Kabanata 7

95 8 1
                                    

Inayos ko na ang sarili ko nang marinig ko ang pag bukas ng pinto. Pumunta ako sa table ko para makapag ayos. Agadkong pinatuyo ang buhok ko, lumabas na si Logan na nakabihis. Hindi nila pwede mabasa ang mga sulat, hindi pwede...



Ayokong malaman nila kung ano 'yung nasa sulat. Hind ko naman aakalain na puro kabastusan 'yon. Ayoko na basahin pa, ayoko na. Tama na 'yon, ayoko din na may problema pa. Si Mama, baka mag- aalala pa lalo sa akin. Huminga ako nang malalim.



Bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok si Andrea, "may blow dry ka ba? Pahiram naman!"



"S-Sandali lang, hind pa ako tapos," mahinang sabi ko.



Mabilis kong pinatuyo ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Nang matapos ay binigay ko sa kan'ya 'to saka lumabas s'ya. Sinuklay ko na ang buhok kong mahaba habang nakatingin sa salamin.



Binuksan ko ang drawer ko. Agad kong pinailalim lahat ng sulat na nandoon baka makita pa ni Logan 'to at buksan. Kinuha ko ang liquid foundation ko at saka nag lagay ng konti. Kinalat ko sa buong mukha ko 'yon.





Kinuha ko pa ang face powder ko para patungan 'to. Tahimik ko lang ginagawa 'yon at saka nag lagay na ng light blush on. Sinunod ko ang lipstick. Pumasok sila sa kwarto namin habang tahimik ako nag- aayos. Lumapit si Aileen saka hinawakan ang buhok ko.



"Anong gusto mong ayos sa buhok mo?"



"Isang pusudan na lang siguro," nakangiting sabi ko dito.



May dla 'tong spray net. Agad nitong inipon ang buhok ko. Si Andrea naman ang nag I- spray ng buhok ko para kung sakaling may lumabas na maliliit na buhok ay maitatago 'to.



"Hind n'yo man sinasabi na sa iisang Unit na pala kayo nakatira," pag bukas ng topic ni Aileen, "para naman pwede kaming tumambay dito!"



Natapos ako sa pag aayos pero sila ay busy sa buhok ko.



"Pwede naman. Kung gusto n'yo dito na kayo matulog mamaya. May dalawang kwarto pa d'yan," sabi ni Logan dito.

"Dito? Pwede kami?" tanong ni Aileen dito habang natatawa.



"Oo nga, Kuya Logan. Pwede ba dito kami?" narinig ko ang tikhim ni Logan kaya naman tumingin ako sa kan'ya sa salamin.



Nakatitig s'ya sa akin kaya naman ngumiti ako.



"Kwarto naman 'to ni Hera, kaya doon na lang kayo," natatawang sabi nito.



Bumusangot si Andrea at hind na ako nag salita. Pinag pasyahan kong iiwan ko na lang cellphone ko dito. Natapos sila sa pag aayos ay kinuha ko ang Tom Ford ko saka nag spray sa leeg ko. Tahimik lang ako nakatingin sa salamin.



Nauna na ang mga lalaki sa pag alis kaya naiwan kami dito.

Agadn nilang hinubad ang suot kong leather jacket.



"Bakit?"



"Ang sexy mo! Tanggalin mo na 'yan---"



"Ayoko!" hinila ko sa kanila 'yon pero natatawa lang sila sa akin.



Andrea is wearing a tube dress, konting yuko lang ay makikita mo na ang under wear nito. Habang si Aileen naman ay halos kapareho lang pero ang straps nito ay sobrang nipis. Ako lang ang naiiba.



High waish short and tube ang top ko. Kinuha ko na ang sling bag ko saka tumingin sa kanila.



Hinawakan na naman nila ako at saka tinapon ang leather jacket ko. Tinulak na nila ako palabas at wala na akong magawa kung hindi lumabas. Huminga ako nang malalim saka pumunta na kami sa elevator.



Hera Cline Trinidad (Daughter Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon