I didn't know that Logan and me became best of friends, kung may gala ang barkada ay lagi kami sasama at mag kasama. Of course, ang trabaho ko? Hindi ko nakakalimutan. Dahil gabi gabi ako may trabaho ay gabi gabi din si Logan sa pag hatid sundo sa akin sa trabaho, minsan naman nag- I- stay s'ya mismo sa lugar na 'yon para lang bantayan ako.Marami s'yang nakakasama sa gabing 'yon at para bang ang dami n'yang kaibigan. Nahihiya ako dahil kasi? May pasok pa s'ya ng 7 Am tapos sinusundo n'ya pa ako ng madaling araw. Minsan sinabi ko na wag na n'ya ako sunduin dahil may taxi naman kahit papaano pero ayaw n'ya.
Sa buong buwan gano'n ang nang yayari. Hindi pa rin naman lumulubay sila Britany, Loreinne at Gail. Well, hindi naman na sila umaabot na sinasaktan ako pero puro parinig sila. Hindi ko na lang pinansin at si Andrea? Hindi ko na nakikitang kasama nila. Mukhang umiiwas na lang din si Andrea sa kanila at mas mabuti nga dahil hindi bagay na kasama nila si Andrea dahil sa bait nito.
Sabay sabay na din kami kumakain, kung dati ay puro iwas. Si Mama at Logan naman ay laging nagke- kwentuhan at natutuwa ako dahil mag kasundo sila. Si Tito Leo naman natutuwa kay Logan dahil malaki daw pinag bago nito.
"Wala kang trabaho ngayon? Weekends," tumango ako kay Mama saka ngumiti.
Umagang umaga ay nagising ako ay inaantok pa rin ako. Pero kailangan kong gawin ang routine ko. Logan is still sleeping in his room, dapat nga kagabi doon s'ya sa kwarto ko matutulog pero tinulak ko lang 'to.
Isang beses lang naman kami nag tabi at hindi na naulit. Nakatulog kasi ako sa pinanonood namin at nagising ako ay nakahiga na ako sa dibdib n'ya at nakakahiya. Mabuti na lang hindi pumasok sila Mama sa kwarto namin dahil baka makita pa nila.
"Jogging?"
Isang leggings at fitted sando ang suot ko. Isang puting rubber shoes at nakatali na ang buhok ko. Kumuha ako ng sandwich saka kinain 'to.
"Opo, Ma," sagot ko agad dito, "pag nagising si Logan at hinanap ako? Sabihin mo nag jogging ako. Hindi ko na po ginising dahil lasing na lasing kagabi noong umuwi kami. Buti nakauwi kami maayos," sagot ko dito saka tumango 'to.
Nag painom kasi si Logan sa mga ka-trabaho n'ya kagabi tapos ayun nakisali s'ya. Nandoon pa nga si Tito Leo pero agad din umuwi dahil pinapauwi ni Mama.
"Anak, nag kakasundo na talaga kayo ni Logan. Wala ka naman nararamdaman?"
Well, mayro'n. Pag bilis ng tibok ng puso ko habang mag kadikit kami. Iba ang dating n'ya sa akin pero binabaliwala ko dahil hindi naman kailangan. Step brother ko s'ya at hanggang doon na lang dapat, kahit hindi kasal si Mama at Tito Leo ay gusto kong rumespeto sa kanila.
"Wala, Ma," sagot ko dito saka ngumiti, "mag kapatid turingan namin ni Logan---"
"Paano kung hindi gano'n ang gusto ni Logan?" kumunot ang noo ko dahil sa pag putol n'ya sa akin.
Ano ibig n'yang sabihin? Wala naman talagang nararamdaman sa akin si Logan kahit ano dahil alam kong mabait s'ya at gusto n'ya lang kami mag kasundo. Hindi rin babaero si Logan dahil noon pa man ay wala akong nakikitang babaeng kasama 'yan, may mga babae na nag papansin pero wala naman s'yang pakielam doon.
"Ma, pwede ba? Mag kapatid kami," sagot ko dito at tumango na lang si Mama sa akin, "aalis na ako? Sabihin mo sa park lang ako sa malapit," tumango muli sa akin 'to.
Kinain ko ang sandwich ko, isang tumbler ang dala ko habang nag lalakad palabas at kinakain ang sandwich ko. Gusto ko lang mag kalaman ang tiyan ko kahit papaano dahil ayokong ginugutom ako. Nag simula na ako mag jog, tahimik lang ang pag takbo ko hanggang sa makalabas ako ng village. Diretso ang takbo ko, may nakikita akong tulad ko na tumatakbo din.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved