"Bakit kailangan ng mga gamit ko nasa kwarto mo?" hindi ko maiwasan itanong sa kanya habang nakatingin ako sa gamit namin sa cabinet n'ya."Syempre, dito tayo matutulog na dalawa," tumingin ako sa kan'ya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"Anong dito! Sa kabila ako---"
"Nandito na mga gamit mo! Tara na, mall na tayo?"
Tatanggi na sana ako pero wala na akong nagawa dahil hinila n'ya ako. Hindi na namin ininda ang parehong suot namin. Isang cotton shorts ang suot ko na hanggang kalahating hita at saka fitted tee shirt.
Naka- messyn bun ang buhok ko habang palabas kami ngayon ng Unit n'ya. Walang stocks na kahit ano dito kaya kailangan pa namin bumili. Maramihan na bibilhin namin kaya alam kong mag tatagal kami sa Mall.
Lumabas kami at agad dumiretso sa elevator.
Malaki ang kanyang Unit, tatlo ang kwarto pero ang isa ay nasa dulo para sa kan'ya. Glass wall ang paligid kaya makikita mo ang ilaw sa city sa gabi. Syempre, may terrace pa at malalanghap mo talaga ang sariwang hangin. Ang Cr n'ya ay malaki, wala man closet pero malaki ang kanyang kwarto at may malaking TV din na halatang bagong bili.
May Tv din sa sala at mukhang luma ay sa tingin ko ay matagal na hindi natitirhan 'to. Sa Monday pa may available na pwedeng mag lilinis dito sa Unit kaya naman wala kaming magagawa kung hindi mag tiyaga muna sa kwarto n'ya pero sabi n'ya lilinisin na lang daw n'ya.
Sumakay agad kami sa Gray Ashton Martin n'ya.
"Sa malapit na mall na lang muna tayo pumunta, saka may mga bibilin pa tayo para sa design sa Unit mo. Masyadong plain, gusto ko sana baguhin ang interior design, ang panget masyado ng plain sky blue..."
"Marami ka ba gustong baguhin?"
"Hindi, lagyan na lang na 'tin na mumurahin na painting ko kaya picture n'yo ng daddy mo? Saka picture namin ni Mama, hindi ba?"
"Good idea," nakangiting sagot n'ya sa akin.
Umandar na ang sasakyan n'ya at agad din kami nakarating sa pinaka malapit na mall. Pumunta agad kami sa mga furniture, okay naman na ang sofa doon. Kumuha na lang ako ng transparent na table at iilang mga base. Siguro bibilan ko na lang ng fresh flowers. Okay naman ang dining set n'ya sa kusina, pang waluhang tao, at halatang marami s'ya nakakasabay no'n kumain.
Kinuha ko ang bulaklak na pating na dalawa para sa pag pasok namin sa loob. Masyado kasing plain nandoon, lagayan ng sapatos lang ang nandoon na wala naman laman. Tapos sa gilid ng Tv siguro mas maganda na lang ay halaman?
"May napili ka na ba?" napatalon ako sa gulat dahil sa pag lapit n'ya sa akin.
"Oo, bakit?" agad n'ya hinawakan ang hawak kong painting kaya napatingin ako sa kan'ya, "kumuha ako ng mini transparent table para sa sala ng Unit mo, ayos lang ba?"
"Oo naman," nakangiting sagot n'ya kaya ngumiti ako.
"Ang ganda n'ya 'no? Boyfriend pala kasama n'ya," napatingin ako sa mga nag uusap na lalaki.
Umiwas ang mga tingin nito at hindi ko alam sino pinag uusapan nila. Imposibleng ako dahil wala naman akong boyfriend.
"Okay na 'to, ano pa bibilhin?"
"Wala naman na," sagot ko dito.
Nag bayad kami at binigay namin ang Address n'ya at number ng Unit n'ya. Pumunta din kami sa iba pang pampaganda ng bahay. Ang mga sinasabit sa mga pader. Hindi ko alam ano bibilihin ko dahil nakasunod lang naman sa akin si Logan.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved