera. Baka ano sabihin sa akin ni Tita Hidalyn kung hindi kita isasabay kahit isang lugar lang naman pinuntahan natin," nakangiting sabi n'ya.


"O-Okay."

-----

Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon