Kabanata 22

43 2 0
                                    



"Wala ka bang shoot?" agad na tanong ko dito at agad s'yang umiling.


Umupo s'ya sa sofa habang ako nanatili na nakaupo ako sa tabi ni Mama. Tahimik lang ako na nakatingin dito at gano'n din s'ya sa akin. Huminga ako nang malalim at umiwas sa kanya nang tingin.


"You cried? Why?"


"Nothing... I was just missing my mother," may halong katotohanang sagot ko.

Kung gising lang sana si mama? Siguro? Alam n'ya ang mangyayari. Alam n'ya ang gagawin n'ya sa akin. Sasabihin n'ya sa akin ang dapat kong gawin pero wala. Walang ina na umaantabay sa akin. Walang ina sa ngayon dahil natutulog pa.


"You early? I mean... hindi ba kakadalaw mo pa lang---"


"It's my off today," nagulat ako sa sinabi n'ya, "kaya may oras akong dumalaw that's what you want, riight?" tumango ako dito habang nakangiti, "magang maga ang mga mata mo. Umiyak ka talaga ngayon 'no?" tumango ako dito habang nakangiti.


Nasasaktan pa rin ako sa paulit-ulit na eksena kanina sa isipan ko. Nang yari na, wala na akong magagawa. At mukhang gusto naman n'ya ang nang yari kaya wala na akong magagawa pa. Kung 'yon ang gusto ni Logan? Kung nakalimutan n'ya na ako? Ayos lang. Wala na akong magagawa pa doon.


Kailangan ko na lang ay alagaan ang sarili ko at si Mama. Hindi na dapat ako nag iisip pa. Kung gusto n'ya ako saktan? I would let him. Kung gusto n'ya na makalimot? Then, it's okay. Hindi ko na pipilit ang sarili ko pa sa kan'ya.


Gaya lang ng dati, noong bago pa lang sa bahay. Walang pansinin puno nang iwasan. Parang hindi nag e- exist sa bahay. 'Yon na lang dapat mangyari pa at wala ng iba.


"So, san mo balak magpunta ngayon?" pag iiba kong topic dito.


"Sama ka na lang sa akin? Tapos ihatid na lang kita sa University?" nakangiting sabi n'ya.


"Baka may makakita sa atin mag kasama..." napakamot s'ya ng ulo, "artista ka. Baka mabash ako," natatawang sabi ko dito.


"May mask ako saka cap!" nilabas n'ya 'yon at napangiti ako, agad akong tumango dito.


Gusto ko lang makalimot kahit papaano. Birthday na n'ya next week at wala akong alam ano plano n'ya. Wala akong pera para I- suprise s'ya pero iniisip ko kung gagawin ko 'yon? Baka sirain n'ya lang din at masasayang. Okay na ako dito, okay na wala ako baka mas masaya pa s'ya.


Sinuot ko 'yon at ngumiti sa kan'ya..


Mabuti na lang ay naka cotton shorts ako hight waits and white top na pinatungan ng denim jacket. Agad kong inayos 'yon sa ko ang cap saka lumabas kami ng kwarto ni Mama.


Tahimik lang kami nag lalakad na dalawa at mukhang wala nga nakakakilala sa kan'ya.

Huminga ako nang malalim hanggang sa makalabas na kami doon. Sumakay kami sa sasakyan n'ya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at doon nakita ko na magang maga nga ang mga mata ko.


Nilabas ko ang make up ko para takpan 'to.


"Wag na. Hayaan mo na 'yan," natatawang sabi n'ya.


"Sige na nga---"


Nagulat ako dahil sa pag ring ng cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nakita ko ang isang unknown number. Agad kong sinagot 'to at tinapat sa tainga ko.


"Hello, who's this?"


"Hera, this is Mr. Smith, hindi ka na bumalik dito? What happened? Naibigay mo ba ang envelop kay---" kumunot ang noo ko dahil parang may minumura s'ya sa kabilang linya, "Logan?"




Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon