Tulala ako sa buong klase dahil sa patuloy kong naririnig ang boses ni Logan.He wants me to be his girlfriend.
Hindi n'ya ba iniisip ang daddy n'ya? Si Mama? Natatakot ako. Hindi ako sumagot dahil hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam ang isasagot ko dahil nandoon pa rin ako sa gitna nang pag iisip kung sa saya ba ako kahit may nasasaktan o sa pag tanggi pero alam kong hindi naman ako masaya.
Pinatawag ako ng mama ni Brix, wala kaming klase sa kanya at hindi ko alam ano pag uusapan namin. Nalaman ko na maraming tao sa dean office. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Binuksan ko ang office ni Mrs. Santiago saka pumasok sa loob. Nakita ko si Brix na nandoon kaya naman ngumiti ako dito. Agad akong umupo sa tapat n'ya at dumating na si Tita, agad akong tumayo para halikan sa pisnge 'to.
"Hi, Tita. Pinatawag mo daw ako?" agad na tanong ko dito.
"Gusto sana malaman ng Dean if kung itutuloy mo ang kaso. Gusto kasi makipag areglo ng mga magulang nila Britany. Ang sabi naman ng Mama mo? Ikaw lang daw makakasagot."
Huminga ako nang malalim saka tinignan ang mga papel na nandoon. Hindi ko alam ano sasabihin ko. Pumasok sa isipan ko ang mga ginawa nila sa akin. Sa bawat insulto na narinig ko mula sa kanila. Sa bawat tawa nila o ano.
"I will file an TRO, Tita."
Napangiti 'to sa sinabi ko at para bang inaasahan n'ya na 'yon.
"Sampahan mo ng kaso para matuto---"
"Brix, they are too young. Well, we are both same age, but? Ayoko masira sila dahil sa ginawa nila sa akin. Marami din naman silang pangarap tulad ko, kaya hayaan mo na. Sa susunod hindi ko na palalampasin," napangiti s'ya sa sinabi ko at lumapit sa akin.
Agad nitong pinisil ang pisnge ko habang nakangiti sa kan'ya.
Pinirmahan ko ang pinapipirma ni Tita sa akin. Kumuha na din sila ng TOR. Agad nilang pinadala 'yon sa mga pamilya nito. Natapos kami sa ginagawa namin ay agad na kaming pumunta sa Dean.
Nanlaki ang mga mata ko dahil nandoon si Logan habang nakaupo. Ang mga lalaking 'yon at ang sulat sa mesa. Napalunok ako dahil hindi ko inaasahan 'to.
"L-Logan?"
Ang mga sulat na 'yon ay puro pambabastos sa akin at may mga pangalan nila. Kaya hindi na sila makakalusot pa. Lumapit ako dito at naupo sa kanyang tabi. Hindi ko naman kasi nababasa pa ang mga sulat. Isang sulat pa lang ang nababasa ko at pinili ko na wag na lang basahin dahil sa nabasa ko pa lang ng una ay wala na.
"L-logan..."
"Kung hindi ko pa galawin ang gamit mo itatago mo lahat ng 'to sa akin?" hinawakan ko ang kamay n'ya dahil ramdam ko ang galit n'ya, "hindi ko palalampasin ang mga nambastos sa 'yo. Tandaan mo 'yan."
Hinawakan nito ang kamay ko at tumango na lang ako. Ayokong nagagalit s'ya sa akin kaya naman hinayaan ko na lang. Dumating si Atty. Aragon, agad inayos ang kaso. Mama and Tito Leo went here, too, for me. Agad akong lumapit sa kanila.
Galit na galit si Mama at Tito Leo. Panay din ang thank you ni Mama kay Logan dahil doon. Hinila ako ni Mama sa loob ng sasakyan.
"Bakit mo tinatago ang mga 'to ha?! Kung hindi pa sabihin sa amin ni Logan?! Tama talagang pinasama kita kay Logan para nalalaman ko lahat!" galit na sabi ni Mama sa akin.
BINABASA MO ANG
Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)
Romanceshe was accused by someone she loved