Kabanata 21

40 2 0
                                    

Huminga na lang ako nang malalim na natapos ko ang iba. Agad kong inayos ang sarili ko saka tumingin kay Mama. Agad ako nag paalam dito na papasok muna ako sa University at hindi ko s'ya madadalaw mamaya.


Siguro eto na lang gagawin ko? Sa umaga ay kay Mama muna ako. Si Mrs. Smith naman na daw ang bahala sa Oras ko sa Company nila at ako? Eto gagawin ko. Kahit pag bawalan ako ni Logan ay ayos lang. Kahit ano sabihin n'ya? Tatanggapin ko na lang para kay Mama. Para makasama ko si Mama.


Pumasok ang Doctor ni Mama at gulat na napatingin sa akin.


"You are her?"


"Daughter, Doc," agad na sagot ko saka tumingin s'ya sa akin na para bang hindi makapaniwala, "Doc?"


"Well, your mom still unconscious. Mas maganda siguro kung kausapin mo s'ya araw-araw para naman magising s'ya. Mahirap ang aksidente na nangyari sa kan'ya kaya dapat? Mas dalasan mo ang dalaw," napatango ako sa sinabi nito.


"Salamat, Doc. Every morning po pupunta ako dito para kay Mama. Para kausapin po s'ya," sagot ko dito.


Lumabas kami ni Doc para makapag usap. Dala dala ko ang mga gamit ko habang nag lalakad kami sa hall way ng Hospital.


"Hindi ko alam na may dalagang anak ni Ms. Trinidad, akala ko? She's a single and walang anak..." sagot nito at ngumiti ako.


"Si Logan po kasi nagdala dito. Nandito rin po ako ng dinala---"


"Logan! He's my friend," natatawang sabi nito, "well, oo. Tinawagan n'ya ako na ako daw humawak kay Ms. Trinidad..."


"Kailangan n'ya pa talaga ng kakilala nyang Doctor... para magising talaga si Mama at maipakulong n'ya," mahinang sabi ko saka huminto sa pag lalakad, "sige po, Doc. Alis na ako. May pasok pa po kasi ako..."


"Sige, mag iingat ka," tumango ako dito at inayos ko ang paper bag sa kamay ko at saka nag lakad paalis doon. Huminga ako nang malalim habang nag lalakad ako paalis doon.


Pumara ako ng Taxi para dalin ako sa University. Yumuko ako habang nag lalakad papunta sa building ko. Tahimik lang ako na sinusulat ang notes tungkol sa requirements. Ang iba naman ay sinasabi na wala na kaming klase basta daw tapusin ang requirements. Magiging maaga para sa akin ang bagay na 'yon.


Inayos ko ang sarili ko at huminga ako nang malalim.


Nag biruan silang lahat habang ako ay nag sasalin ng notes sa bawat subject ng note book ko. Dahil mahaba pa ang oras, ang iba naman ay nag papaalam na pupuntang Caf dahil gutom. Ako naman ay tahimik lang sa ginagawa ko hanggang sa makatapos na naman ng isang subject.


Pinalabas na kami at sa paglabas ko ay nakasalubong ko si Andrea. Nagulat pa 'to nang makita ako at saka ako niyakap nag mahigpit.


"Nandito ka nga! Kumain ka na ba? Kain tayo! Wala kang klase sa susunod!" masayang sabi nito sa akin.

"Marami akong gagawin 'e," pinakita ko sa kan'ya ang dala ko at napanguso s'ya.


"Ano ba 'yan! Minsan na lang tayo magkakasama. Saka, kailangan mo din makipag-unwind! After everything! You need it," agad ako umiling dito.


"Kailangan ko makapag-aral muna, Andrea. Maybe, next time?" bumagsak ang balikat nito sa sinabi ko, "I am sorry. I am not really in my mood, I-I was really tired from everything and I want to rest while studying..."


"Kailan pa naging pahinga ang pag- aaral ha?" hindi ako sumagot dito saka ngumiti lang.


Dahil wala daw klase ay pumunta muna ako sa Library. Pinilit kong tapusin ang lahat ng 'yon kaya naman nang matapos ko ay agad ako nag inat. Napangiti ako dahil doon. Inikot ikot ko ang braso ko dahil sa ngawit ko.


Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon